Decisions...
"Pa..." tawag ko sa'king ama. Nag angat ito ng tingin habang ang aking ina ay hawak naman ang kamay ni Papa. We were at home. Si Andrea ay nakaupo lamang sa aking tabi at hindi kumikibo.
"Please..." bulong ko. "I need to be there for him,"
Napabuntong hininga ang aking ama. I know he's just letting me be. Ang mga pag absent absent ko noong mga nakaraan ay pinalampas niya. But right now, I am asking them to let me go with my childhood friends. Dadalhin sa America si Milan para doon na ipagpatuloy ang pagpapagamot nito. And I want to be with him. Gusto ko ay nandoon pa rin ako sa kanyang tabi.
"Paano ang pag aaral mo Elisse? Pinayagan na kita sa mga desisyon mo noong nakaraan. I know you and Milan are together. Pati ang pagpasok pasok niya madalas sa iyong silid ay wala lamang sa'min. But this is also about your future we are talking about," turan nito. Nakagat ko ang pang ibaba kong labi at naramdaman ko pa nang mapakislot si Andrea mula sa'king tabi.
Hindi niya nga pala alam na kami ni Milan.
Hinarap ko ang aking ama at ina. "Pa, regardless if we are together or not, I will be there for him. I will be there kahit sino pa sa mga kababata ko ang nasa ganoong lagay. I know I have been neglecting my studies these past weeks pero matatapos na din naman ang term. Tapos ko na ang mga requirements ko and I can opt for early dismissal. Mag eexam ako agad,"
Ilang araw ko nang napag isipan ang mga bagay na iyon. Ayoko mang gawin ay handa akong gamitin ang pagiging Martinez ko sa paaralan kung kinakailangan. And the professors know who I am in the Puntavega's life. Wala na akong pakialam kahit ideklara ko pa sa kanila kung ano ang koneksyon ko kay Milan. I can play dirty if I have to. Basta para kay Milan.
My mom would be so shock kapag nalaman niya ang mga niisip ko ngayon. But that's the least of my worries now.
Basta ngayon, si Milan lamang ang mahalaga.
"Anak..."
I closed my eyes for a moment at sinikap na kontrolin ang emosyon na nararamdaman. I don't want to cry in front of them. I refuse to show people how weak I am dahil ayaw kong mag alala sila sa'kin.
Importante sa'kin na makatapos ako ng pag aaral kaya lamang ay mahalaga din sa'kin na alam ko kung ano ang nangyayari sa kanya. Kung pwede lamang na araw araw ay kasama ko siya, I'd gladly be with him.
"Papayag ako," napalingon ako sa aking ama at medyo nakahinga na nang maluwag. I knew he would say Yes. Kaya lamang ay bahagya akong kinabahan dahil nararamdaman kong may kasunod iyon.
"Only if you promise to be back before the start of the next term. Kailangan mo pa ring makatapos Elisse. Wala akong pakialam kung punuin mo ng tatak ang passport mo kakapabalik balik. You can even go once a month o basta may bakasyon ka. If you can fix your schedule so you can see him often, tutal ay kakaunti na lamang ang magiging units mo dahil gagraduate ka na, ikaw ang bahala. Basta tandaan mo, you have to finish your studies. And you have to take care of your health. Hindi isang oras ang byahe papunta sa Amerika, anak. Baka bago magising ang kasintahan mo ay buto't balat ka na lang,"
Pinigilan kong mapangiti sa pagiging sarkastiko ng aking ama. Minsan na lang siya magsalita ng mahaba ay ganito pa ang kanyang tinuran. But I'd take and agree with his condition kaysa wala. Titiisin ko ang pagod, lahat kakayanin ko.
"Grabe ang clueless ko ba? Bakit hindi ko alam na kayo ni Kuya?" tanong ni Andrea ng dalawin niya ako sa'king silid. Nag eempake na ako at siya naman ay umupo sa'king kama.
YOU ARE READING
MILAN (P.S#4)
Romance"Alam mo kung ano ang pinakamahirap? Knowing that you could love someone unconditionally if they'd just let you..."