Sister...
For the past few months, dalawang bagay lang ang aking napatunayan - una, malandi talaga si Milan...pangalawa, marupok din ako sa kanlandian niya.
Am I complaining? No. In fact, I am enjoying it, a lot. Thank God though that he chooses not to be that showy kapag marami kami because I honestly don't really know how I should act 'pag nagkataon.
Do we cuddle? Yes, every single chance that we got. He goes to our house. Patago siyang nagpupunta sa kwarto ko lalo pa nga kapag naroroon din si Keso.
Do we kiss? No.
Nakasanayan na niya ang halikan ako sa aking noo, at the top of my head, on my cheeks, on my neck, on my hands, pati ang daliri ko ay hinahalikan niya minsan, but never on the lips. Which is fine, because I don't really know how I'd live after that.
"Bakit hindi mo pinansin si Andeng?" nadinig kong tanong ni Milan. Hindi ako kumibo at nagpatuloy lamang sa pagbabasa. We were now sitting on our usual spot. Kaming dalawa lang dahil may klase ang iba.
I tilted my head a little and saw a pair of shoes na nakalawit sa kabilang bench. Hindi pala kaming dalawa lang. I guess Ice was sleeping there. Siya lang naman ang walang pakialam na natutulog na lang basta rito. Wala ba siyang balak na sunduin si Matilda?
"Huy, Dakota, nagtatanong ako,"
Nag angat ako ng tingin, " Do I have to?"
Kumunot ang kanyang noo, "Ah, yes? She's your sister. Hindi mo nga yata pinapansin dito "yon kapag kayo lang,"
"Again, do I have to? Wala naman kaming dapat pag usapan dito sa school. Kahit sa bahay ay hindi rin kami madalas mag usap,"
Sa totoo lang ay hindi naman talaga ako palaimik na tao. Nagkataon lang na napalibutan ako ng makukulit na nilalang na katulad nila Ulap but even Mama and Papa are not that talkative. Maging si Andrea ay hindi palakibo sa bahay.
Isa pa, madalas ay naiilang pa rin akong pakitunguhan siya. Hindi naman ganoon kadaling sanayin ang sarili sa mga pagbabagong bumulaga sa 'kin ngayong taon.
Milan lean forward and rested his chin on the table, "Nabubully yata siya dito at kanina, ni hindi mo pinansin"
Kumunot naman agad ang aking noo at naalala ang nangyari kanina. I saw a few people messing with her pero hindi ako nangialam. "Malaki na siya. She can handle her own fights," Kung hindi niya kaya, maybe that's when I take over. But now, I want her to stand her own ground.
"Kahit na, ate ka niya. You should do everything para hindi napapahamak ang kapatid mo,"
"She'll tell me if she needs help,"
"Paano niya sasabihin kung hindi mo nga kinakausap,"
"Bakit ko kailangang kausapin kung wala naman akong sasabihin?"
"See?" sinimangutan niya ko. "Paano magsasabi sa 'yo iyon kung ganyan ka mag isip? Malamang she wants to be closer to you. Paano niya gagawin, paano niya susubukan kung hindi mo siya binibigyan ng pagkakataon?"
Parang nanikip ang aking dibdib sa kanyang tinuran. How can he say those things to me so easily? Hindi niya alam kung ano ang pinagdaanan ko, kung gaano kahirap sa 'kin na basta na lang tanggapin ang lahat because I love my family. I'd rather accept everything just like that kaysa piliin masira ang pamilya ko.
I had to throw my inhibitions, ang karapatan kong malungkot o masaktan dahil sa nangyari, just so ko I can keep my family together.
Pinigilan ko ang maiyak sa sobang galit. My throat is starting to hurt.
"Ano bang alam mo? I'm not giving her a chance because she doesn't need it!"
"What the --" tila hindi makapaniwala niyang turan bago umayos ng upo. "Dee, that's not a very nice thing to say,"
Nakagat ko ang pang ibaba kong labi. What chance does she need kung noong una pa lang ay tanggap ko naman na kapatid ko siya? Kahit naiilang ako, hindi masama sa loob ko na naging kapatid ko siya. Totoo sa puso ko na tanggap ko siyang maging bahagi ng buhay ko, but please give me time to adjust.
Oras lang naman ang hinihingi ko, mahirap ba iyon?
Hindi na ako kumibo para ipagtangol ang aking sarili. This is between me and Andrea. Pero itong si Milan, wala yatang planong tumigil.
"Is this because of my brother? Do you still have feelings for him?"
Kumunot ang aking noo sa kanyang tinuran. And what, "still"? Akala ba niya ay may nararamdaman ako kay Chase?
Naiinis ko siyang hinarap.
"What stupid nonesense! Pwede ba, tigilan na natin tong pag uusapa na to, Milan. I'm studying, ginugulo mo lang ako,"
Tumawa siya ng mapakla. "Hindi mo masagot? He's with your sister now,"
Naiikot ko ang mga mata."So does that disappoint you? Masyado ka yatang concern sa kapatid ko,"
"Of course, she's your sister!" he said incredulously. Para bang ang simple simple ng aming pinaguusapan pero sa totoo lamang ay mas lalo lamang akong naiirita.
"Then go look for her! Bakit ka ngayon nandito sa 'kin? Hanapin mo at siya ang samahana mo! Tutal sobrang concern ka!"
"Really? Tapos ano, magpapasama ka sa kapatid ko? Sorry to say this Dakota, you're stuck with me. Ako lang dapat ang kasama mo, sa 'kin ka lang pwedeng sumama!" bakas na bakas na ang inis sa kanyang mukha na maging ako ay bahagya pang kinabahan.
"So what kung magpasama ako kay Chase? Ano ngayon sa 'yon? Sino ka ba para pigilan ako sa mga gusto kong gawin ha?" hamon ko sa kanya. Naiiyak na ako sa sobrang frustration.
Oo nga, sino ba kase siya? Ano ba kaming dalawa?
May bahid na galit sa kanyang mukha dahil sa aking tinuran at hindi ako sanay doon. But I don't wanna back down. Ayoko ng pinipilit ako sa mga bagay na hindi pa ako handang gawin. Kung masyado siyang nag aalala sa kapatid ko, doon siya, hanapin niya si Andream. Tutal ay mukhang matagal na siyang may gusto sa kapatid ko.
"Putangina naman,"
Sabay kaming napalingon sa gawing kanan ng may marinig na malutong na nagmura. Si Yelo, nakaupo na siya at nakabusangot ang mukha. Halatang napakainit ng ulo, marahil ay dahil nagising siya sa lakas ng away namin ni Milan.
"Tangina talaga," ulit nito. Ginulo nito ang kanyang buhok at bahagya munang pumikit na tila nagpipigil ng galit. Sinamaan kami ng tingin at bahagya akong napayuko. Habol habol ko pa ang aking hininga sa sobrang hingal.
Bigla na lamang tumayo si Ice na may nakakalokong ngisi. Halatang masama ang gising nito.
"Mga siraulo," pailing iling pa ito habang naglalakad. "Why don't you two sort your issues alone? Pati 'yong dalawang walang kamalay malay dinadamay niyo sa katangahan niyong dalawa. Nakakasira kayo ng araw,"
Napanganga ako binitawan niyang salita. He didn't even filter his words at maging si Milan ay hindi nakakibo.
Walang pakialam na naglakad palayo si Yelo habang ako ay hindi na makapagsalita. Napayuko ako sa sinikap na kalmahin ang sarili. I can't believe I just lost my control dahil sa selos ko kay Andrea.
Ipinikit pikit ko ang aking mga mata para pigilan ang sariling maiyak. Sa tuwing sa kanya ako nagseselos ay sumasabog ako. And I don't like that. Ayaw ko na nasasali ang kapatid ko sa katangahang nararamdaman ko.
I'd rather lose him than taint the relationship that I have with my sister.
YOU ARE READING
MILAN (P.S#4)
Romance"Alam mo kung ano ang pinakamahirap? Knowing that you could love someone unconditionally if they'd just let you..."