Chapter 2

325 43 0
                                    

Guilty

Our catch up lasts for two hours. Pero parang hindi pa namin napag uusapan ang lahat ng mga nangyari. Hindi kami nauubusan ng kwento sa isa't isa. Pero kailangan na niyang umalis kasi may mga kaibigan at iba pang kakilala na gusto siyang makita.

Buong pag uusap namin ay nakikita ko pa ring nakatingin sakin yung lalaki. Really? What is his problem? Na-concsious tuloy ako sa sarili ko.

Nauna nang umalis si Jean sa akin. Nilabas ko naman ang phone ko para para icheck kung may mga message ba. Lowbat na ang phone ko. Buti na na lang ay nabasa ko pa ang message. Hindi daw ako masusundo ng driver ko dahil may inutos sa kaniya si mommy. Kaya ko namang mag taxi na lang pauwi.

Napatigil ako sa pag titingin sa loob ng bag ko nang marealize na hindi ko makita ang wallet ko. Shit. I probably left my wallet at the restaurant's cr when I dropped my things. Napa face palm na lang ako sa katangahan ko. Hindi pwedeng mawala yung wallet ko!

Maraming paraan para makauwi ako. Pero kailangan ko pa rin mahanap ang wallet ko!

Papara na sana ako ng taxi nang may tumikhim sa tabi ko.

"Uh. Are you okay, Miss? I can see you are struggling with something." Siya yung lalaking nasa loob ng shop kanina. Now he's here, huh?

"No, I'm fine."

"Maybe, I can help?" Tanong niya ulit.

"You don't have to. I'm fine, really." I said with finality.

"I saw you—" I cut him off this time. Bakit ba ang kulit ng lalaking ito?

"Why are you here, by the way? A while ago, you're still inside the coffee shop and then suddenly you're here? And why are you staring too much at me a while ago?" Medyo naiirita na ang tono ko.

Nagulat siya sa sinabi ko.

"You just look familiar. I guess, I've seen your picture on my sister's phone." Really? Maniniwala na ba ako?

Natawa ako ng bahagya. "Really?" I sarcastically asked.

"Yeah. Really. I'm sorry for staring. I know it's rude but I just can't help it."

"Okay, then."

"So, pwede na ba akong tumulong? Alam kong may nangyari." Ang chismoso naman pala ng lalaking 'to.

"Bakit ba ang kulit kulit mo ha?" Medyo tumaas na ang tono boses ko.

"I just wanna help." Nagkibit balikat siya. "What happened?"

"Okay, fine! Nawala ang wallet ko at hindi ako masusunodo ng driver ko and my phone's battery is dead." Hindi ko na napigilang sabihin. Siguro dahil gusto ko ring ilabas ang lahat ng nangyari. "But I can handle myself. I don't need your help."

"Paano ka uuwi? Wala kang pera para sa pamasahe."

"Pwede naman akong kumuha sa bahay." I reasoned out.

"Pag hihintayin mo lang ang driver." Sagot na naman niya.

"And? What are you trying to point out?"

"I can drive you home." He grinned.

Pinanliitan ko siya ng mata. I knew it.

"Don't look at me like that. I have no bad intention."

"Well. I don't know you. I have the right to doubt."

"Let me introduce myself, then." He let out his hand for me. "Wren Magnus Lattimore." Tinignan ko lang ang kamay niya. "You can check my social media accounts for informations, right now. I'm a good person."

"Your technique, huh? To get a girl." I accused.

"What? No! I'm being nice, here. I feel so insulted." Parang may hinanakit sa tono boses niya. "May kapatid akong babae kaya hindi ko kayang gumawa ng masama, katulad ng iniisip mo." Shit. Now I feel guilty. Pero baka naman isa din to sa technique niya. Ugh! Am I being judgemental?

"I'm sorry, okay? You can't blame me, though."

"Yeah. It's okay. But can I drive you home? Para mawala na yung doubt mo?" I sighed.

Di ko na talaga alam kung ano paniniwalaan ko.

"Okay."

Sumunod ako sa kaniya papunta sa sasakyan niya. Hindi siya umiimik habang naglalakad kami. Pag tapat namin sa kotse niya ay pinagbuksan niya ako ng pinto.

Wala siyang imik sa loob ng sasakyan. I guess, I really made him feel bad. Magsasalita lang siya kapag mag tatanong ng direction.

"Dito na lang ako." Sabi ko nang nasa tapat na kami ng village namin. Tinignan niya lang ako. Hindi ko na dinugtungan ang sinabi ko at hinayaan siyang pumasok sa village. Shit. Ayoko talaga kapag may taong galit sakin. Hindi ako mapakali.

Dumating na kami sa tapat ng bahay namin.

"Thank you. Uhm...I'm sorry." Sabi ko habang binubuksan ang pintuan ng sasakyan.

"No. It's okay. Thank you for letting me drive you home." Ngumiti siya ng bahagya. Ngumiti din ako bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Para akong nakahinga ng maluwag.

Siguro nga mabait talaga siya. What is his name again? Wren Magnus- I forgot his surname. Nasa itsura at ayos naman niya ang pagiging mabait.

It's almost six in the evening. Apat na oras lang akong nasa labas pero parang pagod na pagod ako.

Naglinis ako ng katawan at pagkatapos ay humiga sa kama. I feel so exhausted today, though wala naman akong masyadong ginawa.

Iniisip ko pa rin ang wallet ko. Babalik na lang ako bukas sa mall para magtanong sa mga staff ng reastaurant kung may nakita ba silang wallet.

Hindi na ako bumaba para mag dinner. Nakatulog na ako nang tuluyan dahil sa pag iisip kung paano mahahanap ang wallet.

Fall OutWhere stories live. Discover now