CHAPTER 22

5.1K 341 59
                                    

DEDICATED TO: teppeimyloves


❦❦❦

Hindi maalis ang kaba kay Marshall matapos makauwi sa manor, muli niyang naalala na ngayong gabi na ang room sharing nila ni Ellis. Halos hindi siya mapakali at paikot-ikot na nag-iintay sa loob ng emerald room, ang kwartong gamit ng kaniyang ama at ng iba pang yumaong namuno sa Manor na ito.

Tumingin siya sa higaan na sobrang lawak, muli siyang na mula ng makita ang dalawang unan na nakalatag doon.

"Kumalma ka Marshall, matutulog lang kayo walang ibang mangyayari." Kumbinsi niya sa sarili at pumasok na sa paliguan upang maglinis ng kaniyang katawan.

Matapos niyang maligo ay agad siyang nagbihis ng kaniyang damit ngunit hindi makita ang pang-itaas niya.

Agad siyang nagpatunog ng maliit na kampana upang tumawag ng katulong at agad naman pumasok ang isang babaeng may puting buhok.

Hindi ito makatingin sakaniya ng daretsyo na pinagtataka niya, nakabihis na ito ng pantulog at mukhang mahihiga na. Mabilis niyang inutusan ang katulong para makapagpahinga na rin ito.

"Dalhan mo ako ng masusuot, kumuha ka sa loob ng kwarto ko maraming pang-itaas doon na damit," agad itong tumango ngunit dahil sa hindi nito pagtingin sa binata at panay ang iwas nito sakaniya ay hindi nito na pansin ang mga nakakalat na damit ng Duke sa sahig at na dulas dito.

Agad naman siyang nasalo ni Marshall at nahawakan ang kaniyang bewang, halos pagkabog na lang ng kaniyang dibdib ang kaniyang narinig at sabay silang napalingon nang makita si Ellis na nakasilip sa pinto.

Mabilis na sinara ni Ellis ang pintuan at agad din siyang binitawan ni Marshall na siyang dahilan ng pagkabagsak niya sa sahig, habol tingin niyang sinundan ang Duke na mabilis na lumabas ng silid.

Napangiti siya ng mapait at tumayo na sakaniyang pagkakaupo saka lumabas ng pinto na may luha sa mga mata.

Samantalang karipas naman ng takbo ang Duke upang mahabol sa mahabang pasilyo ang prinsesa, pumasok ito sakaniyang kwarto at mabilis niyang hinabol ang pagsara ng pintuan nito.

"Teka Ellis, hayaan mo kong magpaliwanag." Malakas niyang binuksan ang pintuan na akala mo ay bibigay na sa pagkahatak niya dito.

Nagulat naman si Ellis sa inakto ni Marshall na nagpatahimik sakaniya.

Sa totoo lang ay hindi niya na alam ang inaasta niya, masyado na siyang kinakain ng buhay sa loob ng istoryang ito at hindi naiisip na dapat kay Lucille naman talaga ang lalaking nasa harap niya.

"Pakinggan mo ko!" Isinara ng duke ang pintuan ng kaniyang kwarto at hinawakan siya sa mukha.

"Ikaw lang ang babaeng mahal ko! Iba ang nakita mo isa lang iyong hindi pagkakaintindihan Ellis," hindi niya alam bakit may takot sa mga mata ng Duke kahit na dapat ay malamig ang mga titig nito.

"Hindi mo kailangan magpaliwanag, kung nais mo siya ay hindi ako aangal." Sa mga salitang iyon ay tuluyan nang nagalit si Marshall.

"Bakit ba pinipilit mo ko parating sa iba? Dati pa lagi mong sinasabi na may darating para sakin, hindi ba pwedeng ikaw na lang? Yung nakita mo kanina, nagpapautos ako ng damit dahil kulang ang nailagay nila. Ellis wag mo naman ako pahirapan ng ganito, pakiramdam ko kahit nakuha na kita malayo pa din ang loob mo! Para kang wala sa piling ko," ito na naman at parang kinukurot ang puso niya.

Re:WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon