CHAPTER 11

6.7K 394 50
                                    

❦❦❦

Pawang silaw na silaw ang Emperor habang humihigop ng tsaa sa ilalim ng malaking puno. Kasama niya ang anak na bunso at nagmemeryenda sa gitna ng hardin malapit sa sapa.

"Totoo ba ang nakikita ko? Lumabas ng royal chamber ang Majesty?" Ganitong uri ng bulungan ang nangingibabaw sa paligid nila. Halos lahat ng mapadaan at makita sila ay nabibigla, kilala ang Emperor bilang workaholic at hinding hindi mapapalabas ng kaniyang silid.

Ngunit nang makita nila kung pano nito itago ang saya at ngiti sa mukha ay pawang masaya na din sila para sa Emperor.

"Siguro silaw na silaw kayo dahil sa ang tagal niyong hindi lumalabas ng kwarto, subukan niyo pong buksan ang mga bintana papa," muntikan na maibuga ng kaniyang ama ang tsaa at ganoon din siya, nakalimutan ni Ellis na hindi nga pala sila ganoong kaclose ng ama upang tawagin niyang "papa" kaya agad na umakyat ang takot sa kaniyang katawan at agad din humingin ng paumanhin.

"Ah— your majesty pasensya na po, hindi na mauulit," sabi nito ngunit umiling ang kaniyang ama at muling tinago ang saya sa kaniyang mukha.

Matagal niya na nais makausap at makasama ang anak niyang si Ellis ngunit dahil sa pinalaki itong spoiled ng kaniyang asawa ay hindi ito pumipirme sa kastilyo at laging nasa pamilihan ng mga alahas o hindi kaya damit.

Ngunit kung titignan niya ang kaniyang anak ngayon ay sobrang simple na nito manamit na halos para ito ibang tao. Nakakapanibago din ang mga kinikilos nito para sa kaniya, alam niya ang naging aksidente sa dalaga at hindi niya masisisi ito kung bakit nais na nito kitilin ang kaniyang buhay.

Hindi naman siya agad makadalaw sa anak kahit sobrang nag-aalala siya dito dahil sa mga panahon na iyon ay nasa ibang kontinente siya upang tignan ang iba pang nasasakupan.

"Tawagin mo kong papa o hindi kaya daddy kung nais mo, tutal ama mo naman ako." Bangit nito sabay higop ng tsaa, nakita naman ni Ellis ang kapatid na papalapit sa kanila na may hindi maipintang mukha.

"Totoo ba ang nakikita ko your majesty?" Gulat na tanong nito sa ama at hindi siya nito pinansin bagkos ay umupo siya sa isang bakanteng bangko at sumalo sa meryenda nila.

"Bakit hindi niyo ako pinaunlakan? Pagod na pagod na ko sa pagiging crown prince ko hindi ba pupwedeng ipasa na lang ito kay Marshall?" Sabay na napalingon ang mag amang Ellis at Stephan.

"Kung hindi mo nais ang trono na iyan bakit hindi mo sinabi sa iyong ina?" Nagkamot ito ng ulo at nagbuntong hininga, alam ng lahat na walang galang ang crown prince at masyado itong happy go lucky, pantay ang tingin niya sa lahat kaya naman mahal din siya ng lahat.

Iyon ang bagay na hindi maitatanggi ni Ellis, kahit paborito niya ang character ni Marshall sa nobela ay hindi niya maitatanggi na humahanga din siya sa Male Lead ng istorya.

"Sinabi ko na sa kaniya 'yun noon pa, nais ko lang kako maging magsasaka ngunit puro hampas at palo ang natamo ko your majesty," hinawakan ng kaniyang ama ang ulo niya at ginulo ang buhok ninto, halos bago sa paningin ni Ellis ang mga ganitong kaganapan dahil ramdam niya ang init ng pagmamahal ng kaniyang ama sa kanila.

"Alam niyo na naman na isa lang ang hinahangad ng inyong ina para sa inyo." Siguro nga ay totoo iyon ngunit ang hindi lang makomperma ni Ellis ay bakit kailangan humantong pa sa pananapak at pagkitil ng buhay ng iba.

Pumasok din sa isip niya ang katanungan na pano kaya minahal ng mapagmahal na Emperor ang katulad nitong babae, o hindi naman kaya ay tulad lang din sila ng iba na arrange marriage ang kasal nila?

Natapos ang tea party nilang mag aama at sumapit na ang gabi, sa palasyo na ito ay madalang sila magkita-kita kaya naman bago sa kaniya ang karanasan na makasalo ang ama sa meryenda.

Re:WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon