CHAPTER 7

7.4K 422 34
                                    

❦❦❦

Patuloy siya sa paglalakad sa mahabang pasilyo habang sinusundan ang anino ng paborito niyang tao, bawat hakbang nito ay parang malaking baitang sa kaniya. Isang patunay na mas matangkad ang binata.

"Hindi ka ba titigil sa ginagawa mo? Buong araw kana nakasunod sa'kin," banggit nito habang patuloy sa paglalakad at hindi man lang siya nililingon.

"Pano ko ba makukuha ang tiwala mo?" Tanong ni Ellis habang pinagmamasdan at hinahangaan ang likod ng binata.

"Umalis ka sa paningin ko," mariin nitong sigaw kay Ellis na nagpahinto sa kaniya sa pagsunod.

Hindi pa man nakakalingon si Marshall ay ramdam niya na ang pagkadismaya sa mukha ni Ellis, alam niyang sumusobra na siya sa inaakto niya ngunit matigas ang puso niya upang magtiwala pa sa iba, lalo na't si Ellis ang pinag-uusapan dito.

Tumahimik silang dalawa at marahan na naglakad papalayo si Ellis, iniisip na bigyan muna ng panahon at distansya si Marshall upang makapag-isip.

Hindi naman mawala sa kaniya ang takot at kaba dahil alam niya ang mga mangyayari sa loob ng nobela. Bago koronahan ang Crown Prince, malalason si Marshall at magdudulot ng pagkalabo ng mga mata nito at iyon ang nais iwasan mangyari ni Ellis dahil iyon din ang magpapahirap kay Marshall sa darating na gera.

Paulit-ulit siyang nag-isip ng paraan upang maiwasan ang trahedya na iyon ngunit hindi pa malawak ang nalalaman niya upang gumalaw ng taliwas sa utos ng mismong ina niya.

Si Empress Remilia— ang kaniyang ina na walang iniisip kung hindi ang maging tiga pagmana ang kaniyang anak na si Argus. Lahat gagawin niya upang mapagtibay ang hawak nito sa trono, dahil alam niya na kahit bastardo si Marshall ay siya pa rin ang anak ng namayapang Emperor.

"Bali 'yung papa ko sa buhay na ito ay pinsan ng papa ni Marshall tama? So basically second cousin ko siya tapos ipinasa ang trono ng papa niya sa papa ko at naging crown prince si kuya imbes na siya?" Muli niyang binilugan ang pangalan ni Marshall sa kuwaderno at muling nag-isip.

"Kaya siguro gusto talaga siya patayin ni Empress Remelia dahil siya naman talaga ang dapat na Crown Prince sunod sa kuya niyang si Tristan na patay na rin, Gad siya na lang natitira sa family niya kaya hindi ko siya masisisi kung takot siya magtiwala." Muli siyang sumobsob sa lamesa at nagbuntong hininga.

*tok tok*

"Milady, meryenda niyo po," tawag ni Layla sa labas ng pinto, agad niya sinarado ang kuwaderno sabay takbo upang pagbuksan ito.

"Pasok ka," bati nito ng may ngiti sa labi.

"Magandang hapon po Milady, strawberry cupcakes po ang binake ng chef na'tin ngayon." Binuksan niya ang nakataklob na mantel sa isang basket at inayos ang mga baso para sa tsaa.

"Anong tsaa ngayon Layla?" Kumuha siya ng isang mamon sa basket at kinain agad ito.

"Chamomile tea po Milady, galing sa Yunan City," tumango na lang si Ellis at hinigop ang tsaa.

"Argh— medyo mapait 'tong flavor ngayon," humikling naman si Layla sa pagtataka.

"Gusto niyo po ba ng ibang lasa? Nakita ko si Mary na may dalang ibang klase ng tsaa, kulay itim ito ngunit paghinalo mo ay nagiging asul." Kumunot naman ang noo ni Ellis sa pagtataka.

"Saan daw galing? Mukha bang masarap?" Umiling si Layla at nagbikit balikat lang.

"Ayaw sa'kin sabihin ni Mary kung saan galing ang tsaa na inihahanda niya para kay young master Marshall," agad ng napatayo si Ellis nang marinig ang sinabi nito.

Re:WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon