21

1.2K 59 9
                                    

Iwas...

"Lexo, bilisan mong maglakad, gutom na 'ko!"

"Wala akong dalang wallet, kuya. Libre mo 'ko ha?"

"Hala, wala rin akong dalang wallet! Ay alam ko na, hanapin na lang natin si kuya Julio. Madaming laman wallet niya palagi,"

"Ang gwapo talaga ng magpinsan!"

Napailing ako nang marinig ang dalawnag babaeng nagkukwentuhan mula sa 'king likuran.

Kakatapos lamang ng aking klase and coincidentally, these two were walking right in front of me. Hindi na ako nagtataka na hindi nila ako napapansin dahil madalas namang walang kamuwang muwang sa paligid ang dalawa na 'to.

"Kay Dee na lang tayo palibre. Hindi malapit dito klase niya?"

"Paano kapag binatukan tayo noon?"

"Eh hindi batukan din nat-"

Hindi ko na hinayaang matapos ni Ulap ang sasabihin niya dahil nahataw ko na agad siya mula sa likuran.

"Aray! punye- ang ganda ng damit mo ngayon Dee!" kambyo nito ng magtama ang aming paningin. Si Gold ay sapu-sapo ang dibdib na akala mo talaga ay gulat na gulat. Ang sarap pingutin ng dalawang 'to.

"Ano'ng maganda sa suot ko Ulap?" asik ko sa kanya. Umayos na ito ng tayo na hinihimas pa ang kanyang batok. Hinila siya ni Gold palayo sa 'kin. Takot na naman to.

Wala namang espesyal sa suot ko. I was wearing a loose cotton pants at nakasuot ng cream turtleneck fitted long sleeves. I still have visible marks at napaka-hassle kung itatago ko pa iyon gamit ang makeup.

"Dee alam mo, ang bigat bigat ng kamay mo. Dati ka bang maton?"

"Hindi kuya, dati yang lalaki,"

Sinamaan ko silang dalawa ng tingin.

"Sumbong kita kay kuya Ulan. Mapanakit ka masyado," nakangusong turan nito, nagpaawa ang mukha na akala mo talaga ay tatalab sa 'kin.

"Tss," ingos ko. "Tara, kung sino may dalang kotse, ilibre ko," turan ko. Agad namang nagliwanag ang mukha ng dalawa.

"Yes, kuya maiwan ka. Wala kang kotse," binelatan ni Gold si Ulap na agad namang sumimangot. Naibangga kasi ni Lantis ang kotse ni Ulap noong nakaraan.

Tumawa na lamang ako bago ikinawit ang magkabila kong kamay sa kanilang braso at nagsimula ng maglakad.

"Dalawin natin si Matilda," Namimiss ko na ang babaeng iyon.

Sakay ng kotse ni Gold, dumiretso kami sa cafe ng mama ni Andrea at doon na lamang hinintay ng aming kababata. Bati na si Andrea and Chase habang ako ay panay naman angniwas kay Milan. It's been what, three days?

Panay ang tawag niya sa 'kin at sinusubukan akong sunduin pero nauuna akong makaalis bago niya pa ako maabutan. Lahat ng dahilan ay nagagawa ko para hindi kami magkausap.

Kahit miss na miss ko na ang lalaking iyon, ayoko siyang makita. Well, gusto pala pero hindi ko pa kaya.

Ano na lang ang mangyayari kapag nagkita kami? Magkakailangan kami tapos sasabihin niya na wala lang ang nangyari? No way.

Ugatin na lang kaming dalawa na hindi kami magkita kaysa hayaan ang sarili kong madurog ng ganoon sa harap niya.

"Kuya Dennis ako gagawa ng drinks ko!"

Narinig ko pang sigaw ni Lexo na diretsong oumasok sa loob ng kusina. Kasunod nito si Ulap. Siraulo din talaga ang dalawang ito e. Akala mo sila ang may ari ng cafe.

MILAN (P.S#4)Where stories live. Discover now