"Galing na po rito kanina 'yung tatay at mga kapatid ni Gwen," ani Emma habang naglalakad papasok sa classroom nila sa Paramount Building kung saan sila nagtipon ngayon kasama ang class adviser.
"At si Vladimir?" tanong sa kanya ni Axis.
Napabuntong-hininga si Emma bago naupo sa pwesto niya. "Ayun, nasa kwarto niya... Nagkukulong doon."
"Tama lang 'yun," may himig ng galit sa pananalita ni Nico, "Magkulong lang siya. Huwag siyang magpapakita sa 'kin kasi talagang tatamaan siya. Hindi ko na talaga makokontrol ang sarili ko ngayon."
Umiling-iling si Jacob at binigyan ng isang matalim na titig ang kaibigan. "Nico, tama na..."
Hindi nagtagal ay dumating si Sketch sa loob ng classroom dala ang isang flash drive kung saan nakalagay ang CCTV feed na nakuha sa camera na nakalagay sa isang poste ng ilaw malapit sa nasunog na lumang storage room. Agad niya itong ibinigay sa class adviser nila na naikabit na ang gamit niyang laptop sa nakabukas na projector.
Pagkatapos noon ay sabay-sabay na nilang pinanood ang kuha ng CCTV para maintindihan kung ano ba talaga ang totoong nangyari kay Gwen, at kung bakit naroon din si Vladimir.
Sa video, makikitang dumating si Vladimir sa lumang storage room at binuksan ito. Mula sa loob ay nakakuha siya ng isang galong gasolina na marahil ay ginagamit ng mga nasa maintenance sa mga gamit nila. Agad niya itong ibinuhos sa palibot ng maliit na storage room at maging sa loob, bago muling isinara ang pinto at umalis.
Pagkatapos ng ilang minuto, muling bumalik si Vladimir doon. Pero sa pagkakataong ito, kasunod niya na si Gwen. Pumasok muna ang lalaki sa loob, bago sumunod papasok ang dalaga.
Pero ang ipinagtaka ni Daniel at ng mga estudyanteng kasama niya ay ang biglang paglitaw muli ni Vladimir sa labas ng storage room nang hindi dumadaan sa pinto. Bigla na lamang itong nakalabas, at mabilis na isinara ang bakal na pinto. Ilang minuto rin itong nanatiling nakatayo sa harap ng maliit na gusali, bago tuluyang sinindihan ni Vladimir ang lighter na hawak at itinapon ito.
Ilang segundo lamang ang binilang bago tuluyang naglagablab ang buong lugar habang nakatayo lamang si Vladimir sa harap ng gusali at pinapanood ang mga nangyayari. Inabot ng mahigit sampung minuto bago dumating sina Daniel at ang iba pang mga miyembro ng Paramount Class, base na rin sa kuha ng CCTV camera malapit sa pwestong iyon.
Hindi na malinaw na nakikita sa CCTV feed ang mga kasunod na nangyari dahil na rin sa usok na nakaharang sa lens ng camera. Napaloob kasi ang posteng iyon sa dome na ginawa ni Daniel noong inililigtas nila si Gwen kaya puro usok na lang ang nakuhanan nito. Bahagyang ipinagpasalamat iyon ni Daniel, dahil hindi makikita ng kahit sino ang mga nangyari, lalo na ang paggamit ng mga estudyante niya ng sarili nitong mga kakayahan.
Itinigil na ni Daniel ang panonood ng CCTV feed na iyon, at napabuntong-hininga na lamang habang iniisip kung ano ang dapat niyang gawin, lalong-lalo na kay Vladimir. Alam niyang walang kasalanan ang binata dahil na rin tila wala ito sa sarili noong ginawa niya ang mga bagay na iyon, pero alam niya ring mahihirapan siyang ipagtanggol ang estudyante hindi lang sa mga staff ng Paramount Program, pero pati na sa school director.
"Tangina talaga 'yang Vladimir na 'yan... Nasaan ba 'yang hayop na 'yan?" gigil na saad ni Nico nang mapatayo ito sa kinauupuan dahil sa inis, "Papatayin ko talaga –"
"Tumigil ka nga," saway sa kanya ni Jacob na agad na hinawakan ang braso niya, "Maupo ka lang diyan at kumalma ka."
Biglang nawala ang gigil sa sistema ni Nico, kaya kalmado itong napaupo sa pwesto niya. Binigyan niya ng isang matalim na titig si Jacob dahil dito.
"Madaya ka ha... Walang gamitan ng abilities."
Jacob rolled his eyes at him. "Kung hindi ko ginawa 'yun eh 'di inakyat mo na sa kwarto si Vladimir at ginawa mong punching bag."
BINABASA MO ANG
The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)
Science Fiction(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their unique abilities, and go through a mysterious journey of knowing the truth about their school, their power, and themselves. ******** Jacob neve...