010. A Strange Sonata

6.3K 436 62
                                    

"Good luck, Axis. You're going to ace this performance, I'm sure of that..." ani ng teacher ni Axis na siya ring isa sa organizers ng recital na iyon ng mga Grade 12 students ng MRID.

For that night, he chose to play the lengthy and difficult Beethoven's Piano Sonata No. 32; Op. 111 in C Minor. Hindi niya pinakinggan ang mga palakpak mula sa audience, at sa halip ay itinuon ang concentration sa pag-upo pa lang niya sa harap ng piano.

As he started to place the piece, he was quickly lost in it. He played like no one is watching or listening, and every movement of his fingers were almost magical.

Sa kalagitnaan ng pagtugtog niya, naipikit na lamang ni Axis ang mga mata. All of a sudden, he did not feel the need to look at the pieces of paper in front of him, and started to play the music from his memory. Hindi niya alam kung paano niya nagawa iyon, pero pakiramdam niya ay parang sigurado siya sa kung ano ang susunod na nota na kailangan niyang malikha. It felt like he knew the said piece made by Beethoven for so many years now, kahit pa ang totoo ay ilang linggo niya pa lamang itong napakikinggan.

He felt good as he played the piece, and gave his best while he made music with his fingers, the instrument, and his own soul. He was so immersed, na hinangad niya na sana ay tumigil ang oras para sa kanya. He wanted to stay in that moment, he desired to make everything remain tranquil as he savoured the music he is making.

But as the piece he is playing finally came to its end, he finally opened his eyes. When he made the last note of the piano sonata, he paused and heaved a deep breath. He waited for the sounds of clapping, but he heard nothing.

Nang ilipat niya ang tingin sa audience, doon niya nakita ang kakaibang eksena sa harap niya. Parang tumigil ang oras para sa lahat ng taong naroon. Everyone is frozen in their seats, their facial expression creepily fixed, and their movements halted midway. Parang isang still-image ang nakikita ni Axis sa harap niya, at walang kahit isa ang gumagalaw.

Unti-unti siyang napaatras dahil sa takot, at nang igala niya ang mga mata sa entrance ng backstage, doon niya nakitang hindi rin gumagalaw ang mga kasama niya, na parang bang nanigas na lamang sa mga kinapupwestuhan nila.

At sa gitna ng lahat ng iyon, siya lamang ang nakakagalaw at nakakakita ng lahat.

Tatakbo na sana siya paalis, nang bigla siyang makarinig ng isang mabagal na pagpalakpak. Nang tumingin siya sa pinanggalingan ng tunog, tumayo sa kinauupuan niya sa bandang likuran si Daniel, ang class adviser nila sa Paramount Class.

"It was an excellent performance, Axis," kalmado nitong saad habang tinatanggal ang earphones mula sa tenga niya, "Apparently, everyone who heard your music is speechless... quite literally."

"A-ano pong nangyari?"

Lumapit sa kanya si Daniel na umakyat na sa stage para samahan siya. Hinarap siya nito at tumitig nang direkta sa mga mata niya, giving him a reassuring look.

"Huwag kang matakot, Axis. Magtiwala ka lang sa 'kin. Everything will be alright." The teacher then pressed his hand on the piano, motioning him towards it, "Now... I want you to play again, so we can bring everything back to normal."

********

Hindi mawala sa isipan ni Axis ang mukha ng mga audience sa dome matapos niyang tumugtog. The frozen facial expressions and movements keep on haunting him, and he can't stop himself from feeling nervous about it. Mag-iisang oras na rin siyang nakaupo sa kama, matapos niyang pilitin ang sarili na matulog. Pero kahit anong gawin niya ay nagigising pa rin talaga ang diwa niya.

Akala niya ay naihanda niya na ang sarili sa paglabas ng potential na meron siya, pero hindi niya inakalang walang klase ng preparasyon ang makakapaghanda sa kanya sa ganitong sitwasyon. Hindi niya mapigilang matakot at mag-aalala habang iniisip na posibleng makasakit siya ng ibang tao sa mga madidiskubre niyang kakayahan na taglay niya.

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon