008. Complex Beings

7.2K 498 69
                                    

Dahil hirap siyang makatulog, napagdiskitahan ni Jacob na basahin ang mga nakasulat sa kopya ng Paramount Code na ibinigay sa kanilang mga miyembro ng Paramount Class. Ilang linggo na rin ang lumipas pagkatapos niyang matanggap iyon, pero ngayon pa lamang niya susubukang basahin ang nilalaman ng booklet.

Binasa niya isa-isa ang mga rules and regulations, pati na ang mga eksplanasyon na kakabit ng bawat isa sa mga ito. Nakalagay rin doon ang pagkahaba-habang vision at goals ng Paramount Program, at ang mga taong konektado sa pagkakabuo ng proyektong iyon.

Hindi nagtagal ay narating na rin ni Jacob ang natitirang mga pahina ng booklet na hawak niya. Nakalagay doon ang mga naunang batch ng Paramount Classes magmula pa noong una itong pinasinayaan noong 2010. Sila ang ika-sampung batch, kaya hindi pa nakalagay ang mga pangalan nila sa booklet na iyon.

Dahil 2010 nagsimula ang Paramount Program, napagtanto ni Jacob na hindi pa ganoon katanda ang mga miyembro ng unang batch kaya bahagya siyang naging interesado sa mga ito. Habang iniisa-isa niya ang mga pahina, napansin niyang may mga ilang batch na kulang ng isa ang mga miyembro. Sa halip na walong estudyante, pito lamang ang mga miyembro sa mga batch na galing sa mga taong 2013, 2014, at 2016. From those three batches, the IntraID, InterID, and the LMID student are missing respectively.

Naweirduhan siya sa mga nakasulat, pero nang maalala niya na maaaring ma-expell sa program ang isang estudyante kapag may nilabag itong specific na rules ay hindi na niya ito masyadong inalala. It is possible that the three students missing from those certain batches did not follow a certain rule, which resulted to their expulsion from the program.

Pagkatapos niyang ipatong ang booklet sa bedside table niya, kinuha niya naman ang notebook na nakalagay din doon. Mag-iisang linggo na rin na pinaparesearch sa kanila ng class adviser nilang si Daniel Arevalo ang dahilan kung bakit sila naging miyembro ng Paramount Class, pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin makuha kung tungkol saan ang hint na ibinigay sa kanila.

May napupuntahan na rin namang sagot ang pagreresearch niya, pero nawiweirduhan siya dahil napupunta siya sa mga topics gaya ng genetics, at theory of evolution. Dahil sa hilig niya sa mga science fiction movies, may sumaging sagot sa loob ng isipan niya. Pero umiling siya habang natatawa sa sarili, dahil alam niyang sobrang nonsense at imposible ng mga naiisip niyang sagot.

Napabuntong-hininga na lamang si Jacob, bago isinara ang notebook niya at ibinalik ito sa ibabaw ng bedside table. Pagkatapos ay sinara niya na ang ilaw sa loob ng kwarto niya, at tuluyan nang natulog.

********

Hindi maiwasan ni Vladimir na mawala sa konsentrasyon habang nasa klase siya. Kahit nasa loob siya ng computer laboratory at nasa kalagitnaan ng isang lecture, lumilipad naman ang isip niya. Ilang araw na rin ang lumipas pagkatapos ang nangyari sa loob ng kwarto niya, pero naninibago pa rin siya sa mga naganap sa sarili niya.

Kahit pa pilit niyang kinakalma ang sarili at kinokontrol ang kung anumang nangyayari sa kanya, hindi pa rin basta nawawala ang takot na nararamdaman niya. Alam ni Vladimir na merong mali sa kanya, at hindi normal ang mga nangyayari sa sarili niyang katawan at sa paligid niya. Natatakot naman siyang magsalita tungkol doon dahil hindi niya naman masisigurado kung sino ang makakatulong sa kanya.

Sa loob ng mga araw na pilit niyang ikinukubli ang mga naganap, pilit niyang inalam kung nanggaling ba talaga sa kanya iyon at kung ano ang nagtitrigger sa ganoong mga pagkakataon, pero hindi niya basta makuha ang sagot sa mga tanong niya.

Napabuntong-hininga siya at napahawak sa mouse na nasa desk niya habang nakatitig sa computer screen. Naririnig niya pa rin ang sinasabi ng teacher nila, pero hindi na iyon rumerehistro sa loob ng isipan niya. Nakatulala lamang siya sa harap ng computer habang nag-iisip nang malalim.

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon