"Iiwan mo yang lalaking yan o papatayin na lang namin siya?!" tanong ng isang lalaki at napailing ako sa sinabi niya,
"You can't do that!" sabi ko at natawa sila, wala kaming atraso sa kanila at lalong lalo na si Ivan, kaya bakit naman nila papatayin si Ivan?
"Anong akala mo sa amin? Mga disenteng tao? Marami na kaming napatay dahil iyon ang trabaho namin." paliwanag niya at ngumisi pa,
Tumawa naman ang isa, "Pasalamat ka at sabi ni boss, yung lalaki lang ang papatayin." sabi nito at awtomatikong kumunot ang noo ko,
"B-boss?" kinakabahang tanong ko, mayroon nanaman bang sinisikreto sa akin si Ivan?
"Ang mama mo ang nag-utos nito, Señorita. Kaya huwag ka nang mag-inarte!" sagot niya, Mom did this!? For what!?
"Alam mo nakakatuwa rin ang mama mo, hinayaan niya lang na mag-enjoy ka muna kasama yung lalaking iyon. Kung ako sa'yo sumama ka na sa amin ngayon dahil mas masaklap kapag pinatay namin siya." aniya at naglabas ng kutsilyo,
"Itago mo yan at huwag na huwag mong gagamitin kay Ivan!" sigaw ko,
"Itatago ko lang kapag nagsimula ka nang mag-impake."
"Mag-iimpake ako!! Sasama ako sa inyo! Please lang itago mo yan!" sigaw ko at tinago niya ito,
Nagmamadali na akong mag-impake dahil maaring maabutan kami ni Ivan,
Hindi niya ako pwedeng maabutan, hahayaan ko na lang na masaktan siya sa ganitong paraan.
Paglabas ko ng bahay ay nilolock na lang ang pintuan,
"SINO KAYO!? Shaine anong ibig sabihin nito!!" naestatwa ako nang marinig ang boses ni Ivan,
Agad namang hinawakan ng dalawang lalaki ang magkabilang braso niya at pinagsusuntok,
"ITIGIL NIYO YAN! PLEASE!" sigaw ko at binitawan nila si Ivan,
Umupo ako at hinawakan ang mukha niya, "Umalis na tayo." sabi ng isang lalaki at tumingala ako sa kanila,
"Maghintay kayo sa kotse, bigyan niyo ako kahit limang minuto lang." sabi ko at nagkatinginan sila,
"Please." sabi ko at pumayag na lang sila,
Humarap ako sa kanya at hindi ko na mapigilan ang mga luha ko na tumulo,
Hindi pwede...
"Ivan, aalis na ako." sabi ko at hinawakang ang kamay niya,
"Saan ka pupunta? Hindi ako papayag." nanghihinang sabi niya,
"Huwag mo nang alamin, basta magpadoktor ka." sabi ko at sinikap niyang bumangon,
"Shaine, saan ka pupunta?" tanong niya at ngumiti ako,
"Palayain mo na lang ako, at huwag ka nang magtatanong." pakiusap ko at nakikita kong nasasaktan siya, I'm sorry..I have to!
"Bakit ba gusto mong umalis? Hindi pa rin ba enough lahat ng ginawa ko para sa'yo? Hindi ba enough lahat ng sacrifice ko para lang manatili ka sa akin?" dire-diretsong tanong niya pero yumuko lang ako,
Hinawakan niya naman ang magkabilang balikat ko at pinatayo ako,
"Hindi mo ba ako minamahal sa kabila ng lahat ng iyon?!" naiiyak na tanong niya at umiyak na lang rin ako,
Hindi tayo pwede Ivan. I'm sorry! Mahal kita! mahal na mahal kita!
Hindi ka pwedeng makulong sa pagmamahal mo sa akin..hindi ka pwedeng mamatay dahil sa akin.
"Please! Sabihin mo sa aking mahal mo ako! Gagawin ko ang lahat, ipaglalaban kita sa mga magulang mo!" Sigaw niya at tinitigan ko lang siya,
Dahan dahan niya akong binitawan at lumuhod siya sa akin,
Ivan...
"Tumayo ka diyan." nahihirapang sabi ko at umiling iling siya,
"Hindi ako tatayo dito hanggat hindi nagbabago ang isip mo at lalong lalo na kung hindi mo sinabi sa aking mahal mo ako!" sabi niya at napapikit ako,
Ivan, please tumayo ka nalang please..
"Pwede ba! Tigilan mo na ako!" sigaw ko at pinunasan ang luha ko,
"Shaine..mahal mo ako diba?" tanong niya, sinikap kong ipakita ang malamig na ekspresyon ko at tumingin sa kanya,
"Hindi kita mahal, wala akong paki kung hindi ka tumayo diyan." sagot ko at iniwan siyang nakaluhod,
Nang makalayo na ako ay tumingin ako sa direksiyon niya, nakayuko pa rin siya,
I'm sorry, Ivan. Para naman ito sa ikabubuti nating dalawa, pero mas ikabubuti mo ito.
Pagpasok ko sa kotse ay nakita ko si mom,
"Mom.." hindi makapaniwalang sambit ko, ngumisi siya,
"God job, boys. Now..kill that guy." sabi niya at inabot sa isang lalaki ang baril, bumaba ang isang lalaki at ang isa naman ay hinawakan ako para hindi ako makagalaw,
"NO!! MOM! WHAT ARE YOU DOING!?" hindi makapaniwalang tanong ko at nagpupumiglas sa pagkakahawak ng lalaki,
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang tatlong sunod sunod na putok ng baril,
"F*CK YOU, LET ME GO!" sabi ko at kinagat ang kamay ng lalaki, nabitawan niya ako dahil sa sakit
Agad akong bumaba ng kotse, narinig ko ang pasigaw akong tinawag ni mom pero hindi ko siya pinansin, diretso ako kay Ivan at nakita ko siyang nakahandusay na sa sahig,
Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya."I-ivan? Laban lang..please laban lang." naiiyak na sabi ko at tumulo ang luha ko,
"S-shaine, s-sabi na nga ba...m-mahal mo ako." Nahihirapang sabi niya,
"Please lumaban ka, please..hihingi palang ako ng tulong." sabi ko at akmang tatayo pero pinigilan niya ako,
"S-stay.. T-tell me...you.."
"Ivan.." naiiyak kong sambit,
"I-i love you, I-ivan. I l-love you so much. P-please don't leave me." emosyunal na sabi ko at hinawakan niya ang pisngi ko, ngumiti siya habang hinawakan ko naman ang kamay niyang iyon,
Don't let go..
"I-i love you, too." sabi niya at dahan dahan pinikit ang mga mata niya,
"N-NOOOO!! I-IVAN PLEASE! D-DON'T LEAVE ME PLEASE! TULONGGGGG! TULUNGAN NIYO KAMI!" sigaw ako ng sigaw habang chinecheck ang heartbeat niya,
Nakita ko si mom nakatayo lang sa tabi ko, "Y-you always know how to ruin my life, w-why... Why would you do that!? You are my m-mom!" sigaw ko sa kanya at patuloy lang sa pag-iyak habang hinahawakan si Ivan.
I love you, Ivan. I love you so much. I'm sorry...
BINABASA MO ANG
Untitled: Collection of Poems and One Shots
RandomRandom thoughts turned into a poem/ one shot