007. Birth of a Technopath

7.6K 471 118
                                    

Pagkatapos ilagay ni Vladimir ang apat na aklat at tatlong notebooks sa ibabaw ng study table niya, kinuha niya ang digital clock at nag-set ng alarm na titigil pagdating ng 9PM. Pagkatapos noon ay isinuot niya na ang reading glasses, at binuksan ang desk lamp para makapagsimula nang mag-review.

Vladimir always made it a habit to study and learn new things. Hindi siya nagmimintis, dahil gusto niyang mapanatili ang mataas na standing niya sa rankings. Bilang estudyante galing sa Logical-Mathematical Intelligence Division o LMID, importante sa kanila ang grades at pagkakaroon ng mga extra-curricular activities gaya ng pagsali sa competitions. Iyon ang nakapatong na pressure sa mga estudyante ng division nila, since they have always been known to bring the most honor and awards to Faircastle High School.

Kahit pa nahahati sa iba't ibang intelligence divisions ang mga estudyante para malagay ang focus ng mga ito sa totoo nilang kakayahan at galing, naniniwala si Vladimir na ang division na pinagmulan niya ang pinaka-superior sa lahat. Ito rin ang mindset ng iba pang mga teachers sa school na iyon, kaya nga mataas ang tingin nilang lahat sa kanya bilang Top 1 mula sa LMID.

Pero dahil doon kaya naging moral obligation ni Vladimir ang manatiling magaling, at mas lalo siyang pressured ngayon nang makita ang agwat ng mga ratings nila ng nasa Rank 2 ng Paramount na si Gwen. Hindi naman siya galit dito, pero interesado lang siya sa kung paano nito nagawa iyon. Ang madalas kasing pumapasok sa ranking na iyon ay galing sa Visual-Spatial Intelligence Division (VSID), na ngayon ay nasa Rank 3 na dahil sa isang estudyante mula sa Intrapersonal Intelligence Division (IntraID).

Napangisi na lamang si Vladimir habang nagbabasa. Hindi niya alam kung bakit pinag-aaksayahan niyang isipin kung bakit mataas ang naging score ni Gwen. Ang punto naman, siya ang Top 1, at siya pa rin ang nasa tuktok.

Sa halip na mag-isip ng kung anu-ano, itinuon niya na lamang ang atensyon sa pagrereview. He took every book and notebook on his table, absorbed the contents of each page, and closed it every time he is done. Sinigurado niyang nadadaanan ng mga mata niya ang lahat ng nakasulat, at agad niyang itinatatak iyon sa loob ng isipan niya. Kapag nagrereview siya ay hindi niya halos namamalayan ang oras, kaya bahagya siyang nagulat nang matapos siya bago pa tumunog ang alarm.

He stretched his body after the intense review, and when he took the digital clock in his hands to turn off the alarm he set up, he was confused.

"7:10 pa lang? Pero... Tapos na ako mag-review," bulong ni Vladimir sa sarili habang pinagmamasdan ang hawak na orasan.

Sigurado si Vladimir na nabasa niya nang maayos ang lahat ng nakasulat sa mga aklat at notes niya, kaya alam niyang higit pa sa sampung minuto ang ginugol niya sa pagrereview.

Baka sira lang ang digital clock na 'to...

Kinuha niya ang phone na naka-charge, at nang makita niyang 7:10 pa lamang ng gabi ay mas lalo lamang siyang nalito.

Napahinga na lamang siya nang malalim, at umiling-iling. Uulitin niya na lamang ang pagrereview bukas ng madaling-araw para sigurado, kaya tumayo na siya mula sa kinauupuan para maghanda nang matulog. Inisip niya na lamang na marahil ay pagod lamang siya kaya medyo disoriented at confused ang pakiramdam niya noong mga sandaling iyon.

Pero habang naglalakad siya papunta sa banyo para maghilamos, nakaramdam siya ng matinding pagod at panghihina habang naglalakad. Pakiramdam niya ay dumaan sa matinding paghihirap ang katawan niya, kaya halos mawalan siya ng balanse habang naglalakad.
Naipatong niya ang isang kamay sa switch ng ilaw sa banyo.

Wala naman siyang ginagawa, pero bigla na lamang nagsimulang magbukas-sara ang mga ilaw sa loob ng kwarto niya. Umalingawngaw sa silid ang biglang pagtunog ng aircon, at ang biglang pagbukas ng telebisyon na kung saan-saan na napupunta ang channel kahit wala namang may hawak ng remote control. Bigla ring bumukas ang computer niya, at nagsimulang maglabas ng nakabibinging tunog.

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon