"Binabasa ko ang assessment sa'yo, Emma... And I must say that your abilities that are now manifesting truly interests me," ani Daniel habang hawak ang file ni Emma matapos i-check ang dalaga sa Paramount clinic.
Pagkatapos kasi itong dalhin doon ay agad din siyang inassess ng head physician na parte rin ng Paramount Laboratories Inc. na si Dr. Lara Trinidad. Ang doktor ang naka-assign para panatilihing maayos ang kalusugan ng walong miyembro ng Paramount, at may kakayahang i-assess ang mga posibleng abilities ng mga estudyante base sa verbal consultation at physical tests.
"Ano po ba ang assessment sa 'kin, Sir Daniel?" mahinang tanong ni Emma na tila nalilito pa sa mga nangyayari.
"First, you're showing potential as an omnilingual. Sa ngayon, mukhang nakakaintindi ka pa lang ng ibang mga lenggwahe na naririnig mo... But no one knows the extent of this ability except you. Pwedeng hindi magtagal, makapagsalita at makapagsulat ka na rin ng ibang languages. Hindi ko pa sigurado kung ano pa ang ibang factors surrounding this ability of yours, but you have a potential to become a human translator for every language that exists.
"Also," pagpapatuloy ni Daniel, "Dahil sub-power ng communication manipulation ang omnilingualism, posibleng magkaroon ka rin ng kakayahan na manipulahin ang pakikipag-usap ng mga tao. Your assessment doesn't show specifics yet, but you will probably develop the skill to convey intended meanings from one entity to another."
"Ano pong ibig ninyong sabihin, Sir?"
"Posibleng magkaroon ka ng kakayahan na baguhin nang naaayon sa gusto mo ang mga mensaheng pinagpapasa-pasahan ng mga tao. Meron akong naging estudyante dito noon sa Paramount na may ganyang kakayahan, at isang sub-power ang taglay niya. Linguistic manipulation. Kaya niyang baguhin ang mga salita regardless of its form, meaning, or context.
"Kapag may tinitingnan siyang target, nagagawan niya ng paraan na magbago ang mga salitang lalabas sa bibig nung taong 'yun. Halimbawa, gustong sabihin nung target na gusto niyang kumain ng sinigang. Pero ang ginawa nung estudyante ko, minanipula niya ang ang mga salita nung target, kaya tuloy imbes na sinigang, adobo ang nasabi niya.
"At 'yun palang naikwento ni Jacob... Na nasabi mo na rin sa assessment... 'Yung sinasabi mong narinig mo habang may hawak kang gamit..." Napahinga nang malalim si Daniel habang pinagmamasdan ang huling entry sa file ni Emma, "There is a good chance that you are also psychometric. But the unique thing is, you don't see memories... you hear them. Naririnig mo ang mga alaala ng tunog o boses na naka-embed na sa isang bagay. Para kang may audiobook sa loob ng isipan mo. It's really fascinating."
While Daniel seemed enthusiastic regarding the information, Emma doesn't match his energy and excitement. Malalim ang iniisip nito, at tila nag-aalangan pa rin dahil sa mga nangyari sa kanya.
Daniel gave him a concerned look. "Alam kong naguguluhan ka pa, Emma... Pero huwag kang mag-alala. As your mentor, I will be there on every step of the way, until you reach mastery of your skills. Words are going to be your greatest weapon... quite literally. And I will help you nurture that as you stay here in the program. Pero sa ngayon, huwag ka munang masyadong mag-isip. Weekend bukas, so uuwi ka, hindi ba? Dapat magpahinga –"
Naputol ang pagsasalita ni Daniel nang kumatok ang class adviser ni Emma sa VLID. "Mr. Arevalo... Andito na po ang parents ni Emma."
Ngumiti at tumango si Daniel. "Sige, Mr. Torrenuevo... Papasukin mo na lang sila."
Dalawang lalaki ang pumasok sa opisina ni Daniel. Ang isa sa kanila ay six-footer, brusko at maskulado ang dating, at nakasuot pa ng office clothes, at mukhang umalis muna sa trabaho para puntahan ang anak. Ang kasunod naman nitong lalaki ay 5'10 ang taas, lean at model-type ang pangangatawan. Hindi gaya sa naunang lalaki, the other male has softer and boy-next-door features, but both are equally good-looking.

BINABASA MO ANG
The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)
Fantascienza(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their unique abilities, and go through a mysterious journey of knowing the truth about their school, their power, and themselves. ******** Jacob neve...