CHAPTER 3

10.4K 436 80
                                    

❦❦❦

Ika-anim na linggo niya na sa katauhan ni Ellis Mc Allister, ang pinakakinaiinisan ng lahat ng nagbabasa ng Loving The Crown Prince. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin matanggap ang nangyari sa kaniya o ang kasagutan bakit siya nasa loob ng nobela.

Mahigit isang buwan na siyang hindi lumalabas ng silid at walang ganang kumain. Halos lahat ng mga katulong ay suko na sa pagpapakain at pag-aaya sa kaniya para lumabas ngunit wala talagang gana ang Prinsesa. Para na 'tong patay sa kinaloob looban, alam na ng buong Goldton Empire ang kalunos-lunos na nangyari kay Ellis.

Kung pano siya na walan ng memorya pagtapos ng aksidente sa sapa, hindi naman masabi ng mga doktor ang tunay na dahilan kung bakit siya na walan ng memorya pagtapos nito malunod. Ang hindi nila alam ay iba na ang taong nasa katawan ng kanilang Prinsesa.

Hati ang opinyon ng mga nasasakupan nila sa ideyang pagkawala ng memorya ng Prinsesa, 'yung iba ay pabor dahil ilang linggo na silang hindi pinagmamalupitan nito at 'yung iba naman ay talagang na aawa para sa dalaga.

Miske si Empress Remelia na mismong ina niya ay hindi man lang siya madalaw o matignan, para bang wala na itong silbi sa kaniya para itapon at pabayaan na lang ng ganoon.

Ang tunay na nag-aaruga lang sa dalaga ay ang kuya nito na si Argus, kahit na abala ang binata sa mga gampanin bilang Crown Prince ay araw-araw niyang dinadalaw ang kapatid ngunit wala pa ring pagbabago kay Ellis.

Lagi lang itong tulala at nakatingin sa kawalan. "Milady, iiwan ko na po ang pagkain niyo rito," bati ni Layla, ang katulong na nag-aalaga sa prinsesa mula noong bata pa ito.

Tumango siya sa harap ni Ellis matapos ilapag ang pagkain sa lamesa na lalamig din naman at hindi mababawasan.

Matapos isara ng katulong ang pintuan ay tumayo siya sa kaniyang higaan at humarap sa malaking salamin na nasa loob ng kaniyang kwarto, tinitigan ang imahe na hindi naman sa kaniya.

Hinawakan niya ang salamin habang tinitignan ang mahabang pulang buhok ng dalaga, kulay asul na mata nito at napakagandang mukha na sa edad kinse ay malayo sa itsurang mayroon siya noon.

Tumulo ang luha niya ngunit mabilis niya ding pinunasan ito, sa tinatagal niya sa palasyo alam niyang totoo na ang panaginip na ito. Ilang beses siyang nanalangin at humiling na sana tuwing gigising siya sa umaga ay bumalik na sa normal ang lahat ngunit ilang beses sumapit ang umaga ay nagigising siya sa paulit-ulit na senaryo kung saan papasok ang katulong at pilit siyang pinapakain.

Ilang beses na din siyang nag-isip ng paraan upang makahanap ng kasagutan, na pag-alaman niyang nasa taon 1647 siya ngayon at edad kinse anyos. Nagpanggap siyang walang maalala upang hindi magkamali sa lahat ng pwede niyang iasta ngunit habang tumatagal ay lalo siyang na wawalan ng pag-asa upang makabalik sa normal na buhay niya.

Isang bagay na lang ang na isip niya.

"Kung na matay ako dahil sa aksidente at na punta dito, kailangan ko rin bang mamatay para makabalik sa normal kong buhay?" Muli siyang tumingin sa salamin.

"Anong ginagawa mo sa sapa nung araw na iyon? Bakit ka tumalon sa tubig para malunod?" Tanong niya sa repleksyon ng babaeng nasa harap niya.

Mula sa pagkakaalam niya ay lumaking spoiled si Ellis, maldita at matapobre din ang prinsesa. Siya ang dahilan bakit hinatulan ng kamatayan ang Duke dahil sa pakikialam nito at nais na makuha ang titolo ng Emperor para sa kaniyang kapatid.

Ngunit sa kalagitnaan ng istorya ay bigla na lang na wala ang prinsesa, hindi niya alam kung bakit at hindi niya naman binigyan ng pansin noon dahil sa gustong gusto niya ng alisin si Ellis sa istorya dahil nga sa ito ang pinakamalaking sagabal sa buhay ni Marshall.

Re:WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon