CHAPTER 10

7.3K 360 52
                                    

❦❦❦

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

❦❦❦

Nakasalumbaba habang tulala si Ellis na ngayon ay hindi alam kung ano ang dapat niyang isipin. Matapos ang gabing iyon ay paulit-ulit na umiikot sa isip niya ang mga sinabi ni Marshall.

"Nagbibinata na ba siya? Wag mong sabihin na may crush pa siya sa'kin eh, kontrabida nga ako 'di ba?" Mahabang buntong hininga ang pinakawalan niya sabay lapag ng pagkain ni Layla sa tabi niya.

"Ano pong iniisip niyo milady? Ayos lang po ba kayo?" Tanong nito at kumuha siya ng isang cookies na nakahanda sa harap niya.

"Iniisip ko lang kung ilang taon ba nagbibinata ang isang lalaki?" Kumunot naman ang noo ni Layla ngunit agad din itong napatawa sa iniisip ng prinsesa.

"Katulad sa edad niyo milady, bakit niyo naman na tanong iyan?" Umiling si Ellis at hinayaan na lang siya ni Layla at baka magalit pa ito sa kakausisa niya.

"Nakita mo ba si Marshall ngayon?" Muli niyang tanong at tumango si Layla habang kinakanaw ang mainit na gatas sa baso ng kaniyang alaga.

"Sa ngayon po ay nakita ko silang nagtitipon sa training ground kasama ang first division ng royal knight," Pumasok sa isip ni Ellis na naghahanda na ang mga ito para sa gera. Alam niya naman na araw-araw silang nag-eensayo ngunit ngayon ay lubusan na ang mga ito dahil sa kumulang dalawang linggo na lang ay sisimulan na ang expedition.

"Layla, magpaluto ka nga ng meryenda na kakasya sa kanila. Dadalaw ako," tumango si Layla at iniwan na ang alaga niyang panay ang kain ng meryendang inihanda niya.

Nagbihis naman si Ellis ng ibang damit, tingin niya ay masyadong magarbo ang suot niya kaya naman humanap siya ng komportable lang suotin. Kumuha din siya ng malaking sumblero at isinuot ito.

"Mukha akong mayora na may malawak na hacienda," sabi niya habang nakatingin sa salamin. Iniisip na sa edad kinse ay parang dalaga na ang itsura niya kumpara sa Charlie noon na tamang laro lang sa labas at nood ng anime sa hapon.

Napahawak siya sa matangos niyang ilong, ilong na hindi pinagkaloob sa kaniya sa nakaraang buhay niya.

"Hustisya naman para sa mga pango." Inayos niya ang kaniyang buhok at pinusod ito ng mataas. Pagbalik ni Layla ay nagulat na lang siya dahil nakabihis na ang alaga.

"Milady, bakit hindi niyo ako inantay upang ayusan kayo?" Tumawa na lang si Ellis at inaya na si Layla na bitbit ang meryenda ng mga nag eensayong royal knight at mga bagong squire.

Pagpunta pa lang nila sa training ground ay halos magulantang na ang mga lalaking nag-eensayo, hindi rin naman alam ni Ellis ang gagawin matapos makitang walang ano mang damit ang mga ito pang itaas, lalo siyang na mula ng mapukaw ang mga mata niya sa poborito niyang si Marshall.

"Gad, ba't ang yummy?" Bulong nito habang takip ang mga mata ngunit may mga pasulyap na tingin sa pagitan ng kaniyang mga daliri.

"Ah! Ang Lady Ellis! Dalian niyo magbihis kayo!" Sigaw ng Heneral na si Freg ang master at tiga pagturo nilang lahat.

Re:WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon