Napabuntong-hininga na lamang dahil sa pagkabagot si Jacob habang nakapangalumbaba at nakatingin sa bintana. Tapos na ang klase, pero kailangan niya pang manatili sa school building para sa after-school activities niya bilang miyembro ng Paramount.
Bakit ba kasi ako pa?
Paulit-ulit niyang tinatanong iyon sa sarili, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang makuhang sagot. Iyon ang unang linya na agad lumitaw sa loob ng utak niya noong matanggap niya ang sulat na siya ang nakakuha ng pinakamataas na puntos sa placement examination ng Interpersonal Intelligence Division. Ang placement exam na iyon ang ginagamit ng Faircastle High School para piliin ang mga magiging miyembro ng Paramount Class - isang maliit na grupo ng mga estudyante na magkakaroon ng exclusive privileges, after-school activities, at supplemental classes.
Gamit ang mga daliri, sinalat ni Jacob ang disenyo ng phoenix na naka-etch sa brooch na ibinigay sa kanya sa registrar's office kaninang umaga. Ang brooch na iyon na gawa sa ginto at tanso ay espesyal, dahil kasali siya sa walong estudyante na may karapatang gumamit noon.
Napailing na lamang siya bago saglit na sinulyapan ang mga kasama sa silid na iyon, bago muling ibinaling ang tingin sa campus grounds. Mag-iisang linggo pa lamang siya sa Faircastle pagkatapos niyang mag-transfer doon bilang isang Grade 12 student. It was his first day in the Paramount Class as well, and it felt weird rather than exciting.
He heaved another sigh, now of frustration, while looking outside the window, feeling envious of the other students that are starting to leave their classes and going back to their dormitories. Dahil nga ginagawa lamang ang supplemental class at activities ng Paramount pagkatapos ng klase, kailangan niyang manatili doon kahit pa gusto niya nang umuwi. Hindi siya natutuwa, dahil mas gusto niyang bumalik na lamang sa dorm kung saan kasama niya sa kwarto ang pinsan na si Kevin na nasa Grade 11 at maglaro na lamang ng video games kasama ito.
Noong mga sandaling iyon, nagpapaliwanag sa harap ng klase si Mr. Daniel Arevalo, ang class adviser ng Paramount. Kahit gustuhin niya, hindi magawang mag-focus ni Jacob sa mga sinasabi nito. Iginala niya ang mga mata sa kwarto, at nakaramdam siya ng pagkailang dahil alam niyang hindi naman siya nababagay na maging miyembro ng grupong iyon. The other seven students - all selected from their own divisions after topping their respective placements tests - are either well-known because of their achievements or their family names. He was the odd one - isang simpleng estudyante mula sa isang middle-class na pamilya. Hindi naman siya athletic, at mas lalong hindi rin siya magaling sa arts o sa music. Hindi rin ganoon kaganda ang academic performance niya, and his extra-curricular activities are close to abysmal than impressive. But there he is, selected from hundreds and placed in a group of students that are way deserving and interesting than him.
Hindi basta maiaalis ni Jacob ang pagdududa sa placement exam na nangyari. Hindi niya alam kung ano ang milagrong nangyari at nakapasok siya sa Paramount, dahil hindi naman niya sineryoso ang pagsagot sa examination na iyon. Hindi niya naman kasi gusto na maging miyembro ng grupong iyon sa kabila ng mga pribilehiyo at bragging rights na maibibigay nito sa kanya.
Nang ikakabit niya na sana ang brooch sa knot ng royal blue necktie na suot niya, naagaw ang pansin niya ng disenyo nito. In the middle is the phoenix - the school's emblem. Nasa baba naman nakasulat ang Latin phrase na 'scientia est potentia', o 'knowledge is power' sa Ingles.
He felt every ridge and curve of the brooch with his fingertips, before sighing in defeat.
Ano pa ba ang magagawa ko? Andito na ako eh.
Nang itinuon niya na ang atensyon sa harap ng klase, naramdaman niya na para bang may nakatingin sa kanya sa bandang kanan niya. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Jacob, bago ibinaling ang tingin sa pinagmulan ng nararamdaman niyang titig. Doon ay sumalubong sa kanya ang mukha ng isang kasamahan niya sa Paramount. He doesn't look mad, but he doesn't look pleased either. His cold eyes, pale skin, and cynical expression made Jacob aware that the student seemed to not like him or his presence. Nakasama niya na ang lalaki sa iisang silid noong nag-take sila ng placement examination.
BINABASA MO ANG
The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)
Science Fiction(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their unique abilities, and go through a mysterious journey of knowing the truth about their school, their power, and themselves. ******** Jacob neve...