CHAPTER 17

6.4K 445 59
                                    

❦❦❦

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

❦❦❦

Umiling si Layla matapos makita ang piniling damit na susuotin ng kaniyang alaga na si Ellis.

Sing pula ito ng kaniyang buhok at hindi ganoong kagarbo, mukha itong damit na araw-araw lang sinusuot ng dalaga sa loob ng palasyo.

"Pero hindi ba't may damit na kayo para sa araw na ito? Ayaw niyo bang maging maganda sa paninginin ng mga bisita?" Umiling si Ellis at dumekwatro ng upo habang sinusuklay niya ang kaniyang buhok.

"Hindi ako pwedeng mangibabaw ngayon gabi Layla, hayaan mo na lang ako sa nais kong suotin, kung papagalitan ka ng aking ina ay ako na ang magpapaliwanag," hindi na sumagot si Layla ngunit hindi naman maganda ang pakiramdam niya sa kinikilos ng kaniyang alaga.

Ayos naman ito kanina at mukhang masaya ngunit ng matapos ang seremonya ay bigla na lang itong naging seryoso at mukhang malungkot.

"Masusunod po Milady," tumango ito at umalis na sa loob ng kwarto ni Ellis, sumeryoso naman ang mukha ni Ellis at napatingin sa mga taong pumapasok sa loob ng Imperial palace.

Ngayon gabi ay maaring magkita sila Marshall at Lucille, ang bagay na inaatay niya matagal na. Hindi siya maaaring makatawag ng pansin o ano pa man sa binata. Nais niyang maagaw ni Lucille ang pansin nito upang makita niya ang mga susunod niyang gagawin at paplanuhin.

Nakabase ang lahat sa magiging pasya ni Marshall, kung mamahalin niya ang babae ay matutuloy ito sa maaring pagkamatay niya ngunit kung mamahalin din siya ni Lucille ay isang panibagong yugto na iyon ng buhay nila.

Makukuha niya ang babaeng mahal niya at hindi siya hahatulan ng kamatayan dahil doon. Ayon sa istoryang loving the crown prince, magdudulot ng awayan ng magpinsan na si Argus at Marshall ang pagmamahal ni Lucille. Nahahantong naman sa kamatay ni Marshall dahil sa pagkalaban niya sa Imperial family.

Doon na magsisimula ang pagbabago sa duke at magiging sakim na ito at bulag dahil sa pag-ibig na magdudulot naman sa kaniya sa kamatayan.

"Siguro panahon na din para gampanan ko ang role ko bilang kontrabida?" Tanong nito sa sarili at lumabas na din sa kaniyang silid.

Habang naglalakad papunta sa bulwagan ay nakasalubong niya si Argus na mukhang balisa.

"Kuya Argus? Anong problema?" Napatigil ito at mukhang na gulat dahil sa hindi niya napansin ang kapatid na nasa paligid lang.

"Ah, wala naman." Banggit nito at tuluyan na naglakad palayo ng bulwagan.

Kumunot ang noo ni Ellis matapos siyang hindi pansinin ng kapatid kaya naman dumaretsyo na siya sa lugar kung saan dinaraos ang kasiyahan.

Sobrang daming tao, ang gagarbo ng mga damit nilang suot at puno ng iba't ibang tao mula sa iba't ibang lugar.

Nakita niya agad si Lucille na nagbibigay ng inumin sa mga bisita, kahit sa suot nito na pangkatulong ay talaga namang kaakit akit pa rin itong tignan.

Re:WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon