036. Captured

4.9K 368 33
                                    

Iginala ni Jacob ang tingin sa loob ng kwartong iyon, at hindi niya mapigilang mamangha na ang loob ng maliit na espasyong iyon ang naging lugar kung saan ibinuhos ng tatay niya ang lahat ng oras nito. Maraming aklat sa loob, at lahat iyon ay nakalagay sa mga bookshelf na nakakabit sa bandang itaas ng mismong pader. Maliban doon, may mga file drawers din na sa tingin ni Jacob ay puno ng mga files ng ama na ang laman ay tungkol sa mga research nito. May mga nakadikit din na mga papel sa pader na may mga nakalagay na diagrams, chemical equations, at kung anu-ano pang mga bagay na hindi niya maintindihan.

Patuloy ang pagtingin ni Jacob sa paligid hanggang sa mapunta ang tingin niya sa isang maliit na mesa kung saan nakalagay ang ilang mga files at mga ballpen. Nakakalat ang mga iyon, na para bang hindi nagbago ang ayos magmula noong huling nabisita ng may-ari.

While looking all over the small room, a memory suddenly flashed inside his mind, and he began to recall those instances when he sneaked up inside the said room. He felt fascinated when he realized that some of the memories his grandmother tried to suppress inside his mind are now starting to return now that he has gone back to the place.

Naalala niya kung paano siya pagalitan ng lola niya noong unang beses niyang madiskubre ang kwarto. Maliit siya at maliksi, palaging interesado sa maraming bagay at mahilig makialam. Dahil sa paglalaro niya sa loob ng kwarto ng ama, napansin niya ang maliit na pintuan na iyon at walang-habas na pumasok sa loob kahit pa alam niyang papaluin siya ng lola niya dahil sa kakulitan.

Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa mukha ni Jacob nang maalala ang namayapang lola, bago itinuon ang tingin sa mga files na naiwan ng tatay niya sa mesa nito. Habang nakatingin doon, nakaramdam siya ng kakaibang pakiramdam nang matamaan ng katawan niya ang swivel chair kung saan naupo ang ama habang nag-aaral ito o ginagawa ang mga research niya.

He decided to pulled the chair out, and sat on it carefully. He felt something warm around his heart, as he started to see the room in his father's perspective. From that seat, he started to somehow feel the excitement his father felt while sitting on it. It was a feeling of vigor and eagerness, and Jacob realized that his father really liked to study and to know more things.

Nang pagmasdan ni Jacob nang maigi ang mesa, napansin niya ang mga drawers nito sa magkabilang panig. Una niyang pinagdiskitahan ang mga lalagyan sa bandang kaliwa ng mesa, na merong dalawang malalaking drawers. Sa loob ng mga kahon na iyon ay mga notepads, mga folders, at ilang mga record books.

Binuksan ni Jacob ang isa sa mga notebooks na naroon, na punong-puno ng sulat-kamay ng tatay niya. Karamihan sa mga nakasulat ay findings sa mga research, o kaya naman ay mga katagang tila kinopya nito sa mga libro dahil nakalagay roon ang pamagat at ang pahina kung saan ito mahahanap.

Katulad ng nasa kaliwa, mayroon ring dalawang drawers sa bandang kanan. Jacob opened the first one on top, which are filled with more papers with contents that Jacob do not understand at all. There are chemical formulas and terms that Jacob can recognize, and are probably related to genetics or chemistry. Napasimangot siya habang pinagmamasdan ang mga iyon, dahil kahit pamilyar sa kanya ang mga nakasulat dahil napag-aralan niya na ito noong bata pa siya, hindi niya pa rin maintindihan ang kahit ano roon.

Napabuntong-hininga na lamang siya sa init. "Dapat pala nag-aral ako nang maayos... Kung si Vladimir ang andito maiintindihan niya 'to lahat..."

Umiling-iling na lamang siya matapos buksan ang unang drawer, at lumipat sa ikalawa na sa ibabang bahagi. Nang buksan niya ito, isang kahon na gawa sa kahoy ang naroon, dahilan para magtaka siya.

Nang ilabas niya ang kahon mula sa drawer, isang kwadradong piraso ng papel ang nahulog sa sahig. Jacob presumed it was attached on the container he is holding, so he placed the box on top of the table before picking up the piece of paper.

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon