EPILOGUE

10.5K 512 158
                                    

❦❦❦

Eight years old ako nang mawalan ako ng memorya, 'yung childhood memories na tinatawag nila ay hindi ko alam.

Pero ang pinagtataka ko bakit parang mas kulang ako ngayon pagtapos ko magising sa tatlong buwang pagkaka-comatose sa hospital.

Iyong tatlong buwan na iyon ay parang katumbas ng ilang taong lumipas, parang may kulang sa pagkatao ko kumpara sa panahon noong bata ako at na walan ng memorya.

Minsan pakiramdam ko may nakakalimutan ako na importante sa buhay ko, hindi ko alam kung tao ba ito o pangyayari kasi hindi ko talaga matandaan.

*ding*

Bumukas ang pintuan ng elevator at hinila ko palabas ang maletang bitbit ko, papunta ako ngayon sa bagong unit na titirahan ko, 'yung condo ko kasi ay ibinenta ko na pangbayad sa mga utang at hospital bills kaya ito ako ngayon umaasa sa unit na bigay ng company.

"Room 207," hanap ko sa bawat pintong nakahalera sa pasilyo, napatingin ako sa mahabang hallway at parang may pulang carpet ang nakalatag dito.

"Oo pababa na intayin mo ko d'yan," napalingon ako sa lalaking kakalabas lang ng pinto at may kausap sa kabilang linya, habol tingin ko siyang tinignan dahil sa pula niyang buhok at asul na mata.

"Argus?" Bulong ko sa sarili at napakunot ang noo ko.

Ano bang iniisip ko? Kinakain na ko maigi ng LTCP at pati ata mga character sa loob ng story ay nakikita ko tapos na iimagine ko pa na may red carpet sa harap ko.

"Kakaloka ka sesh," minsan iniisip ko na baka na apektuhan 'yung utak ko sa aksidente para na kasi akong baliw at kung anu-ano ang nakikita.

Kinapa ko ang susi sa aking bulsa at pinihit ang door knob ng pinto na may nakasulat na numerong 207.

Binuksan ko ito at na mangha sa linis at design ng unit, alam ko may kasama akong tumira rito at mukhang malinis siya sa mga gamit kaya dapat ako mag-ingat.

Hinila ko papasok ang maleta ko saka kumatok sa unang pinto na nakita ko,
"Hello, may tao ba d'yan? Ako 'yung bagong roommate niyo po," ilang minuto pa ay walang sumagot kaya pinihit ko ang seredula ngunit nakakandado ito.

"Ah, baka lumabas." Pumunta ako sa kabilang pintuan at binuksan ito saka tumambad sa 'kin ang walang kalaman-laman na kwarto.

"Gulay! Dami ko naman ililipat," nagbuntong hininga ako saka sinalansan ang mga damit sa aparador.

Nakita ko ang isang maliit na kahon sa loob ng bagahe ko at binuksan ito.

"Nilagay pala ni mama dito 'yung mga alahas ko?" Tinignan ko isa-isa ito at pinili kung ano ang pwedeng ibenta at kung ano ang itatago ko.

Napukaw ang tingin ko sa isang kwintas na may singsing na nakasabit, kumunot ang noo ko at iniisip na kailan pa ito andito sa loob ng box.

Para siyang wedding ring dahil sobrang simple niya lang at puro details lang ang nakaukit. Nagandahan ako kaya sinuot ko ang kwintas at bumalik sa pag-aayos ng mga gamit ko sa loob ng kwarto.

Nang matapos ako ay lumabas ako sa kusina para kumuha ng tubig, may na pansin akong brown na libro sa ibabaw ng mesa at kinuha ito.

Bigla kong na ibaba ang baso sa sobrang excitement nang makita ko ang book cover ng libro.

"Sesh publish na pala 'to kailan pa?" Sigaw ko sa tuwa at halos kiligin ako nang makita ko ang title ng LTCP sa front page.

Niyakap ko ito at hindi na makapag-intay na buksan ang unang pahina nang biglang may nagsalita sa likuran ko na kinagulat ko.

"Anong ginagawa mo? Libro ko 'yan!" Napalingon ako at hindi inaasahan na mabitawan ang libro sa gulat ko, may lalaking kakapasok lang sa pinto at seryosong nakatingin sa'kin.

Pero, pareho kaming hindi makagalaw at parang tulala sa bawat isa, 'yung mapungay niyang mata, manipis na labi na sing kulay ng bagong sibol na rosas, itim na itim na buhok at ang malambing niyang boses.

Lahat 'yun bago sa'king paningin pero hindi ko alam bakit parang kilala ko ang lalaking ito na ngayon ko lang nakita, bakit parang ang bilis ng tibok ng puso ko sa unang kita ko pa lang sa kaniya.

Hindi ko alam bakit bigla na lang tumulo ang mga luha ko nang walang dahilan, basta nung makita ko at marinig ang boses niya sobra na kong apektado sa kaniya.

Nanginginig ang kamay ko at parang gusto ko siya yakapin, ngunit bago pa makagalaw ang katawan ko ay na kita ko rin siyang lumuha.

'Yung mga luha niyang mabilis na kumakawala sa mga mata niya ng hindi niya na mamalaman, dahil patuloy lang siyang nakatitig sa 'king mukha at bago niya pa maihakbang ang kaniyang mga paa ay napaurong siya.

"Sino ka anong ginagawa mo dito? Sh*t bakit ako naluluha?" Tanong niya habang mabilis na pinupunasan ang mga luha niya.

"Hindi ko rin alam, kilala ba kita?" Tanong ko dahil kada segundo o minuto na nakatitig ako sa mukha niya ay parang may kung anong pakiramdam sa puso ko.

"Tingin ko rin kilala kita," banggit niya saka lumapit sa 'kin at pinulot ang libro sa sahig.

"Charlie," banggit ko sabay punas sa luha at ngiti sa harapan niya. Nilahad ko ang kamay ko sa kaniya at kinuha niya ito sabay banggit ng pangalan niya habang may luha sa mga mata.

"Kei,"

They say that even mind forgets, heart will always remember.

The End

RE:incarnation Trilogy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

RE:incarnation Trilogy

Re:Write is a part of the series RE: but you can read it as a stand-alone novel. Feel free to read it guy's, hope you like it.

BTW. This story is inspired by Kimi no nawa, Scarlet Heart Reo and Who made me a Princess.

AN: Hello guys, thank you so much for reading my first book Re:Write in this trilogy. Thank you for always supporting me in all of my novels here in wattpad. Im here because of you guys, its such a blessing for me to reach this followers and reads.

Gulay my nose is bleeding ohmygastos.

Like I said, kahit kaunti pa ang reads nito, alam kong maggo-grow din 'to dahil and'yan kayo for me always. Keep on writing until you reach your dreams ika nga, well di ko pa naman na aachieve 'yung makapublish ng book but achievement na sakin yung mareach 'to at makatapos ulit ng isang istorya.

Love you guys, GOD BLESS always muah.

Love lots.

Ate Venn.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Re:WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon