16

1.2K 63 11
                                    

Can we do that?..

"Ano ba? Bakit ayaw mo 'kong tignan?" natatawa niyang turan. Naramdaman ko pa ang naging pagpisil niya sa aking pisngi kaya mas lalo akong nag iwas ng tingin.

Sabado ngayon at wala akong klase. Wala din siyang klase kaya naman ang aga aga ay nakadayo na agad siya dito sa bahay. Buti na lang ay wala din sila mama at papa though sanay naman sila na pumapasok sa kwarto ko sila Milan.

Maraming Linggo na din ang lumipas o umabot na yata ng dalawang buwan. I've been busy at school at maging siya ay naging busy rin. Sunod sunod ang naging requirements namin at halos maglumuhod na ako sa mga professor ko sa sobrang pagod. Living a College life is so stressful.


"Tigilan mo nga ako, Ulan. Manuod ka na lang dyan," kunwaring sita ko sa kanya. But I can feel him scooting closer, hanggang sa sobrang magkadikit na talaga kami. We were watching a movie na sa totoo lamang ay hindi ko na alam kung ano ba ang nangyayari. How can I when I can feel him so close like this?

Hindi na ako nagulat nang pumaikot na namang muli ang kanyang kamay sa aking baywang, bagay na napansin kong nakakahiligan na niya. We were sitting on the couch inside my room, at nanunuod sa malaking tv na nakasabit sa dingding ng aking silid.

Napaismid ako."You keep being too touchy on me. Abusado ka na ha," kunwari ay awat ko sa kanya.

I heard him chuckle bago ako mas lalong niyakap. "I can be more than that Dakota. Magiging abusado ako kung para sa'yo..."

There he goes again, sending me weird signals pero hindi naman niya nililinaw kung ano ang ibig sabihin.

For years, ngayon lang siguro kami naging ganito, a little intimate than we usually are. Kaya naman hindi ko maiwasang paulit ulit na umasa. Umaasa na ako na baka sakali, baka after all these years ay nagbago na ang nararamdaman niya para sa 'kin.

Isa pa, sa ilang buwan na lumipas, kahit papaano ay nabawasan ang sakit na nararamdaman ko dahil sa mga pambababae niya. I mean, he doesn't really talk with girls now lalo na kapag kasama niya ako. Pero minsan, natatanaw ko pa rin siyang may kausap. Baka hindi na nga maalis sa kanya iyon. At least ay wala akong alam na nobya niya ngayon. Kung lalandi siya, gawin niya patalikod.

"Bakit ka nga kasi nandito? Wala ka bang date?" Mapait man sa labi ay hindi ko na napigilang itanong. It's weird to be honest. Ano'ng trip niya at palagi na lamang siyang malapit sa 'kin ngayon?

"Meron,"

Hindi niya pa natatapos ang kanyang sagot ay mabilis na agad lumagapak ang puso ko sa sahig.

Agad akong sumimangot at akma sanang tatayo ngunit hinigit niya ako pabalik sa kanya then, he  pulled my face closer hanggang sa ang aking mukha ay nakabaon na kanyang dibdib. Narinig ko pa ang kanyang naging oagtawa.

His laughter filled my ears. At kahit ayaw ko sanang magpadala ay hinang hina ako agad sa lamig haplos na dulot nito sa aking puso.

Bakit ganoon? Bakit marinig ko lang ang tawa niya ay sumasaya na agad ako?


"Galit ka agad, e sinagot ko lang naman ang tanong mo,"

"Kaya nga umalis ka na, iwan mo ko. Doon ka sa ka-date mo,"

"Ayoko nga, hindi kita iiwan," bulong niya na lalong nagpagulo sa tibok ng aking puso. My heart is going crazy I don't even think it's possible for it to calm down.

"Dito lang ako. Tsaka kasama ko na ka-date ko. You will be my date from now on. Araw-araw, ide-date kita. Magde-date tayo tuwing gusto mo, o kahit hindi mo gusto. Basta, dapat ako lang ang kasama mo,"

Shit.

Kapag hindi siya tumigil sa kakalandi sa 'kin, baka hindi ko na siya pakawalan.

Hindi ako agad nakakibo. Those words gave so many butterflies in my stomach. Hihingalin talaga ako sa kalandian nitong si Milan!

Pinaypayan ko ang aking mukha dahil parang biglang uminit yata bigla sa aking silid.

"You're acting weird these days..." bulong ko. This is just too much. Baka masobrahan ko ang umasa. Baka masyado akong masaktan sa huli.

"Hmmm,"

Ni hindi niya ako sinagot. Nag angat ako ng tingin and I realized that he was staring at me. Nakayuko siya at tila hindi man kang apektado at titig na titig na sa akin.

Napalunok ako. Is he actually staring at my lips?

Mas lalo akong kinabahan ng bigla siyang magsalita.

"Your lips looked naturally red," bulong niya. He was staring at my lips for too long na para na akong pinapanawan ng ulirat. He was making my heart race. Masyado niya akong pinapakaba sa kanyang mga asta and I just don't know kung hanggang saan ako tatagal, kung hanggang kailan ko ba makakayanan ang kanyang mga ginagawa.

"And they look soft," dagdag niya and I just can't take it. Napayuko ako at muling itinago ang aking mukha sa kanyang dibdib.

Jesus Christ. I'm going to die at this rate.

Pumipintig na ang aking tengga at para na akong kakapusin ng hininga. That fact that our body are pressed with each other isn't helping either.

"You're shaking Dee," I felt his hand on top of my head at maingat na sinuklay ang aking buhok. Mas lalo lamang akong kinabahan. Masyado ng mabilis ang tibok ng aking puso na nagsimula nang manginig ang aking katawan sa sobrang kaba.

This is just too much.


Kaya sa sobrang kaba at pilit akong tumayo para sana lumayo but the moment I did, he quickly stood up and followed me, pulling me closer to him and wrapping his arms around me from behind. Ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg at tuluyan na akong nanghina. Thank God he has fast reflex at mabilis akong naalalayan.

Halos maiyak ako sa sobrang tindi ng emosyong nararamdaman.

"Milan, let me go..." bulong ko habang pilit na kinakalas nag kanyang nga kamay na nakapalibot sa akin. My knees are weak but I'd probably pass out kapag hindi ko siya tinakasan.

"I don't want to. Ayoko, Dakota. I don't know why but I just want you closer to me like this. I like being with you, having you in my arms. I like us being together... Can we do that?"

Oh my God. Nananaginip ba 'ko?

MILAN (P.S#4)Where stories live. Discover now