Hindi makasagot si Vladimir sa sinabi ng kaharap, at itinuon na lamang ang tingin sa mukha ng babae. Maraming araw na rin ang dumaan magmula noong magkita nila, pero pakiramdam ni Vladimir ay ilang linggo niyang hindi nakita ang babae. Nakaramdam siya ng mainit na haplos sa puso niya, habang unti-unti nang tumatatak sa isipan niya na gising na si Gwen. Makikita niya na ito ulit, makakausap... Makakasama.
"You're so focused on our family picture you didn't even notice I'm already walking towards you..." Gwen then chuckled and nudged him, "Teka nga, huwag mong sabihing bet mo ang mga kuya ko?"
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Vladimir habang mabilis na umiling-iling. "H-hindi... Ano kasi – Ang totoo niyan..."
"Alam ko..." ani Gwen para matapos na ang kalbaryo niya sa pag-iisip ng sasabihin, "You don't have to say anything."
Vladimir paused, but when he realized that among Gwen's abilities is telepathy, he started to blush severely as he scratched the back of his head.
Habang nakatayo sa harapan niya ang babae, unti-unting napagtanto ni Vladimir na posibleng alam ni Gwen ang lahat ng iniisip niya tungkol rito... at ang katotohanang palagi niya rin itong iniisip dahil nga may gusto siya sa kanya.
"'Teka –" biglang saad ng kinakabahang si Vladimir, "Kung telepath ka, ibig sabihin alam mong –"
"...May gusto ka sa 'kin." Gwen's lips curved into a smile, then poked Vladimir's cheek, "Oh, yes I do..."
Vladimir frowned and sighed in frustration. He then covered his head with his hands, and avoided eye contact with Gwen. He looked like a self-conscious boy trying to hide himself behind a place where he can be seen easily.
"Tangina talaga... Nakakahiya," reklamo ni Vladimir habang pilit na iniisip kung ano ang susunod na sasabihin at gagawin ngayong alam ni Gwen ang lahat, "Binabasa mo ba talaga lahat ng mga iniisip ko?"
"Hindi naman palagi... Ginagawa ko lang 'yun kapag hindi maipinta ang mukha mo o kaya kapag mukha kang problemado. Tsaka kung kailan ko talagang kalkalin ang loob ng utak mo, kailangan kitang hawakan," tugon sa kanya ni Gwen, "Pero huwag kang mag-alala... Hindi ko naman ipagsasabi na crush mo ako. Atin-atin lang 'to."
Vladimir hissed and rolled his eyes, "Alam na rin nila..."
"Oh?" Gwen looked confused, then nodded like she realized something, "Well, hindi ko naman sila masisisi. Medyo obvious ka kasi."
"Wait, what –"
"Namiss mo ako?" biglang tanong sa kanya ng babae, dahilan para bahagya siyang matigilan.
"Well..." muling nawalan ng sasabihin ang binata ng ilang segundo, at hirap na hirap itong tumingin nang direkta sa mga mata ni Gwen, "In a way, of course I did..."
Gwen shook her head as she chuckled, before slowly raising her hand slowly and attempting to make her fingers touch Vladimir's arm. "You're still seriously going to lie when I can read your mind?"
"Hey, that's cheating..." reklamo sa kanya ni Vladimir, "Don't just read my mind whenever you want to. You're invading my privacy."
Gwen's smile was wide and sweet, before he patted Vladimir's pinkish cheek. "Sige na nga...Hindi ko na basta babasahin ang mga iniisip mo, unless... the need arises."
"The need arises? Wait, what does that mean?" tanong niya sa babae habang unti-unting nagsalubong ang mga kilay niya, "Kahit ano pa ang dahilan, dapat humingi ka muna ng permiso bago mo basahin ang utak ko, o ng kahit sino. I'm not going to allow you –"
Vladimir's words trailed off when Gwen suddenly embraced him. When he felt her arms wrap around his body, it felt like he lost his voice and just started feeling warm and giddy inside.
BINABASA MO ANG
The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)
Science Fiction(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their unique abilities, and go through a mysterious journey of knowing the truth about their school, their power, and themselves. ******** Jacob neve...