41

1.5K 61 44
                                    

Can we...

"Kasalanan mo!" inis kong turan sa kanya. Pinaningkitan ko siya ng mga mata while he just stared at me blankly. Narinig ko pa ang naging pagbunton niya ng hininga.

"Ikaw ang nanigaw tapos ako ang sisisihin mo,"

Ngumuso lamang ako at hindi na kumibo. Oo, ako ang nanigaw, but it's still his fault. Bakit ba kasi bigla na lang siyang darating dito at magbibitiw ng mga ganoong salita. Papaasahin niya ako tapos wala naman pala siyang naaalala.

At si Yelo, tandang tanda ko pa kung paano ito nairita sakin pagkatapos ko siyang pagbintangan. Akala ko kasi ay sinabi niya kay Milan. Sabi niya kasi gaganti siya sa'kin sa mga ginawa kong pambubwisit noong nakaraan.

"Ano'ng pakialam ko sa inyong dalawa? Kung pareho kayong nagtatanga-tangahan, hindi ko kayo pakikialaman. Huwag niyo akong dinadamay, mga buwisit,"

Hindi na rin ito nakapagpigil at lumitaw na talaga itinatagong kawalanghiyaan.

The next thing I knew was him throwing all of my stuff outside. Kasunod noon ay halos sipain niya kaming dalawa ni Milan palabas. Nilock niya ang lahat ng pinto. Ni hindi ko nakuhang magpaalam sa kanyang anak. Natutuwa pa naman ako kay Taias.

Humanda talaga si Yelo sa'kin kapag nakalapit ako sa bwisit na iyon.

"This is your fault. Paano tayo ngayon?" inis kong turan.

"Oh 'di tayo pa rin,"

Napahinto ako at biglang napabaling sa kanyang direksyon. Hindi ko man gusto ay iba na naman ang naging epekto noon sa'king puso.

"Stop it,"

"Bakit? Tayo naman 'di ba? Hindi tayo nagbreak so technically speaking, we're still together,"

"That's five years ago, noong mahal mo pa 'ko. How can we stay together when you don't even feel the same way now? Ano Milan, naaawa ka ba sakin kaya ka ganyan? Pwede ba!"

Mas lalong nabuo ang inis sa aking dibdib at parang gusto na lamang siyang kalmutin.

"Sino ba ang nagsabi na naaawa ako sa'yo? Narinig mo ba mula sa'kin? Kailan iyan dahil hindi ko maalala?"

Nakapamaywang na siya at tila hinahamon ako.

Naisuklay ko ang aking kamay sa'king buhok.

"Huwag mo akong pilosopuhin. We both know what I was talking about,"

"I never said those words Dakota. Ni hindi ko sinabi na hindi kita mahal. I may have said a few words but I never said that I don't love you,"

Nanggigil na ako sa mga katagang kanyang tinuran.

"Kaya ba ganoon, I'm almost a sister to you sabi mo. And that you'll introduce your future someone to me. Gago ka ba?" asik ko sa kanya. Nakakagago, sobra.

"I did say that. Ano ba ang gusto mong sabihin ko noong mga panahon na iyon? Dakota ang huling alaalang meron ako, best friend pa lang ang turing ko sa'yo. Do you expect me to say something different? Eh kung sapakin mo 'ko bigla kapag may sinabi akong iba?"

Napaawang ang aking nga labi sa kanyang tinuran. Bumukas sara ang aking bibig at hindi agad alam ang ibabato sa kanya.

Para kasing may point pero hindi ko matangap. Kasi paano ba? Hindi naman kasi ganoong kadaling tanggapin ang lahat. Ang dami ko ng sakit, durog na durog na 'ko. Tapos bigla niya ako babanatan ng mga ganyang salita ngayon?

Nakakagago lang talaga.

"Hindi naman ganoon kadali para sakin na pangalanan kung ano ang nararamdaman ko sayo. I was sticking to the memories that I remember. Bakit hindi mo sinabi agad sakin?" may hinanakit niyang turan.

MILAN (P.S#4)Where stories live. Discover now