045. Partial Truths

4.2K 331 44
                                    

"Nakausap ko na ang papa mo –"

"Hindi ko siya tatay," mariing tugon ni Leia, "Asawa mo siya, pero hindi ibig sabihin noon na siya ang tatay ko."

Hindi makasagot ang ina ni Leia sa mga narinig mula sa dalaga. While her tone is not cold or cynical, she sounded calm but really stern and imposing.

Napabuntong-hininga na lamang ang nanay ni Leia, dahil alam niyang hindi basta magbabago ang isip nito. Mahigit isang linggo na rin ang nagdaan pagkatapos ang nangyari sa bahay nila, at ngayon lamang nagpakita si Leia para makipag-usap. Nagkita sila sa school, at hiningi ni Leia na maging excused muna sa klase para makausap ang ina.

"Pwede ka namang umuwi kahit anong oras kung gusto mo..." ani ng nanay niya, "Kinausap ko na siya. Nangako siyang hindi niya na 'yun gagawin –"

"Kung pipilitin mo akong bumalik doon, kakasuhan ko siya..."

Leia's mother seemed startled and worried after hearing her daughter's statement. "Pero anak, nahihirapan din siya ngayon... Halos lapain na siya nung aso kaya matagal-tagal bago siya makakalakad ulit. Sana naman maintindihan mo –"

"Hindi ko siya kakasuhan dahil sa'yo, pero hindi na ako uuwi... Sinabi ko na sa'yo, 'Ma. Hindi mo ako kailangang piliin," ani Leia, "Pero hayaan mo na lang ako... Hindi ko na kayang tumira kasama sila..."

"At ano?" her mother said, raising her voice in anger, "Saan ka tititra? At sa tingin mo ba kukunin ka ng tatay mo? Ni hindi ka nga niya binalikan o pinupuntahan dito –"

"Binigyan niya ako ng address dati... Ang sabi niya, pwede akong mag-stay doon. Doon na ako nakatira. Nagpapadala pa rin naman siya ng pera eh... Kaya ko ang sarili ko. Hindi mo na ako kailangang alalahanin."

Tuluyan nang umagos ang luha mula sa mga mata ng nanay niya, bago nito hinawakan ang mga kamay niya. "Anak naman... Huwag namang ganito."

"Hindi na lang naman ako ang pamilya mo. Kung ayaw mo akong magsampa ng kaso laban sa kanya, eh 'di hindi. Pero hindi na ako titira kasama nila. Binubully ako ni Sandy, at nakita mo naman kung ano ang sinubukang gawin ng asawa mo..." napabuntong-hininga si Leia, "Lalayo ako hindi dahil galit ako sa'yo, pero dahil ayokong maging dahilan ng mga problema mo."

Pinunasan ng nanay niya ang sarili nitong luha bago pinagmasdan ang mukha ng anak niya. "Kung kailangan mo ako, andito lang ako... Ako pa rin ang nanay mo, Leia... Importante ka pa rin sa 'kin."

A small and lonely smile appeared on Leia's face, before slipping her hands away from her mother's. "Alam ko 'yun, Mama..."

Pinagmasdan ni Leia ang malungkot na mukha ng ina, bago napabuntong-hininga at tuluyang tumayo mula sa kinauupuan at iniwan ito sa garden kung saan nila piniling mag-usap. Pagkatapos noon ay bumalik na siya sa klase at itinuon na lamang ang atensyon doon. However, there are still things that keep on bothering her.

Aside from the encounter between her and her mother, she is still in shock because of Helga's death. Maliban sa biglaan nitong pagkamatay, hindi pa rin mapanatag si Leia dahil alam niyang karamihan sa mga tanong niya ay tanging ang namayapang school administrator lamang ang makakasagot.

After classes, instead of going back to her dorm at the Paramount Building, she went back to the house where Helga has taken care of her. She has the keys the late school administrator gave her, and used it to open the gates.

Pagpasok niya sa loob ng bahay, nakaramdam siya ng kakaiba. Ngayong wala na si Helga, pakiramdam niya ay wala nang laman ang bahay kahit pa naroon siya. She was only there for a few nights, but she started to feel the weird desolation inside. Helga was the quiet type, but she always made her presence felt without talking.

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon