"Ano bang ginagawa natin dito, Sonya? Andami-dami namang tao dito... Hindi ako komportable," reklamo ni Viktor habang nililibot niya ang tingin sa paligid, bago inadjust ang pagkakasuot niya ng shades, "At bakit ba kailangan kong suotin 'to? Para akong tanga. Nasa loob tayo pero may shades ako."
"Mas okay na 'yan kaysa maglakad ka na mukhang pirata dahil sa eyepatch mo. Ang awkward naman kung magpapakita ka sa mga tao na may takip ang isang mata. Tsaka disguise 'yan. Magpanggap kang bulag. O kaya panindigan mo na talagang may saltik ka kasi nagsusuot ka ng shades kahit wala namang araw dito sa loob."
Noong hapon na iyon, pumunta sina Sonya at Viktor sa isang restaurant. Maraming tao roon noong oras na iyon, kaya hindi komportable ang pakiramdam ng lalaki. Viktor hates being in crowds, not just because he hates being with people, but because he grew up hiding himself because of his peculiarity.
But now, he has no choice but to stay since Sonya is insisting that they are going to be doing an important business there. She said that it is a matter of life and death, so he just cannot refuse the woman especially since she has been helping him.
"Hindi ba pwedeng umalis na lang tayo? Lumipat na lang tayo ng lugar –"
"Pwede ba, tumahimik ka na?" ani Sonya na binigyan ang kasama ng isang malamig na titig, "Hindi naman tayo magtatagal dito. Dito lang kasi 'yung piniling meeting place nung kausap natin."
"Sino ba 'yang sinasabi mong kausap mo at kailangan nating magtiyaga dito?"
"Remember what I told you about choosing sides?" nakangising tugon sa kanya ni Sonya, "This meeting is about that..."
Bago pa man makasagot si Viktor, isang pamilyar na lalaki ang nakita niyang pumasok sa loob ng restaurant. Nang makita nito si Sonya, ngumiti ang lalaki, at pinagmasdan ni Viktor ang paglapit nito sa kanila.
When he finally got a good look on the man's face, he realized that he had seen him before.
"Teka...Nakita na kita noon..." ani Viktor na bakas ang gulat at pagkalito sa tinig, "Nasa Paramount Laboratories ka, 'di ba?"
The man smiled before nodding. "Hello, Viktor. I'm Dr. Janus Roth from the Paramount Laboratories. And yes, we've seen each other before..."
Nagsalubong ang mga kilay ni Viktor. "Ano ang kailangan mo sa 'min?"
"I want you to do something for me... I don't think your boss inside the organization is going to like it, but you can trust me better than him."
"Kayong mga taga-Paramount Labs, palagi niyo na lang akong pinahihirapan..." ani Viktor sa lalaki, "At teka nga... Bakit naman ako magtitiwala sa'yo?"
"Dahil alam ko kung nasaan ang kapatid mo. Niloloko ka na lang ng amo mo dun para mapasunod ka. She isn't even in the labs anymore. She managed to escape along with some metahumans. I don't know where they are, but I'm sure they are safe."
Nanlaki ang mga mata ni Viktor dahil sa narinig. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo?"
"Syempre sigurado ako..." napahinga nang malalim si Janus at umiling-iling habang may maliit na ngisi sa mukha, "If your boss is trying to make you follow his orders by using your sister against you, then he's just turning you into a fool because he's fully aware that your sister isn't there anymore."
Nagkuyom ang mga kamay ni Viktor dahil sa galit, habang iniisip na tila pinaglalaruan siya ng mga nasa Paramount Laboratories na nag-utos sa kanya na patayin si Gwen.
"Now that you obviously won't work for him anymore... Would you want to work for me?" Janus offered to him as he smirked.
Naupo nang maayos si Viktor, at hinarap si Janus na pinagmamasdan siya. "Bago ako magdesisyon kung susundin ka namin o hindi, gusto ko munang malaman kung ano ang gusto mong ipagawa sa amin..."
BINABASA MO ANG
The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)
Science Fiction(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their unique abilities, and go through a mysterious journey of knowing the truth about their school, their power, and themselves. ******** Jacob neve...