Chapter 3

220 37 0
                                    

Small world

Pag gising ko kinabukasan ay nakatanggap ako ng text galing kay Anne, isa sa mga kakilala ko. Tingin ko ay mga tatlong taon ang tanda ko sa kaniya.

Nang makita nang tuluyan ang text niya ay nanlaki ang mga mata ko. Nasa kaniya daw ang wallet ko! Nakita niya sa restaurant sa mall, kung saan kami kumain ni Noelle.

Busy daw siya kaya hindi agad nasabi sa akin na napulot niya ang wallet ko. Nakikipag kita siya sa akin sa Busy Bean. Naalala ko tuloy ang lalaki kahapon at ang nangyari. Hindi ko alam kung makikita ko pa ba ulit ang lalaking yon.

Bakit ko ba siya iniisip! Ang aga aga, yun agad ang pumasok sa isip ko.

Bumangon na ako para maligo. Pagkatapos maligo ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa unang palapag ng bahay. Dumiretso
ako sa kusina para tignan kung andoon na ba sila mommy.

"Oh, Aria, umupo ka na at kumain. Ang aga mo yatang bumaba, may pupuntahan ka ba?" Si manang, habang nag aayos ng plato sa lamesa.

"Opo, may kikitain lang pong kaibigan. Umalis na po ba sila daddy?"

"Kaaalis lang nila, hija." Tumango lang ako bilang tugon. Today is Sunday. Bakit ang aga nilang umalis? Wala naman silang ginagawa masyado every Sunday.

They're always busy. Nakalimutan na yata nilang may anak silang kasama sa bahay.

"Nako, siguro ay marami lang talagang inaasiko ang mommy at daddy mo. Siguradong babawi sila sayo kapag natapos na iyon." Nakita yata ni Manang ang expression ko at parang nabasa ang nasa isip ko.

I know why they're making their self busy. I can't help but think they are being selfish.

After eating breakfast nag paalam na ako kay Manang na aalis na at nagpahatid naman sa driver namin papuntang Busy bean.

I was thankful talaga na si Anne ang nakakita ng wallet ko! Wala akong pake sa pera na laman non pero may mahalagang bagay naman na nakatago doon.

As the driver parked the car near the coffee shop, a familiar car passed by. Agad kong hinampas ang ulo ko. Seriously, Aria? Ilang beses mo bang iisipin ang lalaking yon?

Probably just the same model as his car.

Andito na naman ako sa coffee shop na ito. Kakagaling ko lang kahapon.

"Ate, Aria!" Anne shouted as I enter the coffee shop. I immediately went to her. Nakipag beso ako sa kaniya. At saka kami parehas na naupo.

"I told you to drop the "Ate", we look like we're at the same age!" I smiled sweetly at her.

"I like calling you Ate. I badly want to have a big sister, you know" She shrugged.

"Okay, if that's what you want."

"Oh! Here's your wallet nga pala." She put it in front of me.

"Thank you so much! Thank God you're the one who found this!"

"Always welcome!" Then she grinned

"Let's order muna. My treat." I winked at her. Her grin wider.

I listened to her as I sipped on my iced coffee. Ang daldal talaga ng babaeng 'to.

Fall OutWhere stories live. Discover now