CHAPTER 1

14.7K 574 170
                                    

❦❦❦

Malakas na napahagulgol sa unan niya si Charlie matapos mabasa ang update sa paborito niyang storya.

Hinatulan ng kamatayan ang paborito niyang karakter kaya naman halos mabiyak ang puso kaniyang puso habang binabasa ang mga huling kabanata ng nobela.

Storya ito na pinamagatang Loving the Crown Prince, na ngayon ay patok na patok sa mga mangbabasa dahil sa magandang storya at hango sa history ng kanilang monarkiya noong unang panahon.

Isa sa mga karakter sa loob ng libro ay si Marshall Harridan— isa sa pinaka makapangyarihan na Duke sa loob ng Goldton Empire na nahulog sa babaeng mahal din ng kaniyang pinsan na si Arugus Mc Allister na siyang Crown Prince at male lead sa libro.

Si Marshall ay bastardong anak ng yumao na Emperor na si Marvin Mc Allister at kapatid niya rin ang yumaong crown prince na si Tristan Mc Allister.

Maraming nais pumatay sa kaniyang kapatid dahil sa kapangyarihan na malapit na nitong makamit, ngunit isang beses ay nagkamali ng pagdakip ang mga kriminal at ang bunsong kapatid nito na si Marshall ang nakuha nila upang patayin, bilang magkapatid sa ama ay mahal ni Tristan ang kapatid niya na si Marshall kahit kanino man.

At ito ang nagbunga nang masaklap na pagkamatay nito sa pagliligtas niya kay Marshall.

Ngayon ay lumaki sa pagmamalupit si Marshall dahil sa pagiging bastardong anak at sinisisi sa pagkamatay ng kapatid niyang si Tristan na siyang susunod sanang crown prince ng emperyo.

Hindi sila nakaranas nang maayos na buhay ng kaniyang ina dahil sa panghuhusga ng mga kamag-anak nila, kaya nung tuluyan namatay ang Emperor, ang kaniyang ama ay ipinamana nito ang kayaman sa bunsong anak na si Marshall na hind kailanman tinuring bilang Mc Allister.

Ngunit hindi rin naman pinangarap ni Marshall na makuha ang trono kaya naman nanatili siya sa pangalang Marshall Harridan kung saan dala niya ang apilyido ng namayapa niya ding ina.

Lumaki siyang mag-isa, malayo ang distansya sa mga tao at hindi marunong magtiwala, matigas ang puso at mahigpit sa batas.

Tinawag siyang Dark Lord ng kaniyang mga na sasakupan dahil sa paghihigpit nito at sa mukha niyang hinding hindi makikitaan ng mga ngiti.

Ngunit bumaliktad ang lahat nang makilala niya ang babaeng magbabago ng buong buhay niya, ang bida sa istorya na si Lucille Brentwood— anak ng dating Duke ng Bretwood at ang nakatakdang mapangasawa ng Crown Prince na si Tristan, bilang pinakamakapang-yarihan na Duke ay nais ng Emperor na ipakasal ang dalawa upang mapagtibay ang alyansa ng bawat isa. Ngunit sa kasamaang palad ay na matay si Tristan kasunod ng aksidente ng Duke ng Bretwood na kinamatay din ninto.

Nabaon sa utang ang mga Brentwood at upang maisalba ang pangalan ng mga natitirang angkan ay ibinigay na lamang nila si Lucille upang maging kabayaran sa na sirang kasunduan at naging katulong sa Mc Allister Palace.

Doon niya na kilala ang amo niya na si Argus Mc Allister, ang pumalit na Crown Prince. Mabait si Lucille at katangi-tangi ang kagandahan ng dalaga kaya hindi maikakaila na habulin ito ng mga kabinataan kahit sa mataas na estado hanggang sa mababa ay pinipilahan siya.

Ngunit isa lang ang minahal niya at ito ay si Argus. Lingid sa kaalaman ni Lucille, ay na hulog din sa kaniya si Marshall dahil sa kabaitan at maganda niyang ugali na nakapagpabago sa Duke ng Harridan.

Ngunit ayon nga sa istorya, si Marshall Harridan ay isang side character lamang upang mabuo ang pagmamahalan ng dalawa.

At iyon ang hindi matanggap ni Charlie.

"Na saan ang hustisya roon? Nahulog kami sa pagbabago ng Duke tapos papatayin lang siya?" Basang-basa ang unan niya sa kakaiyak nang muli niyang basahin ang mga huling salitang binitawan ng Duke.

Re:WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon