34

1.1K 49 16
                                    

Bumalik...

"Hindi ko an alam kung ano ba ang dapat kong gawin dyan kay Yelo," narinig ko ang naging pagbuntong hininga ni Aedree habang nasa loob kami ng silid ni Milan. I was just here, checking on him kike usual. Wala ang iba, nasa labas, baka may binibili.

Hindi ako agad nakakibo.

Yelo went away. Nilayasan niya ang pamilya niya at kahit ako ay talaga namang nag aalala para rito.

It must have taken a great toll in him para magawa niyang iwan ang kambal. Knowing Yelo, he's such a softie pagdating sa mga bunso nila.

Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko dahil sa naging huling pag uusap namin.

"Bakit ka ba pilit na naghahabol sa isang taong wala man lang pag aalinlangang saktan ka? Hindi ka ba napapagod?" turan ko sa kaniya.

He was crying in front of me. We were in the fire exit sa ospital at kahit paano, mas gusto ko na nandito kami at malayo sa lahat. Sobrang gulo na kasi ng lahat. We are all in pain. Bakit sobrang naging komplikado ng lahat?

Naiiyak na din ako but I need to be strong. Mahal ko din si Matilda at masakit din para sa'kin na malayo siya sa'min. Pero naiintindihan ko naman kung bakit nagkakaganito si Yelo. He loved her more than anything else. Katulad kung paanong mahal ko si Milan simula bata kami, Yelo loves Matilda the same way, ganoong katagal, ganoong kalalim.

And I can see him slowly losing himself. Ang hirap hirap. Kung ako rin ang nasa kalagayan niya ay mahihirapan ako. Yet all I can do is offer a piece of advise to him. Bawat patak ng kanyang luha ay katumbas rin ng sakit sa'king puso. I have a soft spot for Yelo dahil naging saksi ako sa lahat ng hirap at sakit na dinanas niya, all those pain just because he loves Mattee.

"Alam ko na ang hirap maglet go. Pero may choice ka ba? Kailangan mo siyang palayain para mapalaya mo din ang sarili mo... So you can free yourself from the pain, from the guilt... From everything both of you wants to forget. Tama na Yelo. Palayain mo na si Mattee..." nagsusumamo kong turan. Alam kong mahirap, alam kong hindi ganoong kadali. Pero ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya? All this time, palagi na lang siyang lumalaban, palagi niyang ipinipilit ang nararamdman niya kay Mattee. But Faye's arrival made Yelo stop and breathe.


Pinagmasdan ko siya habang nadudurog ang puso sa bawat luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata. I hate seeing Yelo cry. Kasi hindi niya madalas gawin iyon. Mas lalong mabigat dahil alam kong hindi niya na kinakaya ang sakit kaya siya umiiyak.

Sa pag ibig, walang matapang, walang hindi natatakot, walang mayaman o mahirap. Kapag nagmamahal ka, normal na tao ka lang. Kahit gaano ka katapang, iiyak ka kapag nasaktan ka ng sobra.

"Alam mo namang sinubukan ko na yan hindi ba? Alam mo ba kung gaano kahirap ang patuloy na tignan siya sa araw araw? Ang hirap e, iyong makita ang taong halos maging mundo ko na pero ako ay hinding hindi bubuo sa mundo niya? Iyong sobrang sakit na pero hindi ko pa din mapigilang titigan siya lalo na sa tuwing ngumingiti siya? Tangina Dakota! Kahit mahalin ko na lang siya malayo basta nakikita ko pa din siya at alam kong okay siya. Pero yung wala siya dito at wala man lang akong alam kung okay ba siya?"

Je was staring at me and every word he utter exudes so much pain. Parang hinihiwa ang puso ko sa sakit. "Hindi ko kaya..." dagdag niya.

Tangina. Bakit kasi ganito kahirap? Bakit nagkasabay sabay?

Ang bigat bigat kasing dalhin eh. Ano ba ang akala ng nasa itaas, bato kami? Power trip siya e. Ginagawa niya kaming laruan na akala mo ay walang pakiramdam. Ano ba kami?

Hindi ko na natiis at lumapit bago kinabig ng yakap ang aking kababata. I was shaking too. Masyado ng.mabigat sa oakiramdam ang mga nangyayari and I end up crying too. Hindi rin naman madali para sa'kin ang malayo si Matilda sa'min. Ang hirap ng wala kaming alam kung ano na ang nangyayari sa kanya.

"Kailangan mo muna siyang palayain dahil iyon ang hinihiling ng mga magulang niya. Maybe someday, magigising na lang si Mattee at marerealize niya na kayo pala sa huli. She'll come back for you. Kung kayo talaga, babalik siya,"


Umiyak lamang siya ng umiyak sa harapan ko. Kahit sino ang makakita kay Yelo ay madudurog ang puso. Ang hinagpis na mayroon siya ay halos pumunit sa diwa ko. He was crying helplessly in front of me. Mahinang mahina siya pagdating kay Mattee. And as much as I hate to admit it, alam kong magiging ganito rin ako kung nabakigtad at si Milan ang nalayo sa'kin.

"Baka sa huli, kayo pa din. But for now, let her go..." bulong ko.

Alam kong hindi magiging madali para sa kanya. But I knew he was patient pagdatibg kay Mattee. Ang tagal na ng naging paghihintay niya kay Matilda, ngayon pa ba siya susuko?

"Dakota..."

Napalingon akong muli ng marinig ang boses ni Aedree. Bakas ang pag aalala sa mukha nito at pinilit kong ngumiti.

"Trust your brother Aedree. Alam nating pareho na hindi ganoong kadali ang pinagdaraanan niya. Ikaw, kung si Xantha ang nawala sa'yo, hindi malayong ganyan din ang gawin mo," natahimik siya sa'kin tinuran.

Alam kong nag aalala lamang siya kay Alexander but there's a part in me that thinks na baka sakaling makatulong sa kanya ang naging paglayo. If that's his way to cope witht he pain, kung yan ang paraan niya ng paghihintay sa pagbabalik ng aming kababata, sino ako para humadlang?

Yelo loves Mattee like how I love Milan. Alam ko ang pakiramdam ni Yelo at umaasa akong pagdating ng panahon ay maging masaya din siya.

Napatitig akong muli sa gawi ni Milan.

Kahit ako, maghihintay ako sa muling pagbabalik mo Milan. Kahit matagal, maghihintay ako. Hindi ako bibitiw, at mas lalo kong ipaparamdam kung gaano kita kamahal.

Kaya gumising ka na please. Bumalik ka na sa'kin, Milan...

MILAN (P.S#4)Where stories live. Discover now