"Ano ba kasi ang gagawin natin dito sa rooftop ng Paramount Building? Siguraduhin mo lang na may sense 'to kasi magagalit talaga ako sa'yo..." reklamo ni Sketch na nakasuot na ng pajamas niya at halatang naghahanda na sanang matulog noong mga oras na iyon.
"Basta nga kasi..." nakangiting untag ni Nico na bakas sa mukha ang excitement. Agad itong tumakbo palapit kay Jacob at sa class adviser nilang pinapunta niya rin doon.
Napailing na lamang si Jacob habang pinagmamasdan ang kaibigan na tila may hinahanap na kung anu-anong mga gamit doon. "Bakit mo ba kasi kami dinala dito? Tingnan mo, naistorbo pa natin si Sir Daniel... Sinundo pa namin 'to dun sa teachers' residences sa likod ng campus. Ang strikto kaya ng guard dun."
"Sulit naman 'yan, kasi pinapunta ko si Sir Daniel dahil dito..."
Isang mayabang na ngiti ang sumilay sa mukha ni Nico, at kumuha ng isang baluktot na bakal na tubo. In front of the three people he brought up there, he straightened the massive and thick piece of metal with his bare hands, before handing it to their class adviser.
"P-paano... Paano mo nagawa 'yun?" manghang tanong ng guro habang kinukuha mula kay Nico ang bakal. Pero nang mailipat na ito sa kamay niya ay halos sumubsob siya sa kinatatayuang aspalto dahil sa bigat noon. "Enhanced strength... at kung wala kang bali sa buto, then you must have enhanced durability as well. If we can conduct more physical tests, and even check your bone density, heart rate, or something... we can find out if you have more manifested physical abilities."
Isang awkward na ngiti ang nasa mukha ni Nico bago sinagot ang guro, "Hindi ko po naintindihan 'yung mga sinabi ninyo pero tama po kayo, nag-manifest na po ang abilities ko, Sir Daniel. At meron po pa akong isang interesting na ability na gusto kong ipakita sa inyo... Teka lang po at maghahanap ako ng pwedeng magamit."
Habang nagpapatulong si Nico kay Sketch sa paghahanap ng mga gamit na pwede niyang gamitin sa pagpapakita ng isa pa niyang abilidad, sinamantala ni Jacob ang pagkakataong makausap ang guro nila. Bakas pa rin sa mukha nito ang pagkamangha sa mga kakayahang ipinakita ni Nico.
"Sir Daniel, pasensya na po talaga kayo... " ani Jacob sa mababang tinig.
"Para saan ang paghingi mo ng tawad, Jacob?"
"Yung tungkol po sa... sa yearbook."
"Ah, iyon ba?" Napangiti si Daniel at tinapik ang balikat ng estudyate niya, "Huwag mo nang isipin 'yun. Tsaka hindi mo naman kasalanan ang nangyari. Malay ba nating mahahanap ninyo 'yung yearbook, hindi ba?"
"Nacurious lang po kasi talaga ako."
"I understand, Jacob. Basta huwag mo na lang isipin 'yun, okay? Tulungan na lang natin 'tong kaibigan mo at mukhang excited nang ipakita kung ano pa ang manifested ability na meron siya."
Nakakuha na ng isang piraso ng kahoy, isang bote, at isang mas manipis na bakal na tubo sina Sketch at Nico.
Unang kinuha ni Sketch ang kahoy at iniamba ito sa braso ni Nico. "Sigurado ka ba dito, Nico?"
"Oo. Kahoy lang naman 'yan," tugon ni Nico bago ikinuskos ang manggas ng t-shirt niya para mailabas ang braso, "Kapag hindi gumana, ipapalo ko 'yan sa pwet mo."
Napatigil si Sketch sa pag-aayos ng suot niyang salamin at bumilog na parang mga barya ang mga mata niya dahil sa takot. "H-ha?"
"Biro lang, ito naman... Dali na kasi. Ipalo mo na 'yan."
"Sabi mo 'yan ha..." Ipinikit ni Sketch ang mga mata, at tuluyang ipinalo ang dos-por-dos na kahoy sa braso ni Nico. Nang wala siyang marinig na reklamo ay unti-unti niyang idinilat ang mga mata niya, at laking-gulat niya sa nakita.

BINABASA MO ANG
The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)
Science Fiction(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their unique abilities, and go through a mysterious journey of knowing the truth about their school, their power, and themselves. ******** Jacob neve...