Please...
"Hindi ba sabi ko sa 'yo bawal ka muna sa kwarto ko? Bakit nandito ka na naman?" nakasimangot kong turan. Naglakad ako papasok habang siya naman ay isinara ang pintuan bago sumunod sa 'kin. It's almost nine at may kung ano na naman yata ang pumasok sa isip niya at pumunta na naman dito.
"Pinapasok kaya ako ng Papa mo,"
Napalingon ako sa kanya bago ito sinamaan ng tingin.
Sa totoo lamang ay hindi ko pa rin siya gaanong kinakausap. Paano ko siya kakausapin e kung ano ano na lang ang sinasabi niya!
At iyong lalaki noong nakaraan, sabi sakin ni Lexo kahapon na pumunta ito at ang tatay nito sa bahay nila kahapon at paulit ulit na humihingi ng pasensya. Pinatigil pala ni Milan ang kontrata ng pamilya nito at ipinatitibag daw ang mga properties doon. Commercial building kasi ang mga nakatayo roon at ang buong lupain ay pag aari nila Milan. Kaya'ng kayang bayaran nila Milan ang expenses ng mga pinatayong imprastraktura doon at mas malaki ang mawawala sa mga Montreal kung nagkataon.
I didn't know about the whole details ngunit kay Yelo daw dumaan ang pag uusap dahil ayaw itong harapin ni Milan. And knowing Yelo, isa din iyong strikto sa mga ganoong bagay. Kung nagsumbong sila Lexo at Ulap dito, siguradong hindi rin iyon basta basta babawiin ni Yelo.
Pagdating kasi sa mga usapang negosyo at mga ari-arian ay may mga karapatan ng magdesisyon ang mga ito, something that thei abuela allowed them to do.
Ang tanging lifeline na mayroon ngayon ang mga Montreal ay kung maaawa si Aedree at siya ang kakausap kila Yelo.
"Bakit mo ba kasi ako sinusungitan? Hindi ko babawiin 'yong sinabi ko noong isang araw," aniya bago umupo sa couch sa gilid ng aking silid. Ako naman ay nagtungo sa gilid ng aking kama at dinampot na ang notebook at ballpen na gamit ko kanina bago ito dumating. Itinago ko ang mga iyon sa drawer ng aking bedside table.
Napahawak muna ako sa aking dibdib bago nagpakawala ng buntong hininga. Ayan na naman siya sa mga lintanya niya. Noong isang araw pa siya ganyan at ayaw tumigil. He's making my heart race at hindi na iyon nakakatuwa.
Noong sinabi ko na susubukang kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya, totoo iyon. But him trying to seduce me, oo, seduce me, like this isn't helping. Panay ang sabi niya na kami na daw at girlfriend niya na ako.
I think nakokonsensya langnsiya dahil may nangyari samin and I don't like that. Hindi ko siya oobligahin sa isang bagay na pareho naming sinuong. Wala naman siyang kasalanan doon. Ako itong marupok na mabilis nagpatangay sa kapusukan.
"Tigilan mo ako Milan. Umuwi ka na. May pasok pa tayo bukas,"
I saw him pouting.
"Ayoko, dito ako matutulog," aniya na tila pa nagmamaktol.
Huminga ako ng malalim. Noong isang araw pa siya nagbabatabataan. Hindi kp na din maintindihan kung ano ba ang iniisip niya.
I am trying to move on pero ito naman siya, panay pa rin ang landi.
"Milan..." saway ko sa kanya. Umupo na ako sa aking kama dahil gusto ko na din namang matulog.
"Hindi nga ako uuwi hangga't hindi ka pumapayag maging girlfriend ko,"
"Sinabi ko na hindi ba? Ayoko ng makipaglandian sa 'yo. Maghanap ka ng ibang lalandiin,"
Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano ko nagagawang bitawan ang mga salitang iyon but I know I have to.
I need to save myself. Hindi ko hahayaang malunod ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Dapat noon pa lang ay sinubukan ko ng gawin iyon, sinubukan ko na dapat na kalimutan kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Ayoko ng iba, gusto ko ikaw lang. Ano ba ang mahirap intindihin doon, Dakota? Hindi pa kita pinapatawad sa pag iwan mo sa 'kin sa kwarto ko noong nakaraan baka akala mo,"
Agad na namula ang aking mga pisngi ng maalala ang kanyang tinutukoy. It was that night something happened between us.
Bakit ba ganyan siya?
"Nakakatakot yang sinasabi mo. Baka nakainom ka lang. Kalimutan mo na yan,"
Narinig ko pa ang marahas niyang pagbuntong hininga. "I told you to be happy with me. Bakit ayaw mo? Mali ba ako ng intindi Dakota? Hindi mo ba 'ko mahal?" mahina niyang bulong ngunit dinig na dinig ko iyon at para bang sumasabog sa 'king tengga ang bawat katagang kanyang tinuran.
So he knows that I love him.
Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit o hindi. Ano ba ang dapat kong maramdaman?
Dahan dahan siyang tumayo at naglakad patungo sa akin. Nag iinit na ang aking tengga at kahit pigilan ko man ay nagsimula na namang magwala ang akong puso.
This is Milan's effect on me. Kaya sa totoo lang hindi ko rin sigurado kung paano ko ba gagawin iyong pinipilit kong gawin na kakalimutan siya.
"Ayaw mo bang maging masaya kasama ako?" bulong niya ng huminto ito sa aking harapan.
Sa aking gulat ay bigla na lamang siyang lumuhod sa harapan ko ay hinawakan ang magkabila kong kamay.
"I know I have probably hurt you so many times but I want to ask for another chance. This time, hayaan mo akong pasayahin ka, hayaan mo akong ibigay sa 'yo ang kasiyahang dapat matagal mo ng nakuha. Please accept me Dakota, take me. Kasi hindi rin ako titigil hangga't hindi mo ako pinapayagang pumasok sa buhay mo,"
Napatitig ako sa kanya. I knew Milan since we were kida at alam ko kung kailan siya nagsasabi ng totoo at kung kailan hindi. Pero bakit kahit nakikita ko na totoo ang sinasabi niya ay hindi ko pa rin magawang lubusang maniwala?
Natatakot ako. Natatakot ako na baka kapag naniwala ako ay magising ako sa isang magandang panagip at matauhan ako na masyado na akong nangangarap.
"Please let me love you..." bulong niya bago niya inilapit sa kanyang labi ang aking mga kamay tsaka ito hinalikan. "Please let me love you, hayaan mo akong iparamdam sa 'yo kung gaano kita kamahal ng higit pa sa pagmamahal mo sa 'kin,"
Umawang ang aking labi sa kanyang tinuran.
Ano daw? Mahal niya daw ako?
YOU ARE READING
MILAN (P.S#4)
Romance"Alam mo kung ano ang pinakamahirap? Knowing that you could love someone unconditionally if they'd just let you..."