28

1.2K 57 16
                                    

Basta gusto mo...

"Parang hindi ko na kayo nakikitang nag aaway ni Ulan ah. Bumigay na ba sa'yo?"

Muntik na kong masamid ng marinig ang boses ni Yelo mula sa'king likuran. Ni hindi ko sinubukang lumingon. Nginitian ko lang si Grey na nakaupo sa carpeted floor na mabilis napaangat ang tingin sa'kin dahil sa narinig. She was reading something, a novel written by someone named Synn or something. Hindi ko na nabasa ng maayos dahil mukhang engrossed si Grey masyado sa pagbabasa na sa sahig na siya inabot.

Yelo took the seat opposite. Nasa kwarto niya si Milan at naliligo kaya naman minabuti kong maghintay na lamang dito sa sala. Baka ano pa ang magawa ko sa lalaking iyon kapag nanatili pa ako sa kanyang silid.

"You two are together, ate?" nakangangang turan ni Grey na naibaba pa ang hawak na libro kaya naman sinamaan ko naman agad ng tingin si Yelo na malawak na ang ngisi. Itinaas pa pa nito ang kanyang paa sa maliit na lamesa sa harapan.

Nginitian kong muli si Grey na umangat lalo ang kilay but decided not to ask any more. She even smiled back, such a sweet lady. Muli ay ibinaling nito ang atensyon sa binabasa kaya naman hinarap ko agad ang kuya nito.

"Ang daldal mo na talaga, Alexander. Bakit hindi 'yong babae mo ang puntahan mo at hindi tumatambay ka dito? Hindi ka na naman pinansin no?" pang aasar ko sa kanya. Sa aking tinuran ay agad na nag iba ang timpla nito at tila dinaanan na ng masamang bagyo ang pagmumukha. The aura surrounding him immediately changed and for some reason, I got a little scared. Bigla ay parang nagsisi ako sa tinuran at gusto na lang bawiin iyon.

"Sorry..." bulong ko bago nag iwas ng tingin. Hindi na siya nagsalita at humiga na lamang sa sofa.

Nang ibaling ko ang aking tingin ay napansin ko pa si Grey na nakatingin sa kanyang kuya. Nag iba na din ang timpla nito at hindi umabot ng ilang segundo ay ibinaba na ang libro.

Shit.

"You really have a foul mouth sometimes," Halos tumayo ang balahibo ko sa batok ng marinig ang malamig niyang tinig. And just like a switch, Grey had turned into Lantis.

She turned around and looked at me coldly. Nagtama ang aming paningin at napayuko na lamang. She didn't even smile like she used to.

"Hindi ko sinasadya,"

"Insensitive bi-,"

"Lantis, umakyat ka na. Gisingin mo si Gold. May promise 'yon kay Grey,"

Ibinaling kong muli ang atensyon kay Yelo ngunit itinakip na niya ang kanyang braso sa kanyang mga mata.

"Puyat siya diba? He went out with that Antonia again. Why does he even do that?"

"Sumunod ka na lang dahil mag aaway na naman sila,"

Lantis scoffed but followed nonetheless. Padabog na naglakad ito paakyat ng hagdan at ni hindi dinala ang librong binabasa kanina ni Grey. Mas lalo lamang tuloy akong naguilty.

We were left alone after. Kahit kailan ay hindi ako nailang kay Yelo. But whenever I say something na alam kong makapagpapalungkot sa kanya ay naapektuhan ako. Yelo holds a special place in my heart. Siguro ay dahil sa tingin ko ay pareho kami noon ng pinagdaraanan. Ang kaibahan lang, ipinaparamdam ni Yelo ngnharapan kay Mattee ang nararamdaman niya habang ako ay naging duwag, kaya naman mas masakit ang balik ng kanya sa tuwing hindi maibalik ni Matilda ang pagmamahal na ipinararamdam ni Yelo sa kanya.

"I didn't mean what I said..."

"Totoo lang naman ang sinabi mo. She's probabaly out on a date right now,"

MILAN (P.S#4)Where stories live. Discover now