CHAPTER 12

6.8K 371 56
                                    

❦❦❦

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

❦❦❦

Tahimik nilang pinagmamasdan ang mga talulot ng bulaklak na nakalutang sa ibabaw ng tubig. Bilog na bilog ang buwan na pawang na nanalamin sa repleksyon ng sapa.

Pareho silang nakaupo at yakap ni Ellis ang kaniyang mga tuhod. Hindi alam kung ilang minuto o oras na ba ang lumipas na magkasama silang dalawa.

"Tingin mo ilang taon aabutin ang gera?" Tanong niya at seryoso lang siyang sinagot ng binata.

"Dalawang taon, pinakamahaba na ang anim na taon." Naisip niya na sa pagbalik ni Marshall ay nasa tamang edad na siya at mukhang marami nang magbabago.

"Ipangako mo na lagi ka mag-iingat, kahit wala ka sa labanan o nasa gitna ka ng gera ay dapat alerto ka, at isa pa wag kang magtitiwala ng lubusan sa lahat ng kasama mo." Nabaling ang tingin niya kay Ellis na seryosong seryoso sa mga sinasabi nito, para bang pinahihiwatigan siya sa darating na sakuna.

"Wag mong iiwan ang likuran mo na bukas, lagi mo titignan ang paligid mo tandaan mo 'yan," hindi mawari ni Marshall bakit parang binabalaan siya ng Prinsesa, para bang alam na nito ang mga mangyayari sa hinaharap.

"May nalalaman ka ba?" Tanong niya kay Ellis at tumango lang ito, hindi naman maitanggi ni Ellis ang mga alam niya ngunit hindi niya maaaring sabihin kung pano niya na laman ang mga bagay na iyon.

Hindi niya pwedeng aminin na galing siya sa ibang mundo o panahon kung saan na basa niya ang mga pangyayari na magaganap sa loob ng libro. Baka isipin ni Marshall ay nasisiraan na siya ng bait at bawiin ang tiwala na pinaghirapan niyang buoin.

"Kung ganoon, sabihin mo sa'kin ang nalalaman mo," mahinahon na sabi ni Marshall habang hindi pa rin siya nililingon ng dalaga.

Para ba itong hinihipnotismo ng sapa at mga bulaklak na pula na nakalutang dito.

"Ellis, ayos ka lang ba?" Kalbit nito sa dalaga at naputol ang pagkakatulala niya. Masyado nang malalim ang iniisip ni Ellis at hindi niya alam pano ilulusot ang mga paliwanag niya kay Marshall.

"Ah, kasi kanina bibisitahin ko sana ang Empress," banggit nito sabay lingon sa paligid at bulong kay Marshall.

"May balak siyang ipapatay ka sa gitna ng gera at palabasin na doon ka binawian ng buhay." Halos manginig ang mga kamao ng binata sa galit, alam niya naman na matagal na itong may nais na kitilin ang buhay niya ngunit upang gamitin ang gera at madamay ang buong Empire ay sagad na.

"Hindi niya ba na iisip na maaaring tayong matalo kung wala na ako sa gera, ako ang mamumuno doon at kung mamamatay ako ay siguradong mababaliwala ang lahat." Tama ang sinabi ng binata, bilang itinalagang Heneral ay siya ang susundin ng mga kawal niya at wala nang iba. Kung mawawala siya sa labanan ay siguradong iuurong na ang laban.

Tactician ang Duke at malaki ang tiwala ng mga kawal nito sa kaniya, ganoon na din ang Emperor kaya naman sa murang edad ay inihalal na ito upang pamunuan ang isang malaking gera na magaganap sa susunod na linggo.

Re:WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon