Ganyan ka din ba...
"Dakota!!!" narinig kong sigaw na naman ni Yelo. Iritang irita na naman ako habang ako naman ay malakas na natawa.
He probabaly didn't like what I did in his kitchen. Nag try lang naman akong magluto. Hindi ko naman alam na maisasabog ko iyong ibang mga ingredients. Tsaka si Taias din naman ang tumulong sa'kin doon.
"Ang grumpy ng tatay mo, buti natitiis mo iyan?" natatawa kong tanong kay Taias. Nasa labas kami ngayon ng bahay dahil baka balibagin ako ni Yelo ng kutsilyo, mahirap na.
"My Dad is okay. He's just sad,"
Inirapan ko si Taias dahil sa kanyang tinuran. Napakaloyal nito masyado sa ama.
"No, your Dad is grumpy. Iwan na natin siya. Tara sa mansyon. Hindi ko pa nakikita yang pinsan mo eh,"
"Teesha?" taka niyang tanong. We were sitting on a bench outside. Umiinom ako ng juice. Wala akong kabalak balak pumasok doon dahil tinatamad akong maglinis.
"Yeah, I wonder kung kanino nagmana ang batang iyon. Sabaw ang ama habang maldita naman ang ina,"
Nagulat ako nang may tumuktok sa aking uluhan. Nang mag angat ako ng tingin ay muntik na akong napabungisngis sa salubong na kilay ni Alexander.
"Sinisiraan mo pa sa bata 'yong magulang ng pinsan niya. Ikaw nga Dakota eh, umuwi na. Isang Linggo ka nang pakalat kalat dito, naaalibadbaran na ako sa'yo,"
Nginisihan ko lamang siya bago inginuso ang bakanteng espasyo sa tabi ng kanyang anak. Muntik na akong matawa ng suotan nito si Taias ng shades bago umupo sa tabi nito.
Kunwari pa si tanga na walang pakialam sa anak eh.
"Yelo, kung ayaw mo akong maging mommy ni Taias, hintayin ko na lang siya,"
"Ang bwisit mo na, Dakota. Ganyan ba epekto sa'yo ng pagkatigang mo kay Ulan?" asik nito. My eyes widened at what he said ngunit tinakpan naman niya ang tengga ng kanyang anak nang tinuran iyon.
"Nagmo-move on ako, 'di ba? Sana hindi mo siya binabanggit!"
"Tss, hindi ka makakamove on kay Ulan. Huwag mo 'kong lokohin. Kapag sinundo ka noon dito, lulundagin mo pa 'yon,"
"Hoy! Ang kapal mo ha!"
"Oh, bakit, hindi?" nagde-kwatro pa ito at mayabang na ngumisi. "You've love my cousin more than half of your life. Hindi mo basta na lang mabibitiwan ang ganoong klase ng pag-ibig,"
"Ang ingay mo ngayon! Bwisit ka,"
Natawa naman siya ng marahan. I watch how Taias glanced to his father's direction. Pinapanuod nito ang mukha ng kanyang ama.
Hindi na ako nagsalita at tumingin na din sa harapan. Kaya rin siguro gusto ni Yelo rito. Tahimik, payapa...
Sa isang Linggo kong pagtatago rito ay bahagya na ring gumaan ang aking pakiramdam. Nandoon pa rin ang sakit. Natural lang rin na nalulungkot pa rin ako ngunit kahit paano ay nabawasan ang bigat.
Totoo naman ang sinasabi ni Yelo, na kapag nakita ko si Milan ay alam kong bibigaw akong muli sa kanya. Kumbaga, pahinga phase lang siguro ito. Wala eh, mahal ko e.
Sabi nga sila, kapag nagmamahal ka, kahit gaano pa katalino ay nagiging tanga dahil sa pag ibig. At ako na nga yata ang pinakatanga sa lahat dahil hinayaan kong malunod ako ng ganito katindi sa sobrang pagmamahal sa kanya.
Napahinga ako ng malalim.
"Malapit na ang kasal nila Andrea. Subukan mo lang hindi umattend, Yelo. Susunugin ko talaga ang bahay na to,"
YOU ARE READING
MILAN (P.S#4)
Romance"Alam mo kung ano ang pinakamahirap? Knowing that you could love someone unconditionally if they'd just let you..."