Pares....
"Seriously, how long are we gonna be like this?" tanong ko sa kanya. Ngumuso akong muli at halos kagatin na matangos niyang ilong sa sobrang gigil. Nakapalibot ang aking mga braso sa kanyang leeg habang siya naman ay kampante lamang na nakaupo at nakasandal sa kanyang swivel chair.
Nang inilayo ko ang aking labi mula sa tangkang pagkagat sa kanyang ilong ay siya namang dukwang niya upang kintalan ako ng halik saking mga labi.
Again, hindi ako magsasawang sabihin na sarap na sarap talaga ako sa mga halik niya. I love his kisses na kahit pa nga kating kati ako na mas laliman ang mga simpleng halik na iyon ay pinipigilan ko ang aking sarili because I know that he's busy.
Muli kong ibinaon ang aking mukha sa kanyang leeg at pumikit na muli.
"Just stay close to me like this. Mas gusto ko na malapit ka sakin, mas naiintindihan ko tong mga binabasa ko," bulong niya. Mas lalo tuloy humigpit ang yakap ko sa kanya at napagalaw na sa kanyang kandungan.
Yes, I was sitting on his lap, facing him while he sits on his swivel chair, kaya naman para akong tuko na nakakapit sa kanya. I wasn't uncomfortable though. Sa katunayan ay gusto ko ang aking posisyon na siya rin ang nagpumilit dahil ayaw niya akong pauwiin kanina pa.
He insisted on keeping me by his side kahit sabi ko ay okay lang naman na unahin na muna niya ang mga dapat gawin. Apparently, his abuela wanted Milan to start helping in the company na din. Nagkaroon naman ng diploma si Milan dahil natapos nito ang mga requirements sa paaralan bago ang aksidente. Mabuti na lamang din at nauna na ang exams nito dahil graduating naman na. Advance naman kasi sakin ang classes ni Milan dahil ang original na plano ay magmamasterals ito na hindi na natuloy lalo pa nga at nangyari nga ang aksidente.
Sabi naman ni Milan ay ayos lamang sa kanya na hindi na ituloy muli ang balak na kumuha ng Masters degree at pag aralan na lamang ang kalakaran sa kumpanya para makatulong ito sa mga kapatid at pinsan. Si Chase kasi ay kay Papa na tumutulong at hindi na gaano sa kanilang kumpanya. Okay lang naman iyon kay abuela dahil ako naman daw ang naging kapalit niyon dahil sa kanya ako nagtrabaho. Besides, Chase is part of our family now.
Puntavega's Conglomerate is so big. At sa sobrang laki noon ay hindi nila kailangang mag agawan sa kumpanya dahil pwede silang mamahala ng tig iisa nila. That's how wealthy they are. Mga dugong banyaga at ang kanilang angkan ay mayaman na mula pa sa mga ninuno nila. Masyado lamang minahal ng kanilang pamilya ang Pilipinas at piniling manatili rito madalas bilang kanilang pangalawang tahanan. I heard even abuela used to lived here lalo pa noong buhay pa daw si abuelo.
"If you're uncomfortable, pwede kang mahiga sa kama ko. Basta don't leave out of my sight," dagdag nito. Puros papeles ang hawak nito sa magkabilang kamay na hindi yata maubos ubos.
"No..." I grunted. "I like it here, on top of you, " ungot ko at napahikab na. Ang bahagyang lamig sa kanyang silid ay mas lalong nagpapaantok sa akin. When Milan said he likes me wearing his shirt, tinotoo niya iyon dahil pinagpapalit niya agad ako ng tshirt niya. Marami na nga rin akong shorts dito sa walk-in closet niya.
Naramdaman ko ang paglapat ng isa niyang kamay sa aking likuran at tila inayos ako sa pagkakaupo, "Stop moving too much then, baby. Mas hindi ako maka-concentrate niyan," bahagya siyang napaubo at napaayos ng kaunti sa pag upo. Nagulat ako ng may maramdaman akong kung ano sa aking inuupuan.
Nawala yata ang antok ko at napalayo bigla at tinignan ang mukha niya.
Namumula na agad ang kanyang pisngi at nag iwas muna ng tingin. Binasa nito ang pang ibabang labi at kunwaring inabala ang sarili sa mga papeles na binabasa but I can clearly see how even his ears are getting red. At patigas ng patigas ang bagay na iyon!
YOU ARE READING
MILAN (P.S#4)
Romance"Alam mo kung ano ang pinakamahirap? Knowing that you could love someone unconditionally if they'd just let you..."