The car where Daniel, Benjamin, and Lara stopped in front of a gate that is heavily secured by more than a dozen guards all equipped with guns. They are all wearing uniforms that contain the logo of the Paramount Laboratories in it.
Nang makita ng mga guwardiya na silang tatlo ang nasa loob, tumango ang mga ito at pinagbuksan sila ng gate. Pagkatapos noon ay tumakbo pa ng ilang minuto ang sasakyan, bago ito tumigil sa harap ng isang malaking warehouse. Mula doon, tuluyan na silang bumaba ng kotse at naglakad papunta sa gusaling iyon.
"Ito ang unang beses mong makapunta dito... Tama ba, Daniel?" tanong ng school director sa kanya, "Just so you know, you might become a little shocked with what you might see inside."
"Handa naman po ako, Sir Benjamin. Isa pa, sinabi mo na rin naman sa akin ang mga possible kong makita dito, so I managed to prepare myself for this."
"Good..." Benjamin said as he nodded and smiled widely, "Si Doc Lara ang kasama natin dito para maglibot, since siya naman talaga ang in charge sa lugar na 'to bago siya biglang nawala. Si Janus ang pumalit sa kanya noong mangyari iyon. But she's back, and has now taken over here once again... She will guide us inside the place."
As they entered the warehouse, the guards by the entrance just let them pass. Pagkatapos ng ilan pang mga hakbang, sinalubong si Daniel ng daan-daang maliliit na metal chambers na binabantayan ng isa o dalawang guwardiya na may mga hawak na tranquilizer guns. Ang ilan sa mga nagtatrabaho doon ay nakasuot ng mga puting laboratory suits kung saan nakalagay ang logo ng Paramount Laboratories.
Hindi alam ni Daniel kung ano ang magiging reaksyon nang makita ang buong sitwasyon sa loob ng napakalaking warehouse na iyon. "They're all metahumans, right? These – These people in these weird chambers..."
"Yes," tugon sa kanya ni Lara, "Pinili namin ang lugar na 'to kasi hindi masyadong agaw-pansin. It will not attract attention from the public, but still not too far from the city. Malaki rin ang mismong warehouse, pati na ang lote sa paligid nito. While it is heavily guarded, most people think this is just a normal warehouse... but they have no idea that we already turned this into a lab."
Tumango-tango si Daniel nang maalala ang mga nadaanan nilang trucks na pag-aari ng Paramount Laboratories. Nagmamanufacture kasi ito ng mga gamot kaya marahil ay pinapalabas nilang warehouse iyon ng mga gamot na dinidistribute sa buong bansa.
"After Lara's laboratory got burnt by some people Helga probably hired, Janus then took over," Benjamin then said as they were welcomed by some of the workers, "But they were stupid not to realize that Lara is also working on this one. Tinarget nila si Lara pero hindi man lang sila nag-research nang maayos tungkol sa mga activities niya. They have no idea that Lara is also working in this massive warehouse which we turned into a safehouse for all these metahumans that we have... And now that Lara is back, she can finally continue with the work here."
"Saan... Saan ninyo sila nahanap?"
"These metahumans? Oh, they're from different parts of the country," Lara responded to him, "Some are in the outskirts, and already left their homes because they know they will not lead a normal life with their own families. Some of them are in groups, moving from place to place in order to survive. They're all running away from the normal people that might think of them as monsters..."
As Daniel walked amongst the chambers, he can see that there is a variety of metahumans that are trapped inside the warehouse-turned-laboratory. Ang iba sa kanila ay mga bata at teenagers, habang ang iba naman ay mga matatanda na. May ilang chambers na naglalaman ng mahigit sa isang metahuman, na naisip ni Daniel ay posibleng magkakamag-anak o magkasabay lang na nahuli.
Kakaiba rin ang itsura ng mga ito. May isa silang nadaanan na katulad tila gawa sa seramiko ang balat, habang may ilan naman na mahigit sa dalawa ang mga mata. Meron rin siyang nakitang isa pa na lumulutang sa loob ng chamber nito. May iba sa kanila na tila bayolente, tanda na rin ng paulit-ulit nitong pagsuntok sa matibay na salamin na ginamit bilang pinto, habang ang iba naman ay kalmado lamang at tila sumuko na. Pareho-parehong walang magawa ang mga ito dahil hindi nila magamit ang mga kakayahan nila, na sa tingin ni Daniel ay dahil sa collar na suot ng mga ito.
BINABASA MO ANG
The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)
Science Fiction(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their unique abilities, and go through a mysterious journey of knowing the truth about their school, their power, and themselves. ******** Jacob neve...