PROLOGUE

22K 618 106
                                    

PROLOGUE

Umihip ang malakas na hangin sa hardin na nagdulot nang pagkakatangay ng mga talulot ng rosas sa ere

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Umihip ang malakas na hangin sa hardin na nagdulot nang pagkakatangay ng mga talulot ng rosas sa ere.

Para bang umuulan ng iba't ibang kulay sa ilalim ng mainit na araw sa kalagitnaan ng katanghalian. Noong mga oras na iyon, akala ko tumigil ang mundo ko.

Marahan kang naglalakad palapit sa 'kin at namangha sa senaryo nang pag-ulan ng mga bulaklak.

Nang araw na iyon, dumating ka sa 'kin. Nagbigay ng liwanag at pag-asa sa pagkatao ko. Nagturo sa 'kin maging masaya at makita ang mundo sa mga mata mo, 'yung mundo na hindi ko aakalain na ganito katingkad at kaganda.

Ngunit hindi ko rin akalain na ikaw din ang magdudulot ng pagbagsak ko, sa posisyong ito kung saan nakahanda na ang malaking palakol nahahati sa ulo at leeg ko.

Muli akong tumingin sa napakaganda mong mata, naghahanap ng sagot sa mga katanungan ko at awa na baka sakaling ako ang tignan mo hindi ang lalaking hawak ang kamay mo.

"Mga huling salita na nais mong sabihin?" Tanong ng pari na magdadasal sa katawan na iiwan ko ngayon, lumingon ulit ako sayo at nakita kong nakayuko ka habang umiiyak.

Tumingin ako sa lahat ng taong na nanonood ng pagbitay sa 'kin at makakasaksi nang karumaldumal na katapusan ko. Ngumiti ako sa mga huling sandali ng buhay ko, ngiting ikaw ang nagdulot kasabay ng pagtakas ng mga luha ko na ikaw din ang dahilan.

"Susundan kita kahit sa kabilang buhay pa."

At unti-unting na hulog ang tingin ko, bumaliktad ito at ngayon kitang kita ko ang bilog na buwan sa madilim na gabi.

Chapter 1

❦❦❦

Re: Write is a part of the series RE: but you can read it as a stand-alone novel. For any questions, you can leave a message on my wall or pm me.

I hope you like my new story.

Ps. It's my first time writing in 3rd POV, so medyo nangangapa pa ako sa pagsusulat ninto.

SLMT

-Ate Venn

Re:WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon