037. Lullabies

4.9K 344 11
                                    

Nang tumigil ang sasakyan nila sa harap ng isang napabayaang bakanteng lote na napapalibutan ng barbed wires bilang barikada, napahinga nang malalim si Gwen at unti-unting napatingin sa lugar mula sa bintana. Nakaramdam siya ng kung kakaiba sa sistema niya, lalo na't ito ang unang beses na bumalik siya sa lugar magmula noong nangyari ang insidenteng naging dahilan para magkaroon siya ng trauma at takot sa apoy.

Kahit bukas pa ang makina ng sasakyan, binitawan ng nakatatanda niyang kapatid na si Clyde ang manibela at nilingon siya.

"Sigurado ka bang gusto mong gawin 'to? We can go back if you want to... The private plane is just waiting..."

Bullet, who is sitting shotgun, looked back at her with a worried expression. "Ayaw namin na pwersahin mo ang sarili mo, Gwen... Wala pang ilang linggo magmula noong nangyari 'yung insidente sa school ninyo. Alam mo namang ayaw ka naming mapahamak, hindi ba?"

Napahinga nang malalim si Gwen, bago ibinaling ang tingin sa mga kapatid niyang kasama niya sa loob ng kotse. "I've been dealing with this shit in my head for years... It's not just about me almost getting killed... or the people who raised me and I grew up with getting burned to their deaths. Pagod na akong matakot at magalit... Hindi naman nakakatulong eh. Yung galit, alam kong hindi basta mawawala 'yun. Hindi ko nga alam kung paano ko tatanggalin 'yun eh. But this fear of fire that I have... This fear and pain from the voices I hear, gusto ko nang mawala 'to, kahit paunti-unti. Ayokong maging ganito habambuhay... I know it's going to be a very slow process, but I want to do it."

Gwen then glanced at her older brother, Felix, who is sitting on her left side. He gives her a small nod and a smile, before opening the car door and helping Gwen to get out of the vehicle. Ganoon din ang ginawa ni Dalton na binuksan ang kabilang pinto sa pwesto niya at tuluyan na ring lumabas ng sasakyan. Sumunod sa kanila sina Clyde at Bullet, na wala nang nagawa kundi suportahan na lamang ang gustong gawin ng kapatid.

Sa likod ng sasakyang gamit ng magkakapatid ay ang kotseng gamit ng mga kasamahan ni Gwen sa Paramount Class. Magmula sa driver's seat ay lumabas si Axis, kasunod si Nico na nakaupo sa tabi niya. Sunod-sunod naman na lumabas sina Vladimir, Leia, Sketch, Nico, at Jacob. Agad nilang sinundan ang magkakapatid na pinapasok na ang bakanteng lote.

Ilang metro pa lang ang nilalakad nila pero tumambad na agad sa kanila ang natira sa nasunog na ampunan. Halatang napabayaan na ang lugar dahil matataas na ang mga damo na nakapalibot dito. Maliban doon ay malalago rin at malalaki ang mga puno sa paligid, at kung gabi sila pumunta roon ay paniguradong magmumukhang haunted ang lote.

But what really captured everyone's attention is the pile of rubble in the middle of the abandoned land looked depressing, and even though they did not witness what happened there, they could feel something heavy inside them that started weighing them down.

Habang patuloy silang naglalakad, inakbayan ni Nico ang kasabay niya sa paglalakad na si Sketch habang pinagmamasdan ang kapaligiran. "Uy... So ang sinasabi mo, dito lumaki si Gwen? Tapos siya lang ang nakaligtas sa sunog?"

Tumango si Sketch. "Oo. Ganun nga ang nangyari..."

"Eh 'di ulila na pala siya? Ibig sabihin, ampon lang siya?"

Nakarinig si Nico ng isang malakas na tawa ilang metro mula sa kanya, at napagtantong narinig ni Axis ang pinag-uusapan nila kasi malayo, at kasalukuyang umiiling-iling pa habang tumatawa ang lalaki. The latter even mouthed the word 'stupid', so Nico immediately gave him a death glare.

"Tingnan mo oh... Tinatawag akong stupid ni Axis."

Sketch then rolled his eyes. "Because you are... You see, aside from their father being famous and all, it is known by everyone that all of the children from the Rowland family are all adopted. Magmula sa panganay na si Antoine, hanggang kay Gwen na bunso, lahat sila... puro ampon."

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon