49

1.5K 50 24
                                    

In each other's arm...

"Ang ganda pa rin no? Ayaw mo bang tumira na lang malapit sa dagat?" napalingon ako ng marinig ang tinuran ni Milan. I fel this arms wrapped around my waist and I rested my hands over his.

Hinayaan kong isayaw sayaw niya ang aming katawan kasabay ng sayaw ng mga alon sa dagat.

Hapon na at kanina ay bigla na lamang niya akong niyayang pumunta sa dagat kaya naman bumayahe kami agad patungo sa lugar kung saan kami nagtungo noon.

Walang nagbago. Ganoon pa rin ang itsura nito katulad noong huli naming punta. At tulad dati, nakatayo kami sa parehong lugar, sa parehong spot kung saan siya nangako sa akin na bubuo kaming dalawa ng mga magagandang alaala.

"Do you remember my promise before?" bigla niyang bulong. Napalingon ako sa kanyang gawi at halos hingalin ako ng kulang na lamang ay magtama ang aming labi. 

Him and his effect on me.... Minsan parang gusto ko na lang sumigaw ng unfair e. Kasi grabe lang, ibang iba pa rin ang epekto niya sa sistema ko kahit pa napakarami ng nangyari sa amin at dapat sanay na ako sa presensya niya.

But it's okay. I can live with this feeling, iyong baliw na baliw ako sa kanya lalo pa nga't alam kong ganoon rin siya sa'kin. 

"Paano ko makakalimutan eh lahat naman ng sinasabi mo sa'kin tumatatak sa isip ko. Baka nga diretso na sa puso ko eh," biro ko sa kanya.  Narinig ko naman ang mahina niyang tawa. Para bang idinuduyan ang aking puso sa naririnig. 

Nang mapabaling ang aking tingin ay napansin ko pa ang ilang kalalakihang nakatingin sa aming gawi ngunit agad ding nag iwas ng tingin ng mapansin ang aking ginawa.


"Those are your family's men. What's happening?" sa totoo lamang ay ilang araw ko na ding napapansin na palaging may mga nakabuntot samin ni Milan na gwardya but they were really doing a good job in hiding dahil hindi talaga sila lumalapit. Napansin ko din iyon ng magshopping kami ng mga babae.  I think halos lahat kami ay may bantay niting mga nakaraang araw pero hindi yata napapansin ng iba.


"Talas ng mata mo ah," natatawa niyang turan.  Nilingon din nito ang mga lalaki at bahagya pang tumango na sinuklian din ng ilan kahit pa nga halata naman na nagulat ang mga ito.

Kung hindi ako tumira sa New Jersey kasama ni abuela ay baka hindi ko rin sila mapansin ngayon. Pamilyar kasi ang ilan sa kanila. At kahit noon pa ay nasanay na din ako sa mga ito dahil palagi itong nakasunod sa abuela nila.

"Abuela is re-organizing the Conglomerate. Kahit kay kuya Yelo ay may nakapalibot ngayon para proteksyon.  You know how crazy the business world is. Alam mo naman na namatay ang bunsong anak ni abuela, my Tita Amara because of it. Si Tito Aldous na ama nila Gold ay may malaking balat din sa kanyang likod while my Dad almost died when he was a teenager too,"

Naaalala ko iyon ng minsang ikwento ni abuela sakin kung gaano ba kagulo nag pulitika pagdating sa negosyo. Noong una kasi ay gusto ko sana na walang sumusunod sa akin noongnnasa New Jersey ako pero ayaw nitong pumayag. Tito Ardius, Milan's father almost died then too. Si Tito Alcade na tatay ni Julio lamang ang hindi nakaranas ng ganoon dahil nga hindi daw ito mahilig lumabas at palagi lamang nasa library ng mansyon. Wala daw itong kainte-interes sa kahit na anong bagay kaya naman umabot pa sa ipinagkasundo ito ni Abuela para maikasal. Natakot kasi ito na tumanda itong binata.

"Are you telling me that there is a threat in your family pero pagala gala tayo ngayon na ganito? At sila Gold? Madalas tumambay ang isang iyon kila Ahyessa," napaikot ako ng tuluyan tsaka siya hinarap.

"Dapat ay hindi na nag honeymoon sa labas ng bansa sila Chase at ang kapatid ko!" bigla tuloy akong nagpanic kaya naman kinuha nito agad ang aking palad at itinapat sa labi nito.


"This is just a precautionary action,  Dee. Kaya nga hindi namin binabanggit dahil ayaw naming matakot kayo. I forgot na tumira ka nga pala sa ancestral house. But don't worry baby.  Matagal nang nagamay ni lola ang mga ganyan kaya malaki na ang takot ng mga tao sa kanya.  They wouldn't dare. Siguro kaya din pinapasundan tayo dahil napaparanoid na si lola. Baka daw biglang isnag araw hindi na kami mahanap. Na-trauma yata kay kuya Yelo," natatawa nitong turan.  He was kissing my hand at hindi ko alam kung dapat ba akong mapanatag dahil doon.

Para kasing may mali.  Pakiramdam ko ay maroon siyang jindi sinasabi pero ayaw ko naman itong pilitin. I knew how complicated his family is. Nakamulatan ko na iyon simula bata ako. Sa amin sigurong mga babae ay ako lamang ang may lakas ng loob na makialam kapag tungkol na sa pamilya nila ang involve.  But still, I don't overstep on my boundaries.

Bigla kong naalala ang tatay nila Aedree. Ang alam ko kasi ay matagal nang sinanay ni abuela si Tita Amelia para humalili rito pagdating ng araw. It was quite funny how the entire Conglomerate will not be under a fullblooded Puntavega kung hindi sa asawa nito. Si Tito Aldous kasi ang panganay pero matagal na itong itinakwil ni Abuela simula ng nangyari ang insidenteng naging dahilan ng kundisyon ni Grey.

Hindi naman problema sa mga magulang nila Milan at Julio iyon dahil mayaman rin sila at ang buong pamilya pa rin ang may ari ng lahat. Iyon lamang ay si Tita Amelia na rin ang mamamahala ng mga iyon sa hinaharap.

I know Tita Amelia. Sobrang bait nito at ibinuhos na yata ang buong buhay niya para sa pamilya. Ni hindi ito nagplanong mag asawa. Pwede rin naman na sila ni Tita Anastasia ang mamahala roon.

"Alam mo nakakainis ka minsan eh," putol nito saking pag iisip. Nawala na pala sa kanya ang aking atensyon dahil kung ano ano na ang pumasok sa isip ko.  "May sasabihin dapat akong sweet pero dinistract mo ko," nakisamangot niyang turan. Napahagikgik ako bago pinagdikit ang tungki ng aming mga ilong, ang aking mga kamay ay nakapalibot na sa kanyang balikat.


"Ngumiti ka lang sakin Milan, matutunaw na ako agad. Alam mo bang dyan sa hugis puso mong mga labi ako unang nabaliw?"

Agad siyang napanguso ngunit alam kong pinipigilan lamang nito ang mapangiti.

"Akala ko sa katawan ko ka unang nalulong. Grabe ka ngang makalamas sakin eh," nahampas ko siya sa kanyang dibdib at marahang natawa.

"Baliw pangalawa lang iyan pero sa lips mo talaga una. Kasi di ba, tanda mo ba noong bata tayo sabi ko pareho tayo na heart-shaped ang lips kaya gusto kita?"

Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay.  "So kung si Julio ang may heart-shaped lips, siya ang magugustuhan mo? Tss, huwag na nga muna tayong mag usap. Uwi na tayo. Mas gusto ko sa kwarto tayo kasi doon natutuwa pa ako sa mga sinasabi mo kapag nasa ilalim kita,"

Malakas akong napahalakhak sa kanyang pag aalburuto.

"Ang seloso mo na. Dati kay Chase ka nagseselos ngayon naman kay Julio. Ano ba!"

Kinurot ko ang kanyang dibdib ngunit ni hindi ito natinag.

"Naaalala ko na kasi na may gusto sayo si Julio dati," asik nito.  Napangiti naman ako ng maalala si Julio.

"Yeah, he loved me so much he was willing to hurt himself para lang sumaya ako. Literal na hinatid nita ako papunta sayo. I'm glad Arianne came in his life. Ngayon ay para itong bulate na hindi mapakali dahil sa kasintahan,"

Natawa na din si Milan.  Nakakatawa naman kasi talaga minsan si Ara at Julio.


He found someone more deserving of his love.  Hindi ko alam kung may alam ni Ara sa nararamdaman sa akin noon ni Julio but I know, mahal na mahal siya ni Julio. Mahal siya nito ng higit pa sa naging pagmamahal ng huli sakin noon. Hindi magwawala ng ganoon si Julio kung hindi.

Love is when you're important enough so he won't leave you behind. At ganoon ang ginawa ni Julio kay Ara.

Napapikit ako ng maramdaman ang mga labi ni Milan na sumayad na sa akin.

Katulad ng dati, wala kaming pakialam sa mga nakakakita. As long as we are in each other's arm, magiging masaya kami.

MILAN (P.S#4)Where stories live. Discover now