CHAPTER 20

6K 301 46
                                    

DEDICATED TO: @vel_lovesTeddybear

❦❦❦

Ipinatong niya ang panulat sa lalagyan ng tinta saka pinatuyo ang liham na hawak niya. Tinupi niya ito sa tatlo at inilagay sa isang puting sobre saka tinatakan ng selyo na may marka ng House Mc Allister ang Royal Seal.

"Ipadala mo ito sa Harridan estate ng walang nakakaalam, kailangan siya lamang ang makabasa ng sulat na ito kung hindi ikaw ang mananagot, kuha mo?" Tumango ang lalaki na may dala ng sulat at inihatid na ito kay Lucille.

Gumuhit ang mga ngiti sa mukha ni Empress Remelia habang umiinum ng pinakamahal na tsaa.

"Hindi mo pwedeng kunin ang Ellis ko, intayin mo lang at siya mismo ang bibitaw sayo." Bulong nito sa sarili habang nakatingin sa labas ng bintana.

Samantalang sa Harridan Estate ay abala sa pag-iisip ng panibagong plano niya si Ellis, alam niyang nakaligtas na sa trahedya si Marshall mula sa digmaan ngunit ayon sa libro ay dito sa tagpong ito mas magiging mahirap ang lahat para kay Marshall.

"Una ay ang tangkang panglalason, sunod naman ay ang digmaan at ang panghuli ay ang pagbitay sakaniya na ang dahilan ay si Lucille. Kung ihiwalay ko na lang kaya ng tuluyan si Marshall kay Lucille upang maiwasan ang awayan nila ni kuya Argus?" napahawak siya sakaniya baba habang nag-iisip ng maaring sunod na mangyayari, simula ng pumasok siya sa loob ng istorya ay madami nang nagbago sa ikot nito.

Katulad na lang nang pagiging katulong ni Lucille sa Harridan estate kesa sa royal palace, may masamang kutob siya rito. Parang may kakaiba sa kinikilos ng bida at na isip niya na hindi lang si Lucille ang nagbago kundi ang ugali din ni Marshall.

Ang kilala niyang Marshall sa loob ng istorya ay hindi ngumingiti at palaging seryoso, ngunit sa mga lumipas na araw nilang magkasama sa loob ng manor ay tila ibang iba na ang karakter nito ayon sa libro.

Araw-araw niya pinapatawag si Ellis sa loob ng opisina nito upang magtsaa o hindi naman kaya ay maupo lang doon habang nagtatrabaho siya. Nagiging pala kwento din ang Duke at madalas na nakikita niya itong patagong ngumingiti.

"Something is off, parang ibang tao ang Marshall na ito, mantakin mo papapuntahin niya ko sa opisnina niya upang tignan lang siya at intayin matapos sa trabaho niya," bulong nito sa sarili, hindi niya maisip na dahil sa pagpasok niya sa loob ng istorya ay nagbabago na din ang ikot nito.

"Pero bago ko problemahin ang kinikilos niya ay kailangan ko muna makipag-ayos sa House Blakesly," tumayo siya at sinara ang kwaderno saka itinago ito sa ilalim ng kaniyang kama.

"Pero bago ko problemahin ang kinikilos niya ay kailangan ko muna makipag-ayos sa House Blakesly," tumayo siya at sinara ang kwaderno saka itinago ito sa ilalim ng kaniyang kama

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagbihis siya ng isang bistidang kulay dilaw at hinayaang nakabagsak ang kaniyang pulang buhok. Naglakad siya palabas ng kwarto at dumaretsyo sa opisina ni Marshall upang magpaalam dito.

Re:WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon