CHAPTER 6

8K 419 20
                                    

❦❦❦



*Nakasalumbaba habang nakatulalala, nakatingin lamang sa labas ng kaniyang bintana at hindi niya na alam kung ilang ibon na ba ang nabilang niyang dumadapo sa kaniyang bintana. Sa panahon na ito, wala pang wifi o cell phone na pwede niyang pagkabalahan.

Ilang araw na siyang hindi pinapalabas sa loob ng palasyo matapos siya magdulot ng kumosyon noong tumakas silang dalawa ni Marshall para magpunta sa bayan.

Nang makauwi silang dalawa noong araw na iyon ay puno ng royal guard ang hardin at madaming tao ang naghahanap kay Ellis sa ilalim ng sapa, akala nila ay muling nagtangka ang prinsesa na kitilin ang kaniyang buhay ngunit na bigla sila nang umuwi ito.

*Hindi lang sila nagulat sa pagbalik nito sa palasyo kung hindi pati na rin ang pag-uwi ng prinsesa kasama ang batang Duke. Lahat ng tao sa buong palasyo ay alam kung gano kapilya at mapaglaro ang prinsesa pagdating sa batang Duke. Alam nila kung pano nito pahirapan ang binata at kung gano rin kagalit ang Duke sa prinsesa.

*Kaya naman kagulat-gulat sa lahat nang makita nilang magkasama ang dalawa at magkahawak pa ang mga kamay na bumalik sa palasyo.

Sa galit ng kaniyang kuya Argus ay hindi muna siya nito hinayaan lumabas, kaya naman ngayon ay nakasalumbaba siyang nag-iisip ng mga bagay-bagay.

Paulit-ulit niyang tinutuktok ang panulat sa ibabaw ng lamesa, habang iniisip ang mga nakita niya sa bayan. Na pagpasyahan niyang isulat ang mga iyon upang mag-isip ng sulosyon sa kakaibang pangyayaring sa buhay niya.

Una niyang sinulat ay ang mga lugar na pamilyar sa kaniya at patuloy na nag e-exist sa panahon niya, 'yung malaking istatwa sa bayan at 'yung bundok na madalas niyang daanan papuntang probinsya.

*Pamilyar ang mga lugar na iyon sa kaniya dahil nakatira siya sa Central City ng Goldton Empire kung saan ang setting ng istoryang binabasa niya, marami lamang nagbago dahil hindi na sakop ng monarkiya ang kontinente nila at naging state nation na ito na pinapalakad ng isang presidente.

*Wala ng emperor na namumuno o korona na ipapasa sa mga henerasyon, isang nasyon na malayang nakakaboto sa iisang taong nais nila ihalal.

*Napabalik siya ng tingin sa kwadernong nasa harapan niya at muling binulugan ang mga importanteng impormasyon na nakasulat doon.

Alam niya namang hango ang istoryang ito sa totoong buhay ngunit ang hindi niya alam ay kung mismo siya ba ang pumasok sa loob ng nobela o na punta lang siya sa nakaraan?

"Sumasakit ang ulo ko," kinamot niya ang kaniyang ulo at muling nag-isip, buti na lang at napagpasyahan niyang sabihin na nawalan siya ng memorya para malaya siyang makapagtanong ng walang nag-iisip ng kakaiba sa kaniya.

Naalala niya tuloy ang nangyari sa kaniya noong bata pa siya, sabi ng kaniyang ina ay nahulog daw siya sa hadgan na naging bunga ng pagkawala ng kaniyang memorya noon.

*Simula nung tumuntong siya ng high school ay wala na siyang maalala sa kaniyang elementarya, may kakaunting kaganapan na pumapasok sa isip niya pero madalas malabo ang mga ito at hindi niya talaga maalala. 

Hindi lubos maisip na magagamit niya ang trahedya na iyon upang takpan ang katauhan niya sa panahon na ito.

"Kung iisipin kong mabuti, parang may koneksyon ang lahat hindi ko lang alam kung ano." Muli na naman siyang nagbuntong hininga at sinulat ang lahat saka binilugan ng paulit ulit ang tanong sa isip niya.

"Anong koneksyon?" At sumalampak sa lamesa, parang na uubos ang lakas niya sa lahat ng mga bagay na nalalaman niya.

"Anong ginagawa mo d'yan Ellis?" Biglang sulpot ni Argus sa likod niya kaya naman agad niyang sinara ang kuwaderno sa harap niya.

Re:WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon