CHAPTER 24

5.1K 263 59
                                    

DEDICATED TO: Kyoukunslover

❦❦❦

Isang linggo ang lumipas at bukas na ang gaganaping royal hunt, kung saan ang bawat pamilya ng mga noble ay maaring sumali.

Isa itong event upang magkasama sama ang mga pamilya na may mataas na ranggo. Isang palaro ang gagawin at kung sino ang makahuli ng pinakamalaki o madaming hayop ang siyang panalo.

Ayon sa librong Loving the Crown Prince ay sa event na ito magaganap ang paligsahan sa pagitan nila Marshall at Argus. Pareho silang binigyan ng ribbon o panyo ni Lucille na ang ibig sabihin ay kay Lucille nila iaalay ang panalo na iuuwi nila.

Isang kaganapan na kung sinong binibini ang pinakamadaming natamong premyo ang tatanghaling pinakamaganda at hinahangaan sa loob ng emperyo.

"Natatandaan ko na inaway ni Ellis si Lucille dahil inagaw ni Lucille ang titolong iyon kay Ellis, at isa pa taon-taon na ibinibigay ni Argus kay Ellis ang mga nahuhuli nito ngunit sa taon na iyon ay kay Lucille niya inalay ang pagkapanalo." Umirap si Ellis ng maalala ang bagay na iyon saka niya na pansin na nagiging maldita na nga siya pagdating kay Lucille.

"Sheeet nagiging kontrabida na ata talaga ako, pero syempre iba na ang takbo ng istorya. Wala akong pake kung iaalay pa ni kuya Argus ang mga mahuhuli niya kay Lucille, wag lang yung kay Marshall!" Tumango tango siya habang kumakain ng meryenda niya.

Malaya siyang magsalita ng nais niya dahil wala si Layla ngayon at inutusan niya ito sa Capital city, tumayo siya at tinignan ang lalagyanan niya ng mga damit.

"Hmm, ano kaya ang pwede kong suotin para bukas?" Hahawakan niya pa lang ang isang damit nang may kumatok sa labas ng pinto.

"Pasok," sabi niya at iniluwa nito si Lucille na may dalang kahon.

"Greetings my Lady, isa pong regalo galing sa inyong ina." Alam niyang hindi makatingin sakaniya si Lucille dahil sa nangyari noong mga nakaraang linggo sa emerald room.

Alam niya naman na isa lang itong hindi pagkakaintindihan dahil sa ipinaliwanag na lahat ni Marshall ang nangyari sa loob ng kwarto ngunit hindi niya pa rin maalis sa isip niya ang mga tingin ni Lucille kay Marshall, mga tingin na nagsasabing may nararamdaman siya para sa duke.

"Maaari mong ilapag iyan sa table ko," tumango si Lucille at sinunod ang utos ng kaniyang amo.

"May ipag-uutos pa ba kayo my Lady?" Tumingin si Ellis ng seryoso sakaniya at alam niya na ang ibig sabihin ng mga ito.

Yumuko si Lucille sakaniya at humingi ng paumanhin. Alam niyang mali ang hangaan ang lalaking may nagmamay-ari na, ngunit hindi niya pwedeng iurong ang plano niya.

"Pagpaumanhinan niyo po ako milady sa aking kawalang galang noong gabi na iyon, hindi ko po nais magpakita sa duke ng ako'y nakapantulog lamang o makita ang kaniyang katawan na sa inyo lamang nakalaan," humalukipkip si Ellis, hindi niya alam bakit siya umaakto ng ganito at kung bakit kumukulo ang dugo niya sa mismong bida ng paborito niyang nobela.

"Ghorl, hindi ko alam kung anong plano mo o kung may plano ka ba talaga, pero isa lang masasabi ko sayo. Hindi ko ibibigay ang mapapangasawa ko sayo." Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib dahil sa nasabi niya na din ang tunay niyang nararamdaman.

Re:WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon