CHAPTER 19

6.4K 310 91
                                    

❦❦❦

Hindi maiwasan ni Ellis ang maguluhan sa sarili niyang nararamdaman, pawang hindi pa siya handa sa mga ganitong kaganapan. Buong buhay niya akala niya na itinakdang mahulog si Marshall kay Lucille. Dahil iyon ang nakasulat sa nobela, iyon ang dahilan bakit pinili niyang mamatay upang ipaglaban ang pagmamahal niya sa dalaga.

Hindi pumasok sa isipin ni Ellis na siya ang pipiliin nito matapos niya makita si Lucille, si Lucille na bida ng istoryang ito at hindi siya na kontrabida dito.

Napahawak siya sakaniyang kamay at tumingin sa mga mata ni Marshall, hindi niya alam kung aaminin niya bang hindi siya galing sa mundong ito o hahayaan na lang na maging masaya siya sa loob ng nobela na ito?

Kumirot na naman ang dibdib niya, tuwing makakramdam siya ng sobrang saya o kalungkutan ay nararamdaman niya din ang puso niya na parang pinipiga. Hindi siya makahinga at parang numinipis ang hangin sa paligid niya.

"Ayos ka lang Ellis?" Hindi niya magawang sumagot dahil sa kinakapos siya ng hininga.

Nataranta si Marshall at agad siyang binuhat nito papunta sa kaniyang silid at mabilis na nagpatawag ng doktor.

"Milaldy," banggit ni Layla na maluha luha sa pamimilipit ni Ellis sa sakit. Agad naman pumasok ang doktor kasama ang crown prince na sobrang natataranta.

Pinalabas muna sila ng doktor at hindi naman mapakali si Marshall habang nagiintay ng balita sa kalagayan ni Ellis.

"Anong nang-yayari kay Ellis? Bakit siya hindi makahinga?" Tanong ni Marshall habang hindi humihinahon sa pag-aalala.

"Hindi ko din po alam my lord, ngayon lang siya inatake ng ganyan," tumingin si Marshall kay Argus na sobrang lalim ng iniisip.

"Your grace, may alam po ba kayo sa kalagayan ni Ellis?" Pawang tulala ito at hindi makasagot sa tanong ni Marshall. Halo halong emosyon ang tumatakbo sakaniya ngayon.

Lumabas ang doktor at agad nila itong tinanong sa kalagayan ni Ellis.

"Kamusta po ang binibini?" Tumingin saglit ito sa crown prince at tumango lang ito saka pumasok sa loob si Argus upang tignan ang kapatid.

"Nasa maayos na po siyang kalagayan ngayon my lord, maaring wag niyo na lang po siyang pagurin masyado at iwasan ang sobrang emosyon." Nagtaka naman silang dalawa sa sinabi ng doktor. Halos manginig si Layla sa sinapit ng alaga nito at hindi maiwasan mapaluha.

"Ano po bang sakit niya?" Umiling ang doktor.

"Hindi ko po malaman, binigyan ko na lang siya ng gamot para pag umatake ang sintomas niya ay maibsan ang sakit." Tumango sila at sinamahan ni Layla ang doktor palabas ng palasyo samantalang si Marshall naman ay hindi alam kung maari ba siyang pumasok sa loob ng kwarto ng prinsesa.

Napayukom ng mahigpit ang mga kamao niya habang pinipigilan ang sarili sa pag-aalala. 

"Anong nangyari sayo noong wala ako sa piling mo Ellis?" Muli siyang tumingin sa pintuan ng prinsesa at naglakad na pabalik ng kaniyang kwarto.

❦❦❦

 ❦❦❦

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Re:WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon