-1001-

604 19 1
                                    


🇧 EEEEPPP!!!!! BEEEPPP!!!

Pinitohan ko ang nasa harapang kotse dahil nakakalayo na ang sasakyang hinahabol ko.

BEEEEEEPPPP!!!!

Ibinaba ko na ang  window glass ko. At sumigaw..

"Tabi!!! Bwiset!!!"

Hindi pa rin natinag ang nakaharang na sasakyan kaya nagdesisyon akong bumaba na at lapitan ito.

Tinted ang salamin kaya hindi ko makita ang nagmamaneho. Kinatok ko ang salamin.

Ilang beses kong kinatok iyon hanggang sa bumukas ang bintana.

"Hindi mo ba alam na bawal yan!?? Paano kung may nagbanggaan at nagbarilan na pala sa likod mo!? Eh hindi mo narinig!!!?"

Bahagya niyang hininaan ang napakalakas na tugtog sa loob sasakyan.

"Ano naman ngayon? E di mag soundtrip ka rin!"

Sa sagot nya, alam kong walang patutunguhan ang usapan na 'to. At isa pa, nagmamadali ako.. Kaya kinalmahan ko nalang ang sarili ko.

Hinugot ko ang wallet ko at binuksan.

"NBI." Tanging sinabi ko at inilahad ang tsapa at lisensya ko sa kanya.

Lumaki ang mga mata nya sa nakita.
Agad nyang pinatay ang nakakabinging musika.

"A-Ah.. Pasensya na po boss. Naghiwalay kase kami ng girlfriend ko, kaya napalakas lang ang trip."

Sa isip ko: ANO NAMANG PAKI KO KUNG NAGHIWALAY KAYO!? GAGO!

Pero, kailangan kong magmadali kaya hindi ko nalang iyon sinabi. Hindi rin naman ako abuso sa posisyon at trabaho ko, kaya.. palalampasin ko nalang ang isang to.

"Sige lang. Itabi mo na ang sasakyan mo dahil may hinahabol ako."

Pasalamat ka at nagmamadali ako..

Itinago ko na ang wallet. At pabalik na ako sa kotse ko nang biglang may humintong itim na motor sa gilid.

Kilala ko ang motor na ito.
Tinanggal nya ang helmet at nagsalita.

Si Sky, ang kasama ko sa pederasyon.

"Sir Doom? Bakit nandito pa kayo??"

"Bwiset kase may nakaharang na sasakyan kanina."

"Naku sir, ang kapal ng traffic ngayon mahihirapan kayong lumusot dyan kung mag kokotse kayo."

Bumaba sya ng motor nya at ibinigay ang helmet sa akin.

"Oh sige. Ikaw nalang magdala ng kotse ko sa opisina. Hahabulin ko lang ang kawatan na iyon. Humanda sya sa akin.."
Sabi ko pagkatapos kong isuot ang helmet at iminuwestra ang dalawa kong kamay na parang naghahanda sa matinding bakbakan.

"Sige sir. Yakang-yaka nyo yun."
Saad nya.

Sumakay na ako sa motor ni Sky at pinaharurot iyon.
Madali akong nakalusot sa mga nakahilerang sasakyan.

Bakit ba kase hindi nila ako payagan na mag motor. Ayan tuloy, yung mga hinahabol ko minsan ay muntikan ng nakakatakas.

Pero, hindi ako papayag na takasan ako ng isang to. Masyado ng balakid ang kawatan na ito sa katiwasayan ng bayan ng San Mateo de Oro.

At ayoko naman na may makalusot sa mga kamay ko. Kung makatakas man ang bantog na kriminal na ito, sya palang ang kauna-unahang makakagawa nito sa akin.

Diniinan ko ang pag-inog sa manibela ng motor. Mas tumulin ang takbo nito.

Sa di kalayuan, nakikita ko na ang itim na van na hinahabol ko.

WANTED (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon