Sipag ko kay Milan pero tamad kayo magcomment haha pero nakikita ko naman tumatalon reads. Leche, talunan ko din to at dun ako sa English tatambay ahha
--------
Sorry...
"Ikaw na ang sumilip at baka masapok ko lang 'yon. Sabi ni Aling Stella, halos hindi na raw makatayo ng kama,"
"Kaya siguro absent sa klase kahapon 'yang gago na yan,"
Napakunot-noo ako sa salitang binitiwan ni Yelo. Nasa kusina sila nila Aedree at Milan. Kadarating ko lang at sabi ni Manang ay namamapak ng meryenda ang tatlo sa kusina. May niluluto yata si Yelo at doon na naisipan ng tatlong magsikain.
Kay Ulap ako sumabay dahil wala namang klase ngayon si Milan. Si Gold ay gumala na naman yata. Malakas ang topak ng bata na 'yon ngayon pero hindi ko din alam kung bakit. Grey on the otherhand is not here. Baka nasa kanyang silid at natutulog. Napapansin ko na madalas na namang nawawala ang isang iyon. Si Chase, hindi na ako nag abalang hanapin dahil sigurado naman akong kasama lang iyon ng aking kapatid. Para nang tuko ang dalawa at hindi na talaga mapaghiwalay.
"Ano'ng meron?" bungad ko ng makapasok sa kusina. Umalis din Ulap pagahatid sa'kin, hindi ko alam ung saan dumiretso.
Pagkakita pa lamang sa'kin ni Milan ay mabilis na itong lumapit sa'king direksyon at ipinulupot ang isang braso sa aking baywang. Mabilis niyang isunubo sa'kin ang finger food na hawak.
Itinuro ko ng aking daliri sa'king labi para magtanong kung ano ang kanyang isinubo ngunit mabilis ko din naman iyong nalasahan.
"Bacon cream cheese bites," anito na ikinatango ko din naman. It tastes so fucking good. Kaya si Aedree ay adik na adik sa mga pinaglululuto minsan ni Yelo. Madalas lang wala sa mood ang isang ito but he can't really resist his kuya at ang mga nakababatang kapatid nito.
"Yelo pengi pa," nadinig ko si Aedree na kinukulit ang kapatid. Aedree himself cooks so well but naging lambing na siguro nilang magkaptid ang ganyan.
"What are you talking about earlier?" tanong ko nang malunok ang kinakain. Umupo ako sa bakanteng silya habang si Milan ay nakatayo lamang sa gilid ko, on his hand was a plate. Mukhang gumawa din si Yelo ng Chicken salad pinwheels, Siguradong magtatampo ang kambal kapag hindi nakakain.
Luminongon si Aedree na nakaupo na kitchen counter habang si Yelo ay may ginagawa na namang muli.
"Si Julio..." anito. Tumigil pa sa pagsasalita dahil may nginunguya. Imunuwestra nito kay Milan na ituloy dahil sumubo na namang muli ito ng pagkain, akala mo talaga mauubusan.
Nilingon ko si Milan, " Napapadalas daw ang inom sabi ni Aling Stella. Mukhang hindi nakapasok kanina," anito. Si Aling Stella ang bantay nila Julio sa Rkive kapag may lakad ito. Matagal na ito sa pamilya nila kaya naman ito na ang nagsisilbing mata ng ina ni Julio rito.
"Bakit pala sa Rkive yata madalas na natutulog ang isang 'yon lately? Hindi ko na maalala kung kailan ko huling nakita ang isang 'yon na lumabas sa kwarto niya ah,"
Nilingon kong muli si Aedree. Umiinom na ito ng juice.
"Baka nilalabanan si Juliene sa pagiging pasaway. Siya nga naman daw asi ang kuya," walang gatol na turan ni Yelo.
I bit my lower lip as I listen to them. Sa sobrang focus ko sa relasyon namin ni Milan, hindi ko na maalala ung kailan ko huling nakausap ng matino si Julio. Or was it that time na hinatid niya ako pauwi?
Parang hinahalukay bigla ang aking tiyan at kung ano ano na ang pumapasok sa isipan. Binabagag ang aking kalooban at parang may kung anong dumadagan sa'king dibdib.
YOU ARE READING
MILAN (P.S#4)
Romance"Alam mo kung ano ang pinakamahirap? Knowing that you could love someone unconditionally if they'd just let you..."