026. The Odd Family

5.1K 396 108
                                    

"My sweet girl... Welcome home. I missed you... Everyone did."

Iyon ang nakangiting bati kay Gwen ng amang si Matthew. Pagbaba niya ng sasakyan ay agad siyang yumakap sa lalaki.

"I always go home every weekend, Dad. Ang OA mo naman..." natatawang tugon ni Gwen habang pinagmamasdan ang ama. "So is everyone really here?"

Tumango ang lalaki habang magkasama silang naglalakad papunta sa dining area ng mansyon. "Yes, dear... Your brothers are all here. Ikaw na lang ang hinihintay namin."

Gwen chuckled as she shook her head, "Kumpleto na naman pala ang alphabet."

Pagpasok nila sa dining room, mayroong anim na lalaki sa loob. Dalawa sa kanila ay nakapwesto sa may malaking bintana, nag-uusap habang umiinom ng wine. Ang tatlo naman ay nakaupo na sa mesa at nagtatawanan pa, habang ang huli ay nakapwesto malapit sa maliit na mesa na nakasandal sa pader at pinaglagyan ng mga basket ng prutas at ilang bote ng alak.

"Baby girl!" sigaw ng isa sa mga lalaking nakaupo sa mesa. Malaki ang katawan nito, at may nang-aasar na ngiti sa mukha. Tumayo ito at agad na lumapit kay Gwen, "You're home..."

Gwen rolled her eyes. "Huwag mo nga akong tawaging 'baby girl'. Kadiri. Tsaka kung umarte ka naman diyan parang lagi kang umuuwi... Tigilan mo nga ako, Eli."

"Ang importante naman, umuwi siya, 'di ba?" nakangiting saad ng isa sa mga lalaking nakatayo sa may bintana. Nakasuot ito ng salamin, at inubos ang laman ng hawak niyang wine glass.

Pinaningkitan ni Gwen ang lalaki, "Isa ka pa, Dalton. Hindi ka nga umuwi last week eh."

"Tama na 'yang pag-iingay ninyo," ani ng nakangiting si Matthew bago naupo sa pwesto niya sa dulo ng long table na iyon, "Let's have dinner... Antoine, can you get the helpers to take the food here?"

Tumango ang pinakamatandang si Antoine, bago pinatunog ang bell na nakalagay sa maliit na mesa. Hindi nagtagal ay mabilis na pumasok ang mga sira-sirang mannequin na naglalakad at dala ang mga pagkain nila. Sinundan ni Gwen ng tingin ang mga mannequin na iyon, and she was a little disturbed at how they looked.

Napahinga nang malalim si Clyde, at tila may asul na vapor na lumabas kasabay ng hininga niya. "Grabe naman 'tong mga ginamit mong mannequin. Sana nagsabi ka sa 'kin para naghanap ako ng mga mas matinong tingnan. The ones you got are seriously creepy."

"I like them that way," Antoine said calmly, as he started cutting the rarely cooked steak on his plate. He smiled slightly as he watched the blood ooze out of the meat. "And by the way, Bullet... Your face."

Napataas ang isang kilay ni Bullet, at agad niyang hinawakan ang pisngi niya. He then felt his skin turning into metal, so he immediately patted it to return it back to normal.

Matthew gave him a concerned smile, before gazing at Felix who is quietly eating beside Gwen. Napahinga siya nang malalim, at tumikhim para makuha ang atensyon ng pito niyang mga 'anak'.

Nang nasa direksyon siya na niya ang tingin ng pito, nginitian niya ang mga ito. "It's just us here, so you don't have to be embarrassed of what you are... of who you are. I want to eat with my children, not with people who pretend to be someone else."

Natahimik ang lahat, at pinagmasdan ni Gwen ang mga nakatatandang kapatid. Isang ngiti ang sumilay sa mukha niya, lalo na kay Felix na nakaupo sa tabi niya.

Ibinaba ni Dalton ang mga kubyertos na gamit niya, at tuluyang hinubad ang salaaming suot. Ipinikit niya nang saglit ang mga mata, bago ito iminulat. His eyes and skin are that of a snake, all in magnificent golden color.

Ngumunguya naman ng karne si Bullet nang ilabas niya ang totoong itsura. Ang buong katawan niya ay gawa sa bakal, kaya biglang nasira ang upuan kung saan siya nakapwesto.

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon