Panagutan...
"Napapadalas yata lalo ang pagpasok ni Milan sa kwarto mo Elisse," bungad ni Papa habang kumakain kami ng hapunan. Chaese was not here dahil lumabas sila ni Keso. Ngayon na legal na legal na sila sa bahay ay malaki na ang tiwala ng aking ama na nobyo ng aking kapatid.
Napalunok muna ako bago nag angat ng tingin. That's when I realized that Mama was also looking at me. She has that calm expression on her face, na kahit na sa paraan nito ng pagkain ay napaka-elegante pa rin.
I reached for my glass of water and took a sip. Nang maibaba ko iyon ay nakatingin na rin si Papa sa'king direksyon at tila ba hinihintay ang aking sagot.
Marahan akong napabuntong hininga. "I didn't know you're still sneaking on me, Pa. Mino-monitor mo na naman ba ang tapes sa CCTV?" kalmado kong turan. I saw him smirk at napailing na lamang ako.
"Those brothers are funny. Ni hindi sila nagkakatagpo. Masyadong madudulas tapos ay darating dito at didiretso sa mga kwarto ninyo,"
"Are you and Milan finally dating?" wala ng pasakalye na tanong ng aking ina. Nakagat ko ang pangnibabang labi tsaka tuluyang tumango. I just can't hide anything to my parents.
"Pero hindi ko pa nasasabi kila Aedree," dagdag ko.
Mukhang nakuntento naman agad ang aking mga magulang at tumuloy na sa pagkain.
We were quiet for a moment. Sa ilang minutong lumipas, tanging ang mga kalansing ng mga kubyertos ang nagsisilbing tugtog sa hapag. Maging ang mga kasambahay na nakatayo sa gilid ay ni hindi gumagalaw.
"What if you two breakup?"
Agad na nanigas ang aking kamay sa naging tanong ng aking ama.
"Chris, I told you to let the kids handle their relationships,"
"What? Magkaiba ang kaso nilang magkapatid. Milan and Elisse are childhood friends. Paano kung maghiwalay sila? Hindi ba magiging problema 'yon?"
"Hindi kami magkakaproblema,"
Napaangat ang kilay ni Papa. "How sure are you about that?"
"I'm not. But Milan and I always discuss about even the tiniest detail about our relationship. Kung hindi talaga kami para sa isa't isa, I guess the both of us can be matured enough to end things on a positive note,"
Kahit na masakit sa'king kalooban ang bitiwan ang mga salitang iyon, para sa akin ay wala rin namang mali sa'king tinuran.
Kung hindi kami, tatangapin ko 'yon ng maluwag sa'king puso.
"Masyadong malaki ang tiwala mo sa relasyon niyo,"
"I am, Pa. Because it's Milan," sigurado 'kong sagot. Wala na sigurong mas nakakakilala kay Milan tulad ng pagkakakilala ko sa kanya.
Tumango naman si Papa habang si Mama naman ay nahuli kong napapangiti.
"Do you love him?" tanong muli nito. Tapos na itong kumain at tila hinihintay na lamang si Mama na matapos. That's how sweet my father is. Napaka-clingy nito sa aking ina.
"More than I love myself,"
"Isn't that too much?" singit ni mama.
Napangiti ako. "That's the only thing I can offer him. He's given me his all now. Shouldn't I do the same?"
Sa ilang buwan na pagiging magkasintahan namin, Milan did everything he can to make me feel special. Sabi niya ay gusto niyang makabawi sa lahat ng panahon na ako lang ang nagmamahal. Competetive ang malanding iyon at ayaw pumayag na mas lamang ang pagmamahal ko sa kanya.
So yeah, pagkatapos ng lahat, I no longer have doubts on what he feels for me. Ramdam ko ang kanyang sinseridad. Though may mga panahon pa rin talaga na may mga babaeng malakas ang loob at lumalapit pa rin sa kanya. Milan can politely say 'No' now though. Nilalabanan niya 'yong mga pambabasted ko daw sa mga lumalapit sa'kin.
"Hindi lang ako makapaniwala na magkapatid pa ang magkakainteres sa inyo," napapailing si Papa at maging ako ay natawa. Chase has Andrea, and I got Milan. Si Ulap ay mukhang nahuhumaling na din kay Barbara.
Nagulat ako ng biglang lumapit ang isang kasambahay kaya naman napatingin ako sa kanyang gawi. Namumula ang pisngi nito na tila ba kinikilig.
"Sir, nandito na po si Sir Milan," anito sa aking ama. "Sa sala na lang daw po siya maghihintay dahil nakapag dinner na daw po siya,"
Tumango lang ang aking ama bilang tugon.
Napalingon ako kay papa at may pagtataka na ang mukha. He just shrugged his shoulders bago ngumisi.
"Baka kasi hindi ka umamin kaya pinatawag ko siya para sigurado. Eh umamin ka naman agad,"
Napanungol ako. "When did I ever lie to you, Pa?"
"When you learn about your sister? You told us you were okay but I know you're not," naging seryoso ang mukha nito at hindi na ako nakasagot sa kanyang tinuran. I didn't know my father paid attention to that.
"I'm glad na nagsasabi ka na ulit sa'min. But I want you to know that I trust you. I will trust your decisions because you're my daughter. But if you need us, nandito lang kami ng Mama mo para inyo ng kapatid mo,"
Nakagat ko ang pang ibaba kong labi at nag iwas na ng tingin. My heart clenched at his words but I felt a little warm inside.
I know... Alam kong susuportahan nila ako sa mga desisyon ko. So I will never disappoint them.
"Hindi mo bagay magdrama, Pa. Tumatanda ka na talaga,"
Natawa lamang ito at nagsimula na rin kaming magsitayuan. Nauna pa ito sa sala na tinanguan lamang si Milan. Si Mama naman ay niyakap ito ngunit nagpaalam din naman na aakyat na.
Sinuri ko ang kanyang itsura at hindi maiwasang hindi matawa. He was wearing a white cotton shirt na nakatuck-in sa loob ng suot nitong pantalon. Ang gwapo nitong mukha ay mas lalong tumingkad dahil sa pagkakaparte ng kanyang buhok sa kaliwa. Mukhang prepared ito. Baka kinabahan dahil si Papa ang tumawag sa kanya.
"Ang pogi mo ngayon ah," puna ko sa kanya.
Pinagtaasan ako ng kilay ni Milan. "Ngayon lang?"
"Stop fishing for compliments. Alam mong patay na patay ako sa'yo kaya malamang ay gwapo ka palagi sa paningin ko,"
Mabilis na namula ang kanyang mukha sa aking tinuran. What I like about Milan is that he easily gets affected when I tease him. Hindi niya mapigilan ang kanyang kilig kaya naman kinikilig na rin ako lalo.
Umupo ako sa kanyang tabi at humilig na sa kanyang dibdid. I don't even care kung biglang dumating sila Andrea at Chase dito. Moment ko na 'to, bawal ang may mga humahadlang.
"Bakit pala ako pinatawag ng Papa mo? Nagulat ako ng makareceive ako ng text. Niloko pa ako ni Ulap na lagot daw ako, baka inaway kita,"
He wrapped his arms around my shoulder at mas hinila ako palapit. I felt him kiss the top of my head too.
"Wala naman, tinanong ako bakit daw panay pasok ka sa kwarto ko. Huling huli ka kasi sa CCTV, hindi ka magaling magtago," I teased him. Agad siyang ngumuso.
"Eh excited akong makasama ka e, masama ba 'yon?"
Nag angat ako ng tingin at tumitig sa napaka-gwapo niyang mukha. He looks like an angel.
"Oo, masama. Kasi baka sa susunod hindi na kita paalisin at ikulong na lang kita sa kwarto ko. Bahala ka, kailangan panagutan mo 'ko," I said, giving him a mini heart attack.
Kisay na naman sa kilig ang hayop. Hindi ko pa nga nilalandi e.
YOU ARE READING
MILAN (P.S#4)
Romance"Alam mo kung ano ang pinakamahirap? Knowing that you could love someone unconditionally if they'd just let you..."