Ipagdamot...
"Hindi ka na kumibo dyan..."
Kagat-kagat ang aking labi ay iniiwas ko ang tingin kay Milan. Sa totoo lamang, I'm still palpitating. Kulang na lamang ay matumba ako kanina mula sa pagkakatayo kaya naman kumapit talaga ako sa mga braso niya. Hiyang hiya ako sa aking inasal dahil talaga namang nakakapit lamang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa sasakyan!
Nakakapanghina... .
Susme Dakota. Masyado kang halata!
Napatingin ako sa labas ng sasakyan at pilit na ibinabaling ang atensyon doon.
Oh, God! Paano ba? Hindi ko kasi alam kung paano siya ngayon kakausapin. Like, how do I confront him about it? Paano ba ako dapat umasta pagkatapos ng nangyari?
What he did made me happy ngunit hindi ko maitatangi na natatakot akong masaktan. Natatakot ako sa kung ano'ng maaari niyang sabihin. At natatakot akong malaman kung ano ba ang ibig sabihin ng halik na iyon.
Why did he kissed me?
Napalingon ako ng marinig ko siyang tumawa. Nakasandal ang kaliwa niyang kamay sa maba ng pintuan ng sasakyan while his palm was covering his lips. His other hand was on the wheel.
Ang unfair talaga ni God. Kahit kase side profile lamang ang nakikita ko ay kulang na lamang ay lundagin ko siya sa sobrang lakas ng hatak ng kanyang appeal. Why does he have to look so effortlessly perfect?
Sobrang unfair!
Naningkit ang aking mga mata ng mapansin ang kanyang ngisi. Umalon ang kung ano sa akin tiyan at ams lalong kinabahan.
"Ano'ng itinatawa-tawa mo dyan?" kunwari ay naiinis pa ako sa kanyan kahit pa nga alam ko naman na pulang pula na ang magkabila kong pisngi.
"Nothing," kinagat niya ang pang ibaba niyang labi kaya naman mas lalo yatang nagwala ang kung ano sa loob ko.
"Tss," I snickered. Sinikap kong magmukhang okay kahit pa nga sa totoo lamang ay kabadong kabado ako.
"You look so adorable with your cheeks flushed red like that,"
Nanlaki ang aking mga mata, "Mainit lang kaya namumula ang pisngi ko no!"
"Talaga? Hindi dahil sa kanina?"
"You!" pinigilan ko ang aking sarili na magalit at singhalan siya. He was smiling so cheekily at kinakabahan ako na sa isang maling salita ko ay masabi ko sa kanya bigla ang aking nararamdaman. That would be so weird amd awkward at the same time!
"Diretso na ba tayo sa bahay niyo? Ayaw mo munang magdate tayo?"
Kulang na lamang ay mapatid ang aking hininga sa kanyang tinuran. Ang puso kong kanina pa naghuhuramentado sa loob ko ay handa na yatang sumabog. Walanghiya talaga 'tong lalaki na to. Is he planning to kill me?
"S-stop teasing me. Iuwi mo na ko sa bahay dahil inaantok ako. Napuyat ako kagabi dahil nanuod ako ng series,"
"Ah, akala ko kinilig ka. Sayang, para kaseng mas enjoy kung uulitin natin,"
"Hoy!!!" hindi ko na napigilan ang aking sarili at nahampas niya na ikinahalakhak niya na ng tuluyan. By this time, hindi na lamang ang pisngi ko ang namumula kung hindi pati ang tengga ko. O buong katawan ko na yata!
Parang sasabog ang aking ulo at nag iinit na talaga ang aking katawan.
"Bwisit ka Milan! Iuwi mo na nga ako! Ayaw kitang kasama, nakakairita ka ngayon!"
YOU ARE READING
MILAN (P.S#4)
Romance"Alam mo kung ano ang pinakamahirap? Knowing that you could love someone unconditionally if they'd just let you..."