Uunahin...
"That stupid bitch! Sunduin mo ako ngayon dito!" galit na bulyaw ko kay Milan. Naibaba ko ang notebook na hawak at napatayo. Mabilis kong tinungo ang kinaroroonan ng aking walk-in closet para sana maghanap ng maisusuot. I was wearing my pantulog. Disoras na din naman kase ng gabi.
Nanggigigil ako sa galit. Humanda sa 'kin ang Cheska na yan. How dare she come here and mess up with Chase and Grey!
"Huwag ka ng sumali, Dakota. Let Chase handle it. I'm telling you, what she just did earlier wasn't a good sight to see,"
My free hand rested on my hip, "And what? Hayaan siya sa kagagahan niya na yan? No way! I was barely able to save Chase from her before!"
That crazy woman! I understand na may pinagdadaanan siya but it's not right na palagi niyang dinadamay si Chase at Grey!
Oh God! Naitakip ko sa aking labi ang isa kong kamay.
Chase had enough of her. Kailan ko lang ulit siya nakitang masaya. And that's because of my sister. Masaya sila sa isa't isa. Bakit kailangan niyang bumalik dito at guluhin pa ang dalawa?
"Dee, you know she's a family friend. Hindi rin namin siya pwedeng pabayaan ngayon. Kuya was trying to contact her parents na,"
Napasandal ako sa dingding ng aking silid.
"Pero Milan, you don't know her. Hindi lang nuya ngayon ginawa kila Chase yan! And Grey too! Alam mo naman kung ano ang epekyo niyan sa kanya!" naiiyak na ako sa naisip.
Hirap na hirap na nga ang bunsong babae nila and ngayon ay dadagdag pa siya.
To be honest, ayaw ko namang gumawa ng kahit ano na makakasakit sa kapwa ko but I won't stand still kung ang mga kababata ko na. Sa ilang taon naming pagkakaibigan, lahat ng sekreto ng kanilang pamilya ay hindi na rin naman lihim sa 'kin, so I know that they've been through too much. Kaya nga ganyan katatag ang magpipinsan dahil na rin sa mga pinagdaanan nila.
And now Cheska has to enter the picture, para saan?
"How's Chase?" mahina kong bulong. Nasasaktan ako sa nangyayari sa kanya. Hindi katulad ni Grey, hindi ganoong ka-open sa anxiety niya si Chase. Masyado niya kasing kinikimkim ang lahat.
"He's fine, pero nakainom kami. Kausap siya ni Julio. Kaya ako tumawag sa 'yo dahil siguradong malaking gulo to bukas,"
"Bakit? Hindi pa ba 'yan uuwi?"
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya, tila ba hirap na hirap na din sa mga nangyayari.
"She tried killing herself in front of them. Malaking gulo sa mga pamilya namin kapag nakarating kay abuela ang ginagawa ni Cheska. And knowing Chase, he'll try to fix this on his own,"
"Ugh!" hindi ko napigilang mapaungol sa sobrang inis. Bakit ba masyadong mabait si Chase?
Napaayos ako ng tayo ng may biglang maalala, "How about Andrea? Paano ang kapatid ko?"
Hindi ko man gusto ay parang bigla akong kinabahan. Andrea and Chase had been dependent with each other. Mahal nila ang isa't isa. Masasaktan siya kapag nakita niya si Cheska!
"Kaya nga ako tumawag dahil alam ni Cheska ang tungkol sa kanya. She has violent tendencies right now," mahina niyang bulong.
"Oh God," napahawak ako sa aking noo at mas lalong nanghina.
"Kaya nga I need to be there now para malaman ni Cheska kung ano'ng mali sa ginagawa niya!"
"Paano kung mas lumala? Paano kung mas lalong gumulo? Do you actually know that she hates you? Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa kanya dati but she keep screaming how much she hates you habang ginagamot siya ng family doctor namin,"
YOU ARE READING
MILAN (P.S#4)
Romance"Alam mo kung ano ang pinakamahirap? Knowing that you could love someone unconditionally if they'd just let you..."