CHAPTER 2

11.3K 560 49
                                    

❦❦❦

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

❦❦❦

Pawang panlalamig ng katawan at hikahos sa paghinga ang naramdaman niya. Tila ba nakakulong siya sa kung saan at nakalubog sa karimlan.

Dinama niya ang paligid at minulat ang mata, nakakita siya ng parang pulang hibla na nakalutang sa tubig at tumatakip sa kaniyang mukha. Agad nanlaki ang kaniyang mga mata ngunit hindi niya pa rin magawa ang gumalaw, tila ay patuloy lamang siyang lumulutang.

'Ano 'to? Dugo?' Tanong niya sa sarili at nang hawakan niya ang mga ito ay nabigla siya dahil hibla pala 'to ng buhok.

Saka niya lang na isip na hindi siya makahinga at nasa ilalim ng tubig, agad siyang naghikahos upang makalabas at makakuha ng hangin nang biglang may humila sa kaniyang mga kamay.

Nasilayan niya ang bughaw na langit at ito na ang hudyat para huminga siya nang malalim, agad-agad siyang kumuha ng hangin na pumuno sa kaniyang baga.

"Ugh—" isinuka niya ang tubig na kaniyang na inum dahil sa pagkakalunod, ilang beses niyang hinampas ang dibdib upang makahinga.

"You're fine now, so calm down," napalingon siya sa lalaking basang basa rin ang damit at mukhang hinahabol ang paghinga. Ang mga mata nito ay nakatingin sa kaniya na may kasamang pag-aalala. Tila ba noong nakita siya nitong humihinga ay naibsan ang kaba ng binata sa kaniyang mukha.

"Ano bang naisipan mo? Magpapakamatay ka ba?" Sigaw nito sa kaniya at halos mahilo siya sa mga pangyayari.

Hindi niya inintindi ang sinasabi ng lalaking nasa harap niya, galit na galit ito ngunit hindi mawala sa isip niya ang nangyari sa kaniya. Nang maalala ni Charlie ang trahedya na nangyari sa kaniya ay mabilis na kumalat ang takot at kaba sa kaniyang dibdib, na nagdulot sa kaniya ng panic.

"Yung truck! Mababangga ako!" Lumingon-lingon siya sa paligid at mahigpit na hinawakan ang braso ng lalaking nasa harap niya.

"Yung truck! Si mama?" Nagsimula nang tumulo ang mga luha niya nang maisip ang karumaldumal na kinahantungan niya. Ni hindi niya alam kung buhay pa ba siya o nanaginip pa rin siya hanggang ngayon.

"Ano bang sinasabi mo Ellis?" Napatigil siya nang marinig ang pangalan na iyon. Tumingin siya maigi sa mukha ng binata na nagligtas sa kaniya sa pagkakalunod.

May pulang buhok ito at asul na asul na mata, matangos ang ilong, magandang kutis at malarosas na kulay ng labi, mga bagay na hindi niya makikita sa normal na araw sa Central City.

"Asan ako?" Tanong niya sa lalaki na ngayon ay naguguluhan na rin sa mga sinasabi niya.

"Ellis nasa palasyo ka," nilingon niya ang paligid, mula sa magarbong hardin na puno ng mga rosas at iba't ibang klase ng bulaklak hanggang sa mataas at matayog na gusali sa kaniyang harapan.

Napaisip siya, wala na siya sa mundong kinagisnan niya.

Agad siyang humarap sa lalaking pamilyar ang mukha, hindi niya alam kung saan niya ito nakita ngunit parang kilala niya ito. Ang paglalarawan niya rito ay pamilyar sa kaniya, parang nabasa niya na kung saan. Pilit niyang inaalala kung saan niya ba ito nakita at patuloy na hinahalungkat ang kaniyang isipan.

Re:WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon