CHAPTER 5

8.3K 467 58
                                    

❦❦❦

Mahigpit na binuhol ni Marshall ang panyo sa buhok ni Ellis, binalot niya ito ng tela upang hindi mapansin ang pulang buhok nito na tanda ng pagiging maharlika.

Habang binubuhol niya ito ay nakatingin lamang sa kaniya si Ellis, hindi pa rin makapaniwala na makikita niya ang paborito niyang character sa ganitong edad. Tingin niya ay nasa edad kinse pababa pa lamang si Marshall sa panahon na ito, dahil bakas pa rin sa mukha ng batang Duke ang pagiging inosente.

Na pansin ni Marshall ang pagtitig sa kaniya ni Ellis, agad siyang umiwas ng tingin rito at hinila pababa ang panyo upang matakpan ang mukha ng prinsesa. Sa mga matang iyon ay nakaramdam ng hiya si Marshall at hindi niya rin mawari bakit tila bumibilis ang tibok ng kaniyang puso.

"Isasama mo na ba ako?" Nagniningning ang mga mata ng dalaga habang nakasunod kay Marshall na iritableng kinakamot ang batok niya.

Wala siyang magawa kundi hayaang bumuntot sa kaniya ang prinsesa dahil sa nalaman na nito ang sikretong lagusan niya, ngunit hindi pa rin maalis sa isip niyang mag alala dahil baka nagpapanggap lamang si Ellis na walang memorya at pagtapos ay isumbong siya sa kaniyang ina.

Alam niya ang ugali ng pinsang ito, kahit na malayong kadugo niya ang prinsesa dahil sa pinsan buo ng ama niya ang tatay nito ay hindi lingid sa kaalam niyang galit ito sa kaniya, dahil sa pagiging bastardo ngunit may karapatan pa din sa tronong habol nila.

Madalas din siyang gawan ng kalokohan ng prinsesa, katulad na lamang ng pang gugulo sa mga ensayo niya, paglalagay ng kung anu-anong insekto sa pagkain at gamit niya at pagtatapon nito ng masasakit na salita sa kaniya at sa kaniyang ina.

Higit sa lahat, anak siya ng empress na pumatay sa kaniyang ina, kaya alam niya na kahit anong taktika ang pwedeng gamitin ay gagawin nila para lang mapagtibay ang hawak nila sa trono na kahit kailan ay hindi naman ninais ni Marshall.

"Pwede ba kung gusto mo gumala mag isa kang umalis," malamig na pakikitungo nito kay Ellis.

Ngunit hindi nagpatalo si Ellis at bumuntot lang sa Duke, patuloy niyang sinundan ang batang Duke kung saan at nakarating na sila sa bayan.

"Wooow!" Hindi niya alam kung anong sasabihin ngunit bumilis ang tibok ng kaniyang puso pagtapos makita ang lawak ng bayan.

Namangha siya sa arkitektura ng buong paligid, ngunit hindi iyon ang dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso niya. Kundi ang mga pamilyar na lugar na halos lagi niyang nakikita sa mga libro ng history noong nag-aaral pa siya.

Sobrang daming tao sa paligid, may kaniya-kaniyang mga gawain at trabaho ang bawat isa, may mag nagtitinda ng iba't ibang mga kagamitan, mga aristrocrats na namimili ng mga mahahaling damit at pagkain, at ibang normal na mamamayan na nagsasaya lamang sa bayan.

Hindi lang ito ang napansin ni Ellis kung hindi ang nakakamanghang arkitektura at mga magagandang tanawin katulad na lamang ng bundok na nahahati sa dalawa ang kulay, kulay puti ang itaas na nababalot ng nyebe at berde naman ang ibaba na puno ng mga puno at halaman.

"Your Highness, a-ano pong pangalan ng bundok na iyon." Tumingin si Marshall sa tinuturo nitong bundok habang kitang-kita niya kung pano manginig ang mga daliri nito.

"Mouth Cersie," napahawak si Ellis sa kaniyang bibig pagtapos banggitin iyon ni Marshall.

"Eh, ang Estatwa na iyon? Anong panagalan ng Heneral na iyon?" Tinuro niya ang isang memorial statue na nasa gitna ng bayan.

"Jamie Leon Heart," nagtatakang sagot ni Marshall sa kaniya habang si Ellis ay gulong-gulo sa natuklasan.

Saka niya lang na alala na lahat nga pala ng nakasulat sa nobelang binabasa niya ay hango sa history at nakabase sa mga totoong tao sa lipunan noon.

Re:WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon