20

1.3K 61 15
                                    

Tanga...

"Shit..."

Patingkayad akong naglakad patungo sa banyo bitbit ang aking mga damit na pinaghirapan kong pulutin kanina sa sahig.

Nang makaramdam ng kaunting kirot at ngalay sa mga hita, pinigilan kong mapaungol nang mas malakas at pinili na ibalanse ang sarili sa paglalakad habang dahan dahang isinasara ang pintuan.


Ibinaba ako ang aking mga damit sa malapad na counter at nanghihinang napatitig sa aking sarili sa harapan ng malaking salamin ng banyo sa loob ng kwarto ni Milan. Napahigpit ang hawak ko sa kumot na pilit kong hinatak kanina para maitakip sa aking sarili.

And I looked at my reflection...

."Ano'ng ginawa mo?" nanghihina kong turan.

I can clearly see the marks on my neck, ny collarbone, maging ang parte bago makarating sa aking dibdib. There were so many lovebites.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maramdaman. Halo halo na ang emosyong bumabalot sa 'king puso at hindi ko na napigilan ang mapaatras at mapasandal sa dingding bago dahan dahang napadausdos paupo sa sahig.

Ia soft whimper escaped my lips. Hinatak ko palapit ang aking mga binti at niyakap iyon tsaka itinago ang aking mga mukha sa aking tihod. It didn't matter that it was cold.

Ang iniisip ko lamang ay ang lahat ng nangyari. Parang pinipiga ang aking puso sa kung ano ba ang dapat isipin. May parte sa 'kin na gustong maging masaya habang ang kalahati ay napupuno ng takot. Kasi ang lahat ng ito, wala namangnibig sabihin.


We just had sex.

Milan and I just had sex na umabot sa ganoon dala marahil ng sobrang emosyon. Tears started streaming down my face when images of what happened last night came into view.


"Tigilan na natin ang mga laro mo. Napapagod na din ako e. Please... Spare me Milan. Spare my heart. Hindi 'to kasing tibay ng inaakala mo. For the past few years, gamit na gamit na to sa sakit, kaya naman anumang araw, anumang oras, alam kong bibigay ako...kaya please..." turan ko bago nagsimulang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Kahit nanlalabo ang tingin, I saw how his eyes widened, tila gulat na gulat sa aking tinuran. Kasi bakit nga ba? It feels like I just indirectly informed him of my feelings. Kung hindi niya naintindihan, bahala na siya.


Bakit kasi may mga taong sobrang dense? Harap-harapan mo na ngang ipinaparamdam na mahal mo sila pero napakamanhid talaga, bulag! Ang sarap pitikin sa noo.

My heart feels so heavy. Ang bigat ng aking pakiramdam na akala mo ay nakadagan sa dibdib ko ang problema ng buong mundo. Ang hirap hirap huminga.

So when he lifted my chin with his free hand at makita ko ang pag aalala rito, hindi ko na din agad alam kung ano ba ang dapat na maintindihan.

Mahal kita Milan. Mahal na mahal kaya napakahirap sa 'kin na araw araw kitang nakikita pero alam ko sa sarili ko na hindi ka magiging sa 'kin. Gusto kong isigaw sa kanya. Gusto kong ipamukha sa kanya ang katotohanan na sa bilyones na tao sa mundo, siya ang nagbibigay nang pinakamabigat na sakit sakin. But the funniest thing about that is, siya rin ang kaisa isang tao nakapagpapasaya sa 'kin ng sobra. Parehong siya, siya lang. He's both my strength and weakness.


"Then stop thinking about getting hurt and be happy with me," bigla niyang bulong bago dahan dahang bumaba ang kanyang mukha at sinalubong na ang nakaawang kong mga labi.

My heart went crazy. Hindi ko na sigurado kung bumilis ba ang tibok niyon o huminto. My body stopped functioning. Nawala na ako sa huwisyo at nalunod na kanyang halik.

MILAN (P.S#4)Where stories live. Discover now